16

288 30 6
                                    

Cole's Pov

Nang makalabas kami sa elevator ay kaagad namang nagmadali itong kasama ko na lumabas doon , ako naman ay dali dali na ding lumabas dahil sa kahihiyang nagawa ko , ni minsan ay hindi ko talaga inakala na gagawin ko ang bagay na iyun.

"Wait lang yzabel? Ang bilis mo maglakad! Can you wait for me ah?" Malakas na aniya ko sa kanya pero nanatiling mabilis ang kanyang paglakad , kung kaya'y napilitan na lamang ako na tumakbo.

Tsk hindi daw siya nagseselos eh halata naman na naiirita siya dun sa babaeng maganda ay este stranger na lumapit sa akin , since may angking attractive lang talaga ako ay hindi ko na kaya pa silang pigilan na mahulog sa isang tulad ko.

"Yzabel??" Tawag kong muli sa kanya nang makalapit na ako at akmang hahawakan ang kamay niya nung marahang iniwas niya ito sa akin.

"Yzababy?" Pangungulit ko pa sa kanya habang hindi ko na malaman kung ano pa ang gagawin ko , halos mapunit na din ang aking labi dahil sa sobrang saya na makita siyang ganito.

"Darling?" Medyo cringy man pakinggan pero hayaan niyo na ako , minsan lang naman ako ganito at tanging kay yzabel ko lang kayang gawin since may panlaban naman ako sa kanya dahil sa mga past na nangyari sa condo ko.

"She's mine and Only Mine---" wika ko dahil ayan ang katagang binitawan niya kanina sa akin habang nakahawak sa may bandang kamay ko sa harapan nung babae.

"Shut the fuck up!" Napairap na turan niya at ako naman ay napalunok na lamang ng laway sapagkat hindi ko alam ang biglaang  pagkaramdam ko ng takot dahil sa mga tinginan niya.

Tsk ang hilig kasi mag deny eh , aminin nalang kasi na naiinis siya dahil doon sa nangyari kanina.

Ang feeler mo na sa lagay na yan andrei cole , malay mo inaantok lang siya at puro kasi kaharutan ang ginagawa mo kaya kayo natagalan , singit ng aking isipan.

Napailing na lamang ako saka mas lalong binilisan ang aking paglalakad hanggang sa makarating kami sa Condo Unit ko na kaagad ko namang binuksan nang sa ganun ay makapasok na kami.

"Uhm it looks different ah?" Bati naman ni Miss sungit ay este ni yzabel sa akin at napangiti na lamang ako , pinaghandaan ko talaga kasi an baguhin ang porma at ayos ng condo kong ito para sa kanya.

"Yeah naisipan ko kasing iayos at mas lalong pagandahin since maganda yung magiging bisita ko dito sa bahay" wika ko sa kanya saka kinindatan siya na sanhi upang irapan niya ako , napatawa na lamang ako ng mahina sapagkat hindi talaga umiepekto sa kanya yung mga banat ko.

Eh kung siya nalang kaya banatan ko? Djoke behave lang ako for this day.

"Maupo kana yzabel , alam kong pogi ako kaya wag mo nang ipahalata sa pamamagitan ng matagal na pagsulyap sa akin" pangangantyaw ko sa kanya.

"I'm just curious , do you prefer to live alone ba? As far as I know you have 3 more siblings. Hindi mo sila nakakasama?" Saad niya na ikinagulat ko sapagkat hindi naman kasi pumapasok sa isipan ko na itatanong niya iyun sa akin.

"Uhm paano mo nalaman? Don't tell me iniistalk mo ako darling?" Biro ko sa kanya at lumapit naman siya sa akin para kurutin ang bandang gilidan ko na ikinatawa ko ng malakas.

Masakit pero nakakatuwa lang na makita ang mukha niya na sobrang namumula sa inis ba o sa kilig sa akin?

"Maybe you were right about that? I prefer to be alone yzabel. In a particular reason that everything is under my control , I can do what I want in life. In short hindi ko kayang higitan or ireach yung magiging expectation sa akin ng magulang ko lalo na yung Lolo ko na ginagawa lang kaming puppet" mahabang turan ko saka nagtungo na sa may kusina at nagkalkal sa countertop ng lulutuin kong spaghetti since ayun daw ang paboritong pagkain ni yzabel base sa nakalap ko kay Kashi Amy.

Kung hindi ko lang talaga natagpuan ang babaeng ito at nasaktuhan na kaklase ko pa din si Amanda ngayong taon ay malamang sa malamang ay si Amanda ang nais kong maging kasintahan sapagkat napaka girlfriend material niya , mabait , mahinahon kausap at may pagka inosente yung mukha yung tipong parang hindi marunong magsungit ganun yung nakikita ko sa kanya.

Nakuha niya talaga yung ugali na ninanais ko , mapa Idol o sa isang tao ay kahanga hanga siya na dapat tularan ng iba lalo na nitong pinsan niyang ubod ng sungit pero bawing bawi naman sa kagandahan.

"Hmm puppet? Is he controlling you? In what way?" Dahil sa tanong niyang iyun ay napatingin ako sa kanya , ang cute lang kasi ang interesado niya ngayon araw sa buhay ko

"You're right! That's why nagbukod ako  , I'm exhausted na kasi eh. Ever since we were young , he never leave us alone to the point na laging siya ang sentro ng gagawing desisyon nila Mom and Dad which is too much na , we have our own family and dad needs to be responsible for us at hindi si Grand Dad." Wika ko sa kanya saka kinuha na yung gagamitin kong dalawang kaldero para maisalang yung gagawin kong sauce sa kabila at yung pasta naman sa kabila pag nagsimula nang mag boil yung water.

"How about you? Can you tell me about your family yzabel? If you don't mind and it it's not bothering you naman" balik ko ng tanong sa kanya at nakita ko naman sa mga mga niya ang pagbabago bigla ng ekspresyon nito.

"It's kinda complicated but fun as well  , Pareho tayong dalawa gustong mapag isa ang kinaibahan lang nasanay ako sa ganung sitwasyon" napabuntong hininga na wika niya sa akin , well now I know na may problema din pala sila sa pamilya nila.

"What do you mean? Did your parents abandoned you " Tanong ko rito pero mabilis naman siyang napatawa at umiling sa akin.

"Well sort of , that's why I hate them. Hmmp let's change the topic , You love to cook?" Pag iiba niya ng usapan at napatango naman ako.

"Ahm yeah , masaya kayang magluto lalo na at ako din naman ang titikim nun. Like it didn't matter to me kung masarap ba yung niluluto ko o hindi kasi ang mahalaga sa akin ay nag eenjoy ako sa ginagawa ko" nakangiting aniya ko sa kanya at nagsimula nang maghiwa nung mga ingredients na gagamitin ko sa pagluluto.

"And take note , you're the first girl na paglulutuan ko and the first girl din na naidala ko dito sa condo ko so be honored" dagdag ko pa sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya dahil doon , napangiti nalang ako saka kinindatan siya.

"Should I be honored? Basta siguraduhin mo na papasa yang pagluluto mo ng spaghetti sa akin since I'm a picky eater lalo na sa paborito kong pagkain na hindi ko alam kung saan mo nakalap" malditang turan nito sa akin saka nahiga na sa may sofa ko.

"Don't worry baka pag natikman mo yung spaghetti ko ay baka balik balikan mo na ito at sinisigurado ko iyun sayo Miss Yzabel" wika ko sa kanya at hindi naman niya ako inimik sa halip ay napapikit na lamang siya , alam kong antok siya kung kaya'y hinayaan ko na lamang siya roon at nilagyan nung kumot nung nakatulog na talaga siya ng mahimbing.









A/N: Belated Happy Birthday sa isa sa mga bestie ko sa Wp _Namii19! 5 ud ang ia up ko today so wait niyo lang😇

My Secret Lover Where stories live. Discover now