Hindi ako nagsasara ng ilaw hanggang sa matapos kumain. And even so, nag-iwan pa rin ako ng ilaw sa sala. At ang solar panel light sa palibot ng gate sa garden.

Ganoon ang ginagawa ko sa paglipas ng mga araw. Though, there are times that I'm feeling okay about it. Na parang wala naman talaga, pero madalas na parang meron. Nagmamasid na para bang inihahatid sundo ako ng tingin niya. And the only thing that i'm sure of is that, hindi iyon si Kai.

For the past few days, ganoon ang naging siste ko sa bahay. Hindi na ako nag-iiwan na walang ilaw. Mas maaga na rin akong umuuwi para hindi matakot, at oo, may mga pagbabago na rin akong ginagawa. Tulad na lamang ng pagbibigay ko ng hintulot na ihatid ako nina Albie o Kaye. Minsan ay kasama sina Lyle, Webster, at Sam. And when I'm with them, nagiging pamilyar ako sa pakiramdam na tama ang pagkakasama ko sakanila.

Months have passed. And yes, graduating na rin ako. Mas kaonti ang units, mas marami sanang time sa print shop pero ang lahat ng oras na iyon ay dapat ilaan para sa on the job training.

"Si Jude talaga ang may-ari ng hospital." Biro ni Kaye.

St. Jude Hospital is owned by I don't know who. Pero may shares ang mga magulang ng mga kaibigan ko doon. Madali syempre, para saakin na makapasok doon.

Ang gusto nga sana nila ay sama sama kami sa ibang hospital, pero iyon ang gusto ng kanilang mga magulang. Halatang may ibang plano pero ayaw lang ipaalam pa sakanila. To be able to live independently, dapat ay masunod nila ang kanilang mga magulang. Ganoon ang napagtanto ko sa mga mayayaman. Hindi sila susunod kung 'pagmamahal' sa mga ito lamang ang basehan. Of course, nakasalalay ang 'freedom' at mga 'luho' nila. Lalo na ang mag best friends na sina Kaye at Albie. Na ang totoong gusto naman talaga ay mag travel, shopping, at ang maniraham abroad. Wala sakanila ang mag nurse o ipagpatuloy iyon sa pagdo-doctor.

Ako naman, nurse talaga ang gusto ko. Sakitin kasi si Papa noong nagtatrabaho siya noong bata ako. Kaya iyon ang tumatak na propesyon saakin. Hanggang sa lumaki ako, nag high school, at nag kolehiyo.

Naupo sa tabi ko si Lyle. Napasulyap ako sakaniya. At tulad ng ginagawa niya kapag napapatingin ako ay sumisilip siya saakin at ngingiti.

I smiled too. He looked cute. Para siyang 'yung mga lalaki na napapanood sa mga korean dramas na may halong pagka chinese. Gwapo, maputi, matangkad, singkit, sakto lang ang katawan, at sobrang ganda ng ngiti. Maaliwalas ang dating sa tao at hindi madilim o masungit. Laging friendly at mabait.

"Kumain na kayo?" Sabay abot niya ng tubig saakin.

And of course, caring din. Hindi lang sa mga kaibigan niya, pati na rin saakin. Napagtanto kong ganoon nga talaga siya at nasanay na rin dahil ilang buwan naman na kaming magkakasama. And his intentions are pure. I'm sure of that.

"Yup, ikaw? Tapos na group meeting niyo?" He smiled and nodded his head.

Saglit siyang umalis para magtungo kay Albie at ibigay ang tubig nito. Ang huli ay kay Kaye. Kaye was busy with her phone. Kaya nang iabot ni Lyle ang tubig ay saglit lang itong tumingin at ngumiti bago kinuha.

"Thanks!" Lyle nodded. Nanliit ang mga mata ko nang magtagal ang titig niya sa babae. Bago ay unti unting umusbong ang ngisi saakin.

"Welcome..." He mumbled. Pero hindi na siya pinansin ni Kaye.

Hmm... very interesting.

The first few times na magkakasama kaming anim, mabilis na kumalat ang tsismis na isa sa tatlong lalaki ay boyfriend ko, o tinanggap na manliligaw. Hiyang hiya talaga ako. Akala ko noong una ay hindi totoo ang sinasabi ni Albie at baka nagkakamali siya, pero napagtanto kong ako ang mali ng magkakasunod na tinanong ako nina Jace, Paul, at Bob. May ilang kaklase rin pero tanging iling lang ang sagot ko.

Almost Cruel Место, где живут истории. Откройте их для себя