Grade 3 at Grade 4

Start from the beginning
                                    

| M4B4H0 K4|

LOLA: ma-four..before. Ho! Ka-four.. Ay hindi! Mabaho ka!

At naging isang super hero si Lola. Nagulat ang lahat ng ka-opisina niya.

Officemate 1: Ano kaya itatawag natin sa kanya

Officemate 2: SantoLola?

Officemate 1: Ambaho!

Officemate 2: Ahmm.. Lola Darna?

Officemate 1: Gaya-Gaya..

Officemate 2: IncrediboLola?

Officemate 1: Ang Haba!

~ THE END ~

Natapos ang istorya sa pag-aaway ng dalawang magka-opisina. Nasira lang ang production at hindi na natuloy ang palabas. Nasayang ang pondo at namatay si Super Lola. Yan ang patunay na maraming nag-tangkang maging superhero pero nauwi lang sa kamatayan. Ngayon alam niyo na kung bakit kada tatlong taon ay napapalitan ang gumaganap bilang Superman, pa-ibaiba ang hue sa kulay ng damit ni Spiderman, at kung bakit hindi pa na-iilalabas sa telebisyon si Peksman.

Bukod sa katotohanang namatay si Super Lola, nagkaroon siya malupit na asawa, si Super Lolo. Kung kay Super Lola pa lang ay nalupig na ang kasamaan, hindi mo na siguro aalamin kung ganoong kalakas pa ang taglay na kapangyarihan ni Super Lolo. <BOOM!> Sabog na lahat! Hita man o braso ng tao, hinding hindi inuurungan.



" In all affairs it's a healthy thing now and then to hang a question mark on the things you have long taken for granted."                                                                                     ~ Bertrand Russel

Grade 4. Gumawa kami ng itlog na maalat. Ang hirap pa lang gawin nun. Ibababad mo sa tubig na may asin ng tatlong buwan para lang makain mo. Natawa pa nga 'ko nun kase yung isa kong kaklase hilaw pala ang naibabad imbes na hard-boiled egg. 

Alam naman natin siguro kung ano ang mga parte ng itlog. Pero ang pinakanaguluhan ako ay ang parteng egg yolk, in tagalog -- pula ng itlog. Bakit nga ba pula ang tawag? Ngunit dilaw naman ang kulay? at  Blue ba talaga ang mga kulay ng mga mabibili sa Blue Magic? Tex mo ko pag alam mo.

Ayon sa mga nakakatanda, nag-umpisa daw ang paggamit ng katagang " Pula ang Itlog" noong panahon pa ni kopong-kopong ( Kilala mo ba siya? Ako  indi e.) . Masyado daw kasing bilad sa araw ang mga mata nila na naging resulta ng pagkakaroon ng color-blindedness. Mula sa talatang ito, siguro naman alam niyo na na imbento ko lang yan

Bukod sa itlog, nakagawa din ako ng burong mangga. Lasang alak! Hindi ko type yung lasa. Bulukin mo naman da kase yung suka, tapos lagyan mo ng mangga. Kaya tinapon ko na lang yung akin. Mukha namang nagustuhan ng aso ko yung mangga... Namatay nga lang siya kinabukasan. 

Dito ko yata natutunan lahat ng pagkaing kabababuyan. Kulang na lang, kumaen ako ng lupa, kumain ng uok, uminom ng panis na gatas, at ngumuya ng tinapay na puno ng amag. Syempre hindi ko naman kakayanin yon. Pero nanaginip na ata ako na nakita ko ang sarili ko na kumakain ng buhay na isda. 

Kung nandiri ka sa mga sinabi ko, isa lang ang sagot diyan, sadyang malawak ang kaalaman ng isang indibidwal para maapektuhan ng ganitong mga bagay. Malaki man o maliit, mabaho o mabango, maikli o mahaba mang kaisipan ay dumadalaw sa kumplikadong isip ng bawat tao.

Naimbento ni Isaac Newton ang Laws of Motion 

Naimbento ni Albert Einstein ang Theory of Relavity

Natuklasan ni Archimedes ang sikreto sa buoyancy

Marami nang naimbento sa mundo mula pa noong unang panahon hanggang sa dumating na tayo sa panahon kung saan umiinom na ang mga bata ng tiki-tiki. Ang kaalaman ng tao ang naglunsad sa sandaigdigan mga matinding katanungan na ibabato sa sangkatauhan habampanahon.

TRY MO NGANG SAGUTIN:

1.) Kagaya ko, nakapagsukat ka na rin ba gaya ng pagbukaka?

2.) Kung pamimiliin ka, gusto mo bang maging apo ni Super Lolo at Super Lola?

3.) Bukod sa pagkain ng hilaw na itlog sa parlor games, ano pang trip ang alam mo?

4.) Nanaginip ka na rin ba na kumain ka ng hilaw na isda?

~ SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAG-UD AT MAIKLI PA. PERO WAG MAG-AALALA MAS MALUPIT ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA                                                       ~ TALONGGANISA

iJuanDer ( mga tanong na hindi mabigyan ng kasagutan)Where stories live. Discover now