From: unknown

'Sa labas ng Mana Mall, may hagdan doon pababa, duon tayo magkikita.'

Napangiti ako sa babaeng nagabot sa akin ng bag na ang laman ay pera. Nagpasalamat pa ako bago dali-daling lumabas. Tinakasan ko si Kiana at agad na sumakay ng trycicle.

Nagtungo ako sa sinabi ng lalake na pagkikitaan namin. May tao duon na nakasumbrero at jacket. Tumayo lang ako duon, tahip-tahip ang kaba ko ng lumapit ang taong yun sa akin.

"Doctora Rondolottie," Saad nito.

"Oo ako nga," Pagtataray ko kahit na kinakabahan na ako.

"Yan na ba ang pera?" Turo niya sa bag na hawak ko.

"Oo, pero hindi ko ito ibibigay sayo kung hindi mo itutuloy ang sinasabi mo kanina," Saad ko.

"Ano ba ang gusto mong unahin ko?" Saad niya at ngumingisi, natakot ako higla sa ngisi niya. "Kung bakit ka pinapakasal sa isang Vienna?"

Napakagat ako sa mga ngipin ko, "Sabihin mo na lahat ng nalalaman mo,"

"Ito," Saad niya at binigay sa akin ang isang white folder.

Binuksan ko ito at namilog ang mga mata ko ng makita kung ano ang nakasulat duon. "Nagbibiro ka ba? bakit nagkaroon ng utang na ganito kalaki ang pamilya ko, maraming pera ang mga Rondolottie kaya imposible ito,"

Ngumisi ulit ang lalake, "Dahil sa mga Mefapo,"

Nagulat ako sa bigla niyang pagsabi ng apelyido, "Anong kinalaman ng mga Mefapo dito?"

"Dahil sa tatay ng asawa ng kuya mo at ng ex mo. In short ang tatay nila Charlotte at Christopher. Nalaman niya kasing magpapakasal na ang pinakamamahal niyang babae sa tatay mo. Oo ang pinakamamahal niyang babae ay ang nanay mo, sinubukan niyang pabagsakin ang kompaniya niyo upang matigil ang kasal ng Mama at Papa mo. Nagtagumpay siya na mapabagsak ang kumpaniya niyo, pero hindi siya nagtagumpay na itigil ang kasal."

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko lubos akalain na ang isang Mefapo kayang pabagsakin ang mga Rondolottie.

"Pero agad ring nakahaon ang mga Rondolottie dahil lumapit ang Lolo at Lola mo sa mga Vienna, umutang sila ng ganiyan kalaking pera sa mga Vienna. Nang bumalik na ulit ang sagana niyong kumpaniya at lumalago pa ito, binawian ng Lola mo ang mga Mefapo syang dahilan ng paghihirap nila."

May namumuo ng luha sa mata ko, alam ko namang isang halimaw si Lola, pero pag naririnig ko talaga ang mga ginawa niya, hindi ko ma atim.

"Gustong bayaran ng Lolo mo ang utang niyo sa mga Vienna pero ayaw ng Lola mo na maglabas ng ganun kalaking halagang pera kaya nagkasundo ang Lola at Papa ni James na ikaw nalang ang kabayaran, at dahil ikaw ang kabayaran ang gagawin mo ay ang magpakasal sa nagiisang anak ng mga Vienna. Hindi ko alam kung bakit napapayag ng Papa ni James ang gusto ng Lola mo."

"But how many years had already past," I said weakly.

"That's the point Doctora, hindi sana ganiyan kalaki ang utang niyo sa mga Vienna kung agad na binayaran ng Lola at Lolo mo, dahil ilang taon na ang nakalipas mas lumalaki, alam mo yan Doc. Hinayaan nila Lola at Lolo mo na lumaki, para ikaw ang gawing pangbayad. Siguro dahil anak ka ni Janice, na syang dahilan kung bakit humiram ang mga Rondolottie sa mga Vienna."

Naiyukom ko ang mga kamao ko dahil sa mga narinig ko, hindi ko kinakaya. Ginawa akong pangbayad ni Lola? Kaya ganun nalang na gusto niya akong ipakasal kay James, kaya ba galit na galit siya sa mga Mefapo.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyare, namalayan ko nalang na hawak-hawak ang folder tinahak ko pabalik ang condo ni Kiana upang makuha ang sasakyan ko.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now