Gusto ko siyang pigilan kasi sayang naman isang taon nalang ga-graduate na kami pero naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Nais niya lang matulungan ang kanyang ina na merong sakit na cancer. Dalawa lang kasi silang magkapatid at hindi rin sapat ang sweldo ng ate niya na nagtatrabaho sa motel.



"Ayokong umasa kina tita, may tinataguyod din siyang pamilya. Dati nagpapadala siya amin pero huminto din kalaunan kasi marami din siyang binabayaran at puro highschool na din ang mga anak niya. Siya ang nag offer sakin na doon magtrabaho kasi mas mataas ang sweldo, hindi niya naman ako pinilit kasi alam niyang nag-aarap pa ako pero naiisip ko pwede ko pa namang ipagpatuloy iyon sa susunod pag nagkapera ako, sa ngayun gusto kong madugtungan ang buhay ni Mama" Nakita kong napalunok siya " Alam kong nahihirapan na si Mama pero ayoko siyang mawala kaya gagawin ko to para sa kanya at ipinapangako ko na tatapusin ko ang pag-aaral ko kapag bumuti na siya"


......


"Happy Birthday!"


"Happy Birthday leigh"


"Happy Birthday hija"



Sunod sunod na bati nila sa akin ng bumaba ako ng stage kasama si Papa. Nagpupunas naman ng luha si Papa. Nagbigay kasi siya ng mensahe sa akin kanina.

Puro family and relatives lang ang inimbita nila, medyo kinabahan nga ako kasi baka may mga media mabuti at wala naman. Mostly, hindi ko kilala ang mga naririto, mga relatives daw ni Papa. Lahat naman sila puro mukhang mayayaman. May nakita din akong ilang magpapamilya na kasama ang mga anak nila. Basta lahat sila binati ako at nagpasalamat ako sa kanila. Nandito din sina Xandros pati ang mga pinsan at pamilya nila. Nakita ko din sina Brennon, lev at dario. Panay ang kaway ng dalawa sa akin kanina habang nagsasalita ako sa stage, sila din ang pinaka maingay panay ang cheer nila sa akin habang tahimik lang si Brennon. Nandito din pala si lucas, inimbita ko siya.


Ang saya pala kapag ganito, first time ko mag celebrate ng birthday na ganto kadami ng tao ang kasama ko at first time ko din mag celebrate ng birthday na kasama si Papa. Ang saya pala kapag kumpleto kayo sa araw ng kaarawan mo. Papa's relatives look so kind too. I received a lot of gifts from them at nginitian nila ako sa tuwing tumingin ako sa kanila.



Pagkabalik ko sa table ko ay agad akong niyakap ni Mama at binati. Nakailang bati na nga siya mula kanina at panay din ang iyak

Napatingin ako kay tita Morin na tahimik lang nakaupo. She smiled at me

"Happy Birthday" she beamed


"Thank you po" sabi ko at kumalas sa pagkakayakap sa akin ni Mama.

May binigay din siyang regalo sa akin kanina. Masasabi kong medyo okay na kami ni Tita Morin pero hindi pa talaga kami nakakapag-usap. Yung mga simpleng "Hi" ganun lang yun o gaya ng pagbati niya sa akin ngayun, never pa talaga kami nag-usap tsaka hindi naman kasi kami nagkikita palagi at si Papa lang minsan kasama ko kumain sa labas. Pero sila ni mama never ko silang nakitang nag-usap o kahit nagbati man lang sa isa't-isa.


"Happy birthday anak. I can't believe you're already 23. Ba't ang bilis mong lumaki" sabi niya at pinunasan ang luha niya sa pisngi "Pero maganda ka parin naman. Mas lalo kang gumanda, now that you're older" she chuckled


"Weh?" Sabi ko sa kanya

"Yup, tita is right leigh" sabat naman ni kuya Rhys " actually... Maganda ka naman talaga noon pa"


"Binobola mo lang ako eh" sabay suntok ko sa braso niya

"Ouch" maarte nitong sabi sabay himas sa braso niya "Nabuksan mo na ba ang regalo ko sayo?"

Sinful DesiresWhere stories live. Discover now