156 After 5 Years

Start from the beginning
                                    

DARREN JADE HOWELL GALURA

Isa sa kambal namin, he's 3 years old obviously kamukha niya Mama Rhian niya, mukha siyang pasaway diba? Diyan kayo nagkakamali, mukha lang ng asawa ko ang nakuha niya pero ang ugali nakuha lahat sakin gaya ng Kuya AJ niya, sakanilang dalawa ng kakambal niya siya lage ang kawawa, gusto niyong malaman kung bakit? well mamaya na kapag nakilala niyo na ang napakabait niyang kakambal. Sila ang magkasundo ni GJ kasi napakamasunurin nito sa aming lahat. Minsan sa sobrang bait ng batang ito nagtataka pa kami ni Rhian kung kanino talaga  siya nagmana.

 Minsan sa sobrang bait ng batang ito nagtataka pa kami ni Rhian kung kanino talaga  siya nagmana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CAIDEN JADE HOWELL GALURA

Beware! Joke lang. Isa sa kambal, si CJ. Naku wag kayong mahuhulog sa innocent looking at pagiging charming niyan kung hindi lagot kayo. Kamukha ko siya di ba? Pero naman yung kalokohan namin ng Mama niya yun ang nakuha niya lahat. Napakapilyo at ang galing magpalusot. Kung ang kakambal niya parang santo sa bait kabaliktaran naman nitong batang ito kaya lage itong napagtutulungan dahil sobrang pasaway. Ang galing magpaawa effect. Pero ito talaga pinakamalambing sa lahat. Sweet talaga siya lalo na kung may ginawang kababalaghan.

RHIAN

It's weekend kaya kumpleto kaming lahat, we requested kay Glaiza na if pwedeng sa amin na ang araw ng sabado at linggo, no calls, no business emails at kung anu anu pa na related sa work na inayunan naman niya.

Ang bilis ng panahon, 10 years na kaming mag-asawa ni Glaiza at walang nagbago sa kung anong meron kami bukod sa nadagdagan ang mga anak namin.

Sinilip ko sila isa isa kung anong ginagawa nila, sinanay namin sila to wake up early kahit walang school.

Si GJ as usual is reading books while waiting for breakfast.

Si AJ is doing his report sa school, pinaghiwalay namin sila ni GJ ng section sa request na din ni GJ dahil parang bodyguard na niya kasi ang kakambal sa sobrang pagbabantay nito.

Si JJ ayun at nakikipaglaro kay DJ ng chess, hobby na nilang dalawa yan every morning.

Pero teka kulang ng isa.Nasan si CJ?
Napapailing na lang talaga ako sa batang yun. 15 Minutes na siyang late sa oras ng paggising at siguradong magrereklamo na ang mga kapatid nitong sumusunod sa rules dito sa bahay.

" Hubby can you wake up CJ na extend na siya ng 15 Minutes"-pasuyo ko kay Glaiza na nagbabasa ng diyaryo.

Tatayo na sana siya ng inunahan siya ni GJ na hindi na maipinta ang mukha.

" Ako na po"-prisinta  ni GJ.

" Lagot na naman ang isang yun"-komento ni AJ na napapailing.

" He'll wake up the dragon in her"-ngising sabi naman ni JJ.

Napatingin sakin si Glaiza na nangingiti.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now