Chapter 3 Hindi kami Close

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung hihilingin niyo kung anong itsura ni Ivan..
Gwapo naman.. Pero d ako nababading sa kaniya ahh.. Hahaha
Makapal at mahahaba ang pilik mata niya.. Siguro yun yung asset niya at yung kilay.. Siguro may lahi siyang foreign... Baka indian or pakistani.. Tangos ng ilong niya at kissable lips..

Yan ahhh...

Yan ang itsura ni Ivan

Wala naman masiyadong nangyari sa subject na ito basta nagpakilala lang yung prof. Namen at pinagsulat lang kami kung anong expectations namin..

Yun lang..

--------------
--------------------
-------------------------

Lunch time na...

Hindi naman ako naiinggit sa mga freshmen students na meron na silang kasama sa lunch.. At ako kahit na ganito ako ka gwapo.. Hehe... Walang kasama okay lang sa akin

Kasi... Tatanungin nila ako ng tatanungin paano pa ako makakakain haha...

Pumila na ako para makakuha ng makakain ko...

Hay naku.. Habang nakapila ako.. Ayan na naman ang mga bulong bulangan... Nakakasawa na .. Hahah yabang ko..pero yun talaga ang naririnig ko...

Oh my gosh... Anong course niya?
Ow em gii... Ang gwapo niya
Sh****t finally I found someone...
Nakakita din ako ng gwapo

Yan lang naman ang mga litanyang naririnig ko... At feeling ko may nagaganap na tulakan ng mga kababaihan at tinutulak niya yung isang babae papalapit sa akin...

Ayan na nga naramdaman ko

" awww... Sorry.. Tinulak nila ako kuya" sabi ng babaeng ito na tinulak sa akin

Tapos nginitian ko lang sila na lalong nagpakilig sa mga ito.. Apat sila magkakasama

" ahhh kuya ano pangalan mo? " tanong nung isang babae

" Dunn," tanging sagot ko

"Anong course mo?, freshmen ka din?" tanong pa niya

" engineering ... Oo.. " sabi ko

Tapos nagtuturuan na sila kung ano pang itatanong sa akin.. Pero sorry sila kasi ako na yung sunod sa pila...

Ito namang tindera.. Halatang ngiting ngiti naman...
Hahaha

Grabe.. Sorry readers baka isipin niyo sobrang yabang ko.. Hahaha sinasabi ko lang yung totoong nangyayari...
Nang makabili na ako... Bawat daanan kong table eh may napapatingin talaga sa akin... Tapos bulungan at kita naman sa mga gestures nila na nagagwapuhan sila sa akin.. Hehe..

Naghanap ako na medyo konti lang ang tao..

Pero mukhang mahirap kasi nga lunch time... Pero pagtingin ko malapit sa cr.. Nandun si Sir Jhio.. At si Mr. Salazar.. Nakita ako ni Mr. Salazar at sumenyas na meron pang bakanteng upuan...

Kaya nahihiya man ako eh wala akong magawa kungdi umupo nalang dun

" may bakante pa dito.. Dito ka nalang umupo" sabi ni Mr. Salazar... Samantalang nakatalikod pa nun si Sir Jhio habang kumakain

Nang makalapit ako, napatingin ako sa labas.. Salamin kasi ang nakawall sa paligid ng canteen.. Nakita ang mga nanunuod kila Sir Jhio habang kumakain sila.. Mga Freshmen at siguro yung iba mga higher year na

Tumingin sa akin si Sir Jhio...

" oh diyan ka na maupo" sabi niya sa akin
At umupo na ako.. Katabi ko si Mr.Salazar habang nasa harap ko naman si Sir Jhio.. Grabe sobrang nakakailang yung mga nanunuod sa amin sa labas.. At alam kong hindi lang si Sir Jhio ang pinapanuod nila pati na ako...

" wag mo silang pansinin.. Kumain ka lang diyan" sabi ni Mr. Salazar

At kinuha ko na kutsara at tinidor.. Nakakailang talaga...

Napansin kong ubos na yung pagkain ni Mr. Salazar.. Pero si Sir Jhio naguumpisa palang din

" ahh Jhio mauna na ako... May klase pa ako ng 12:30.. " sabi ni Mr. Salazar kay Sir Jhio

" opo Sir Sige po" sagot naman ni Jhio

"Sige pakabusog ka ahh... Nasasapawan na din kasi kagwapuhan ko sa inyong dalawa eh.. " biro ni Mr. Salazar sa amin.. Tapos lumabas na siya... At nakita kong sinita niya yung mga studyante na kanina pa nanunuod na akala mo eh may shooting.

Naiwan nalang kami ni Sir Jhio sa table...

" diba taga CE11 ka?" tanong ni Sir Jhio

" opo Sir.. " sagot ko

Tapos nagpatuloy ako sa pagkain...

" heheh sinita pa talaga ni Sir Salazar yung mga studyante" sabi pa niya

" oo nga po eh... Di po ba kayo naiilang sa mga ganyan" -- ako

" syempre naiilang din.. Nasanay lang ako.. Alam mo parehas tayo nung unang taon ko dito.. Nung studyante pa ako... Grabe halos hanggang bahay may mga studyante na nagmamasid sa akin.. Feeling ko nga .. Ikaw na sunod na hahabulhabulin ng mga studyante.. Hahaha" sabi ni sir Jhio

Tapos ngumiti lang ako...

Tapos yung ngiti kong ito
Ang nagpabago ng emosyon ni Sir

Parang kanina lang eh nakangiti siya..
Tapos nung ngumiti ako..
Napatingin siya sa mga labi ko..
Sa ngiti ko

1,2,3,...4
4 seconds na nakatingin si Sir sa mga labi ko

Ayyy naku...
Nababaliw na ako..

Ba't ganito ang naiisip ko kay Sir hahahah

Oh baka naman may dumi lang ako sa ngipin ko.. Hahaha

Kaya umiba ako ng tingin, tumingin ako sa labas tapos pasimpleng nilinis ng dila ko yung front teeth ko.. Heheh.

Tapos nagpatuloy na ako sa kinakain ko ganun din si Sir

And napapansin ko na tumitungin talaga sa akin si Sir Jhio.. Pero di ko mahuli...

Ay ewan.. Malamang dalawa lang kami dito sa table...

Pero iba eh...

May nararamdaman ako kay Sir na kakaiba

Oy hindi Love tong nararamdaman ko ahh.. Hahaha
I mean parang meron akong gustong malaman kay Sir Jhio...

---
-----
-----++

Nang malapit na kami matapos ni Sir.. May napadaan na limang lalaki... Tapos binati si Sir

"Sir.." tawag niya dito.. Tapos pagtingin ko si Ivan pala

Tapos tumango lang si Sir
Tapos napatingin sa akin si Ivan

Tapos tumango din..at ngumiti

Haha feeling close..
HINDI KAMI CLOSE... haha

I Love You Sir!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon