"How's my big boy?" Iñigo asks

"I'm good daddy. Where's my baby brother and sister?" Natutop ni Cassandra ang bibig niya sa tanong ni Gelo.

"Nasa tummy pa ni mommy baby." Bulong ni Iñigo.

Nang-tawagan niya kasi kanina ang yaya ni Gelo at kinausap niya ito, sinabi niyang gagawa sila ng baby ni Andra kasi narinig niya itong parang naiiyak sa tono ng boses.

"Iñigo naman kasi, ano ba ang pinag-sasasabi mo sa anak mo?" Bulong din ni Cassandra.

"Ehem!" Sabay silang napa-tingin ng tumikhim ang daddy ni Cassandra.

"Dad, mom." Lumapit si Cassandra sa magulang na nakatayo na, humalik ito sa mga ito.

"Dad, mom, meet Iñigo. My boyfriend." Pakilala ni Cassandra dito.

"Magandang hapon po."Bati ni Iñigo at napapa-buga siya ng hangin sa kaba dahil sobrang intimidating ang titig sa kanya ng daddy ni Cassandra.

"Nice to meet you hijo." Sabi ng mommy ni Andra at agad na nilahad nito ang kamay para makipag-kamay kay Iñigo, tarantang inabot naman ni Iñigo ang kamay nito.

"Iñigo po" Pakilala niya at bumaling ito ng tingin sa daddy ni Andra.

"Hello po sir, Iñigo po." Inalok niya ang kamay niya dito pero tinignan lang nito at hindi inabot.

"We have to talk.. alone." Sabay talikod nito, napa-whew si Iñigo sabay haplos sa noo ng may maramdaman siyang parang namumuong pawis sa noo niya.

"Akin na muna si Gelo." Kinuha ni Andra si Gelo.

"You look tense." Parang gustong matawa ni Cassandra sa itsura nito.

"Nakakatakot nga pala talaga siya." Bulong ni Iñigo.

"Kaya mo yan, use your charm." Hinawakan ni Cassandra ang pisngi nito at hinalikan sa labi.

"Pang tanggal ng nerbyos." Napangiti naman si Iñigo.

"Kinakabahan pa rin ako eh, isa pa nga." Natawa ng mahina si Cassandra at akmang hahalik uli si Iñigo.

"Gaano ako katagal mag-hihintay para lang makausap ka?" Napahaplos si Iñigo sa bibig niya at hindi naituloy ang pag-halik ng biglang mag-salita ang daddy nito.

Natawa si Cassandra pero pigil na pigil kahit ang mommy niya na naka-tingin sa kanila natawa din.

"Sige na, sigaw ka na lang pag-kinakatay ka na ni dad." Huminga muna ito ng malalim tsaka lumapit sa daddy ni Cassandra.

Inaya siya nito sa labas ng bahay, sa may pool area at umupo sa isang set ng upuan doon.

"So... ikaw pala ang lalaking nang-iwan pag katapos buntisin ang anak ko." Napahigit ng hininga si Iñigo sa sinabi nito.

"Anong balak mo ngayon? May relasyon na ba kayo ni Andra uli? Nasa balita ang ginawa mong eksena sa party kagabi." Tuloy-tuloy nitong sabi.

"Anong balak mo sa anak ko? hindi magandang tignan na nag-sasama kayo sa iisang bahay. Dapat siguro hayaan mo na munang bumalik si Cassandra at ang apo ko sa sarili niyang bahay--"

"No sir." Putol niya dito. Kitang-kita niya ang pag-alon ng dibdib nito.

"I'm sorry sir, I can't let them go."

"Ang sinasabi ko lang, ikaw na lang ang dumalaw sa mag-ina, kasi hindi magandang nakikita ng ibang tao na mag-kasama kayo sa iisang bahay."

"Pakakasalan ko po si Andra sir." Mabilis at walang kagatol-gatol niyang sagot at sinalubong niya ang titig nito.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now