Back Once Again (Chapter 1)

2.4K 83 5
                                    

Ara's POV

Minsan sa buhay ng isang tao, dumarating ang mga bagay na hindi mo aakalain na darating pala sayo. Yung akala mo na okay na ang lahat tapos mali ka pala. Dahil lang sa isang bagay magbabago na ang lahat. Dahil lang doon kailangan mong iwanan at talikuran ang lahat. Iwanan pati ang taong minahal mo ng sobra.

It's been two years. And yet hindi ko pa rin siya matanggal sa isipan ko. Tama nga ba ang decision ko na iwanan na lang siya noon without telling him the truth? Ginawa ko naman lahat para kayanin na sabihin sa kanya pero sobrang hirap. It's just so damn hard to tell your boyfriend na you're suffering from a heart disease. I let him go na hindi niya alam ang katotohanan.

At ngayon, babalik ako. I'll be back here in the Philippines. Effective naman kasi ang medications sa akin sa States as long na I maintain na lang daw then I'll be fine. Gusto ko rin naman dito and I promised my best friend na babalik ako. Kahit na hindi ko pa talaga kaya. Hindi ko pa siya kayang makita ulit. Babalik at babalik lang lahat ng mga memories namin.

"Anak, we're already here." I felt a tap on my shoulder. Si Mama yun; akala niya siguro natutulog pa ako so I straightened up na.

"We're back once again." I told her. I didn't expect nga na babalik pa ako dito.

"Buti na lang at napakagaling ng mga doctors sa States at ang saya ko na magiging okay ka na." She smiled at me and I smiled back. Magagaling nga ang mga doctors sa States at thankful ako for that. Magiging okay? Sana.

"Me too. Namiss ko talaga 'to. I thought hindi na ako makakabalik dito, Ma. And yet, here I am." Ang bait lang ni Lord na hindi niya ako pinabayaan at lagi pa Niya akong pinapagaling.

"Ikaw? Hindi ka makakabalik dito? I know you so well, Ara, Naalala ko nung nainjure ka, sobrang bilis ng recovery mo. You don't know how strong you are. Lahat na-oovercome mo and you're such a brave girl. I'm just so grateful na I have a daughter na katulad mo." There were tears welling up in my eyes pagkatapos sabihin sa akin ni Mama yun. Hindi ko alam kung bakit. Maybe, hindi naman totoo na strong ako, na malakas ako at matapang. How come hindi ko man lang nasabi kay Thomas ang totoo?

"Ma naman eh. Palanding na lang ang plane may hirit ka pa." I told her jokingly and wiped away my tears. Mama kasi, hilig magpaiyak sa mga sinasabi niya.

"Sorry, Anak. I just can't help it. I'm just so proud na anak kita." Drama talaga ni Mama. Palibhasa only child ako eh.

"I'm glad rin na kayo ang parents ko. I could never ask for more." Totoo naman. Wala na talaga. Grabe na ang binigay sa akin ng parents ko.

The plane finally landed at nakababa na rin kami. Hello Philippines! I am so back. Haha. Bababa ka pa lang, ramdam mo na ang init. Nakakamiss rin naman ang ganitong temperature. Halos nakajacket ba naman ako sa States. Kinuha na muna namin ang mga baggages and we immediately proceeded sa waiting area. And there stood Papa with my best friend, Mika. I can not hide the fact that I am so happy to see them right now kaya agad-agad akong tumakbo papunta sa kanila.

"Papa! Mika!" Niyakap ko muna si Papa. Nauna kasing umuwi si Papa sa amin; ang daming inaasikaso sa business. And after that, niyakap ko ng sobrang higpit si Mika. Two years ko ba namang hindi nakita though we eventually chat naman pero iba pa rin kapag personal eh.

"Ara! I missed you so much! Grabe. Ang saya ko na nandito ka na ulit at okay ka na!" She told me at yakap-yakap pa rin niya ako.

"Namiss din kita, Ye. Lahat kayo. Tahimik kaya doon. I'm happy din na nakabalik na rin ako dito. Hopefully, tuloy-tuloy na sana ang pagiging okay ko." Tahimik nga doon tapos namiss ko talaga ang mga tawanan, asaran at mga kwentuhan namin.

Heart Like YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon