CHAPTER XXVIII

Magsimula sa umpisa
                                    

Hmm?

"Okay ka na ba? Dapat nagpapahinga ka pa muna ngayon" Seryosong usap niya sa akin kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

"Okay na ako, ayokong magpaapekto sa nangyari atsaka hindi naman din na ako iniwan ni Cloie kagabi, inasikaso naman ako ng kapatid mo" Nakangiting sagot ko kaya napatango na lang naman siya.

"Buti naman kung ganon" Simpleng usap niya bago humigop ulit sa kape niya.

Saglit pa kaming natahimik at sinimulan na lang namin ang pagkain.

"Pagtapos mong kumain hatid na kita sa hospital" Biglang usap niya kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya.

Eehh??

"Day off ko" Nasabi ko na lang kaya napatingin na lang naman din siya sa akin

"Day off mo rin naman sabi ni Gail" Nag aalangan na usap ko pa habang nakatitig lang naman siya sa akin.

"Tapos?" Seryosong tanong niya sa akin kaya napayuko na lang naman ako.

"Papasama sana ako pauwi sa bahay ng magulang ko, natatakot na rin kasi ako mag isa" Usap ko

"Pero kung may gaga--------

"Hintayin mo ko rito, maliligo lang ako" Pagpuputol niya sa akin kaya gulat naman akong napatingin sa kaniya habang naglakad na siya palabas sa dining area niya.

Ganon kabilis?

Nilinis ko naman na muna ang pinagkainan namin atsaka ako bumalik sa sala para doon siya hintayin. Muli ko naman naalala ang nangyari kagabi kaya napapailing na lang ako habang umaasa na mawawala na sa alaala ko ang pangyayari na yon.

"Kumusta na kaya pakiramdam ni tenyente?" Natanong ko na lang sa sarili ko ng maalala ko rin ang pagliligtas na ginawa niya sa akin kagabi.

Nang mga oras na yon ay para bang ibang Mickenzie ang nakita ko, ang laging mambwibwiset at nangangasar na Mickenzie sa akin ay bigla na lamang naging seryoso.

Seryosong Mickenzie na halos hindi ko na makilala dahil sa galit niya sa mga sindikato na humaras sa akin.

Na para bang handang handa na siyang pumatay ng dahil lang sa akin.

"Pag ako nasa paligid niya para bang nasa kapahamakan lagi ang buhay niya"

"Pero pag ako, kapag siya ang kasama ko, pakiramdam ko ay ako na ang pinaka ligtas na tao" Nasabi ko na lang at napahinga na lang ng napaka malalim.

"Sigurado kang okay ka lang? Ayaw mo bang magpahinga na lang muna?" Biglang usap niya sa akin kaya agad naman akong napailing ng lumingon na ako sa kaniya.

"Gamutin ko na muna yang mga sugat mo baka kong ano pa mangyari diyan" Usap ko pa at nilabas na ang mga gamit ko sa bag na dala dala ko.

"Hindi na, hatid na kita sa inyo" Sagot niya kaya taka naman akong napatingin sa kaniya

"Anong mas trip mong sakyan? Motor o kotse?" Tanong niya sa akin habang pinapakita ang dalawang susi na hawak hawak niya.

Saglit pa akong napaisip habang tinitignan ang dalawang susi na hawak hawak niya

"Kotse na lang dalhin natin, mas safe pa" Sagot niya sa sarili niya kaya gulat pa akong napatitig sa kaniya ng tumalikod na siya sa akin para itabi sa lagayan niya ang isang susi.

"Mag motor tayo" Biglang usap ko na siyang nagpatigil sa kaniya kaya taka naman siyang lumingon sa akin

"Mag momotor tayo papunta sa San Luiz, tenyente"

"Pero bago yon, gagamutin ko muna yan mga sugat mo sa kamay, ichecheck ko na rin yan likod mo" Usap ko habang hila hila na siya.

Ngunit bago pa man kami makaupo ulit sa sofa niya ay bigla pa siyang nagsalita.

"Kung ginagawa mo lang to dahil naguguilty ka --------

"Hindi lang to dahil sa guilt, tenyen---

Hindi ko naman na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat na magkalapit na ang mga mukha namin ng bigla na lamang akong lumingon sa kaniya

Ngunit sa hindi malaman na dahilan ay napatitig na lamang ako sa mga mata niya.

"E ano?"

"Para san ba tong ginagawa mo, doktora?" Tanong niya habang nakatitig na rin sa mga mata ko.

Para san nga ba tong ginagawa mo, Amari?

AMARI (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon