153 Memory Loss

Začít od začátku
                                    

" She's stable now mababa na din ang lagnat niya pero kelangan pa din natin siyang obserbahan at antayin ang paggising niya"-sabi ng doktor.

" Doc dito na lang kayo magpalipas ng gabi"-Batchi.

" Hindi pwede I have many patients to attend to but thank you for the offer maiiwan naman dito si Tasha alam na niya ang kanyang gagawin"-sabi ng doktor.

Inis na lumapit si Tasha kay Glaiza.

" Glaiza umayus ayos ka nga diyan nauunsyami ang lovelife ko sa'yo eh"-pamaywang niya sa tulog kong asawa.

" Rhian okay lang ba kung dito na din ako sa kwarto niyo matulog? Dun na lang ako sa couch"-paalam nito.

" Mas comfortable kung sa bed ka magpahinga,you can use the guestroom na katapat lang ng room namin para matawagan kita agad kung sakali"-sabi ko dahil hindi ako comfortable na may ibang tao sa sanctuary namin ni Glaiza.

Naunawaan naman agad ni Tasha ang  ibig kong sabihin at lumabas na ng kwarto namin.

" Why do you always make me feel like this Hubby?You always do things that's making me scared of losing you.Don't do this to me Glaiza please."-naluluha kong kausap kay Glaiza na mahimbing pa ding natutulog.

Dumukwang ako and kiss her lips for a moment.

" I love you too Love"-anas ko when I remembered the last time she say those 3 words to me and didn't get my response.

Tumabi na ako sakanya, pabiling biling ako sa higaan dahil hindi ako sanay ng ganito, yung tahimik, usually bago kami matulog ni Glaiza maghaharutan muna kami or we'll talk random things or we'll end doing sexy stuff and make love pero ngayun wala, I'm missing her already my wife, my panda, my love, my Glaiza.

-----

GLAIZA

Naalimpungatan ako na mabigat ang buong katawan ko, ang sakit din ng ulo ko. Tiningnan ko kung anong oras na almost lunch na pala. Tiningnan ko ang buong kwarto at napakunot noo ako. Bakit parang hindi ako pamilyar sa paligid ko. May mga pictures ako na may kasamang babae at dalawang bata, meron din yung nakatuxedo ako at nakawedding gown ang babae. Kasal ba ako sa babaeng yun at anak namin ang mga batang yun? Ginala ko pa ang mga mata ko at tumingin sa mga nakahilerang pictures during sa mga buwan ng  pagbubuntis ng mestisang babae sa larawan. Damn! Napamasahe ako sa ulo ko. This can't be! bakit wala akong maalala? What happened to me?

Nagulat ako ng pumasok ang babaeng kanina ko pa inaalala kung sino.

" Hubby thank God you're already awake, how are you?"-ngiti niyang bungad sakin.

Napatulala ako dahil sa ganda ng babaeng kaharap ko at napatingin sa umbok niyang tiyan.

" Buntis ka??"-wala sa loob kong tanong.

Nagsalubong ang magaganda niyang kilay kasabay ng pagpula ng kanyang ilong.

" Anung pinagsasabi mo Glaiza!?"-napaigtad ako sa biglaang pagsigaw niya.

" Mag-asawa tayo di ba?"-pagkumpirma ko and that's it tuluyan na siyang sumabog.

Hinampas niya ako ng unan at umiiyak na binalibag ang pinto.

Napapikit ako dahil nahihilo ang pakiramdam ko. Biglang pumasok ang isang babaeng nakapang nurse. Tahimik siyang lumapit at tsinek ang temperature ko at kung anu ano pa.

Rinig kong may nag-uusap sa labas.

" Doc she can't remember me! bakit ganun?"-histerical ng babaeng mestisa na kausap ko kanina.

A Rastro StoryKde žijí příběhy. Začni objevovat