I watched how his eyes glisten. "They hurt you..."

"And I forgive them." I tightened my grip on his hand. "Kasi nasa akin si Gayle. Kasi nasa akin ka naman."

Nanlaki ang mata ko nang higitin niya ako palapit sa kanya. My cheek crushed onto his chest and my whole being calmed down when I heard the tunes of his heart. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at ang marahang paghalik sa tuktok nito.

"I really don't want to do that to them... I really don't..." Nabasag ang tinig niya. "I love them, but I don't think I can forgive them like you did."

Pumikit ako. "You don't have to."

His chest heaved. "Okay lang ba talaga sa 'yo? Na hindi ko ipakulong si... Mama?" Humina ang boses niya nang sabihin ang huling salita.

Tumango ako. "Ayoko rin no'ng shares. I-donate na lang nila 'yon sa charities."

Sandali siyang natahimik. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya, dahilan para mapamulat ako. Sinubukan kong humiwalay sa kanya ngunit humigpit lang ang hawak niya sa akin.

"What can I do to deserve you?" mahinang tanong niya. "Sabihin mo sa 'kin, Karsen... ano'ng gagawin ko para maging karapat-dapat ako para sa 'yo?"

His words made me feel like I was a piece of art that deserved the highest bidding in an auction, the most beautiful painting in a museum filled with different masterpieces, and the only person he could see in a room full of people. I was worthy. I felt like one.

Doon kami nagpalipas ng gabi ni Gayle. Kobe insisted on that. Nagpadala lang siya kay Kuya Enzo ng damit namin pamalit. Gayle and I slept in his room, and he spent the night on his couch. Nang mag-umaga ay sabay-sabay rin kaming nag-umagahan na para bang walang espesyal na nangyari kagabi.

As the days went by, I noticed how consistent Kobe was. Walang palya ang paghahatid at pagsundo niya sa amin. Nagsimula na rin ang therapies ni Gayle at iba't ibang private conventions ang pinuntahan namin ni Kobe tungkol sa pag-aalaga sa mga batang may special needs.

Inclusion—that was the most important thing I learned.

Individuals with special needs require more than just acceptance; they must also feel included. As a society, we must ensure that everyone is a part of our community and that one's differences do not result in a denial of basic human rights.

People with disabilities face a lot of difficulties in finding jobs because their disability is seen as more relevant than their competence and ability. Hindi iyon iba sa mga paaralan. Most schools in our country aren't inclusive. Mas tumatanggap sila ng mag-aaral na walang kapansanan imbes na turuan ang mga kabataan na yakapin ang pagkakaiba ng bawat isa.

All students, with or without impairments, should be able to stay in the same room without feeling like an outcast.

Hindi dapat mahirap sa isang bata ang pagkakaroon ng kaibigan dahil lang sa pagiging iba niya.

"I-enroll muna natin si Gayle sa sped, tapos kapag maganda ang performance niya ro'n, i-enroll natin siya sa inclusive school," sabi ni Kobe matapos ang isang convention na dinaluhan namin. "Mas maganda rin kasing may ibang bata siyang nakakasama."

I nodded. "Kapag nag-improve na siya... let's do that."

Tulog na tulog ang bata sa bisig ng lalaki. Inihatid kami ni Kobe pauwi bago siya tumulak pabalik sa trabaho. I'm glad that he's making time for this. Iniwan niya pa ang laptop sa apartment dahil dito niya raw itutuloy ang ibang gawain mamaya.

Habang pinapanood na matulog ang anak ay nag-ring ang cellphone ko. Napatingin ako roon at agad na napangiti nang makita ang icon ng group chat naming magkakaibigan.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant