11

310 31 5
                                    

Cole's Pov

Narito ako sa mall at kakatapos lamang ng aming klase pinauna ko na sila gabb at jaydee na umuwi sa bahay gayung nakita ko na umuwi na din si Lara , ako naman ay nagpaalam kay mom and dad na gagabihin ako sa kadahilanan na may bibilhin pa akong ibang stuff sa school na kakailanganin next week.

Naglilibot lamang ako sa may national bookstore para bumili ng mga envelope and notebook nang biglang may marinig akong pamilyar na boses.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan nun at nakita ko si yzabel kasama ang isang matangkad na lalaki at may itsura nga ito pero masasabi kong mas lamang ako.

Ayun sa kanyang suot ay nag aaral din siya sa WDU , napatago naman ako bigla nung mapalingon siya sa direksyon ko.

"May hinahanap ka pa ba baby?" Dahil sa aking narinig ay tila bay kumirot ang aking dibdib , so ibig sabihin hindi siya single? Na double kill ako dun ah.

"Ah wala I thought I saw someone who's familiar to me but nevermind it Killian" saad niya at inakbayan naman siya nung lalaki patungong counter para bayaran yung mga dala dala nitong school stuffs.

Pinagmasdan ko lamang sila na maglakad papalayo habang may mga ngiti sa kani kanilang labi , sana all nalang diba? So ayun ang dahilan kung bakit niya ako binusted sapagkat may jowa siyang lalaki which means na straight siyang babae.

Pero straight din naman si jamie sadyang nabaliko lang dahil sa akin , I can do many things that a man can't do.

Napabuntong hininga na lamang ako at tsaka kinuha na lamang yung mga bibilhin ko at kaagad ko ding binayaran sa may counter.

Matamlay na iniabot ko yung basket ko sa may cashier at siya naman ay diretsong nakatingin lamang sa akin na tila bay nakakita ng artista.

Pero ilang segundo ay nabalik na siya sa wisyo at kaagad nang tinap yung mga items na kinuha ko , umabot lang naman iyun ng 600 pesos kung kaya'y nagbigay nalang din ako ng insaktong amount para wala nnag suklian.

Pagkatapos ko doon ay nagdecide na din akong umuwi sa aming tahanan , yung kaninang saya na aking nadarama ay napalitan kaagad ng lungkot.

This world really hates me ah? Ni ayaw man lang ako sumaya sa maiksing panahon.

A few minutes later ay nakarating na ako sa bahay ni halos manigas naman ako sa aking kinatatayuan nung pagkapasok ko nung bahay nang makita ko rito si Jamie.

What the hell is she doing here? She has no right to be here , dali dali na akong pumasok at kahit na nandito sila mom sa may dining area ay hinila ko na siya kaagad palabas.

"A-ahh cole nasasaktan ako" daing niya ngunit kinakaladkad ko pa din siya palabas ng aming bahay at nung makalabas kami ay kaagad ko na siyang hinawi papalayo sa akin.

"What the fuck is wrong with you ah?! Bakit ka naparito sa bahay ko , are you playing mind games huh?! Kung nais mong magmakaawa sa parents ko na tanggapin ka nilang muli pwes ako na nagsasabi na kahit kailan hinding hindi kita mapapatawad!" Galit na sabi ko at medyo napalakas iyun gayung hindi naman kami masyadong malayo sa may pintuan na nakabukas.

"C-cole your Grandpa---" hindi na siya natapos sa kanyang sasabihin nang biglang may lumabas galing sa loob at tanging anino niya ang naging senyales sa akin nun.

My Secret Lover Where stories live. Discover now