"Hmm. How was Kai as your husband? Ang batang iyon, kasal na pala." Malaman niyang ani. May ngisi at may kung anong alam niya na hindi ko alam.

"You married back in his mother's province? You were both young back then. Very very young." Tumatango tango niyang ani.

I really thought he doesn't have a father figure. O kahit na ano. Na ang kaniyang Mama lang ang nariyan para sakaniya. Pero kung maiisip mo, taga metro talaga siya, at bumibisita lang sa ina.

His father looked just like him. Nakikita ko na ganito ang magiging itsura niya sa ganitong edad. Walang halong pagdududa.  

"Am I right?"

"Uhm, yes sir."

"Sir!" Napahalakhak siya. Namula naman ako sa hiya dahil doon. Agad na bumagsak ang mga mata ko sa hita.

"Don't call me sir, hija. My son is your husband. You should call me Papa instead! Papa Keanu or what! Basta hindi sir." Natatawa niya pa ring ani.

Keanu... His father's name is Keanu.

Okay...

"Uhm, okay, po." I nodded and glanced at him. Aliw na aliw siya saakin.

"Ah, he told me about your deal and guess you're really cool about it." Tumango ako. Nakahinga ng maluwag dahil doon. Hindi kailangang maglihim.

"His step mom and his siblings doesn't have any idea about it. Ako lang at siya. Kahit ang mama niya ay walang ideya." I nodded.

"Hindi ko naman po sasabihin." He smiled and nodded.

"I know, hija." Sa seryosong boses.

"Sana ay wala talaga. Lalo na ang  sa mama niya." I coldly nodded my head.

Katahimikan ang nanaig saaming dalawa bago siya muling nagsalita.

"Hindi sinabi ni Kai ang tungkol dito. I just know about it. He gave you money to support your studies, right?" I nodded.

"Good."

"Sapat ba ang binibigay niya?"

"Opo." Kahit lito na ako sa kung ano bang pinag-uusapan namin.

"Right. And today is your anniversary." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"And your birthday, too." Tuluyan nang napaawang ang labi ko.

"What an asshole. He doesn't have any idea about it. Married you on your birthday and don't give a fuck about it." Nilaro niya ang kaniyang labi bago ako seryosong tinignan.

"Wala naman po iyon. Ayos lang." I mumbled.

"Hmm? So what do you do during you birthdays before? Wala ka sa pamilya mo. Do you have friends here?" I nodded.

"Ngayong taon po ay meron. Lalabas kami mamaya... uh... ng mga kaibigan ko." He shifted on his seat. Nanliliit ang mga mata.

"How about last year? or last last year?"

I was hesitant a bit but I still looked at him.

"Sa bahay po." He groaned dramatically.

"Ikaw lang?"

Napaayos ako ng upo.

"Uhm, opo. Pero marami naman din pong ginagawa sa school kaya busy."

"Tss..." Nagtagal ang titig ko sakaniya. What is that?

Napasunod ang tingin ko sakaniya nang tumayo at sinenyasan ang lalaking naka uniporme sa gilid. May binulong at tumango lang bago bumalik na may dalang puting envelope.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon