Panimula

79 3 1
                                    

Maingay! Maraming tao! At napakarami kong nakikitang mga iba't ibang kulay ng maleta. Mukhang mas marami pa ang dala nilang mga maleta kaysa sa mga taong dumagsa ngayon.

Kolehiyo. Matapos ang ilang ulit at beses na kumuha ako ng entrance exam sa Unibersidad na ito, sa wakas nakapasok din.

Sobrang saya ko, dahil maliban sa nakapasok ako sa eskwelahan na ito, makikita ko na ulit ang taong naging dahilan ng mga pangarap ko.

Who wouldn't? Isa siya sa mga naging inspirasyon ko. Isa siya sa mga nagpakita sa akin na lahat ng nasa paligid ko, pinahahalagahan ako. Naging gabay at mata ko.

Kaya naman hindi ko maalis ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ko ngayon.

Ngiting, sana hindi na makaramdam pa ng lungkot.

Ngunit kagaya ng inaasahan ko, bago ko marating ang Girls Dormitory, wala ang taong inaabangan kong tao na susundo sa akin at igagala ako sa buong lugar.

WE used to be best buddies before. Pero, sabi nga ng iba, people change.

Kaya naman, wala akong choice kundi ang puntahan siya sa Boys Dormitory. Kung saan alam kong, mahahanap ko siya.

After the first entrance exam, hindi niya na ako ulit kinausap. Hindi na ulit siya nagparamdam, at hindi narin siya sumasagot sa mga text at messages ko.

Kahit sa messenger, Ig, at twitter hindi siya sumasagot sa mga dm ko. Sa email ay wala din. Nahihiya naman akong tumawag sa mga magulang niya, dahil— sino ba naman ako.

I let out a heavy sighed, bago nagmamadaling bitbitin ang maleta ko, at mabilis na tatakbo sa loob ng boys dormitory. But, unfortunately may guard na nakabantay, at ang batas nila sa bawat dorm, walang papasok na babae o lalaki sa bawat dorm, may sariling dormitory ang babae at lalaki, doon lamang sila pwede, hindi sila pwede sa ibang dormitory.

No girls allowed! Iyon ang agad na tinuro ng guard sa akin. Ngumuso naman ako, at sinubukang magpa-awa ngunit wala ding epekto.

"Ano ka ba naman manong! May kakausapin lamang ako sa loob! Hindi na kasi ako sinipot matapos ang apat na taon!" sabi ko dito. Ngunit, hindi niya man lang ako pinagtuunan nang pansin, at mas tinuon na lamang ang pansin sa log book niya.

"Manong! Kapag itong taong ito, tinakbuhan ulit ako! Sinasabi ko sa iyon!" sinubukan ko rin siyang bantaan ngunit, wala paring epekto.

I'm tired. I'm starving! But, I don't waste my whole four (4) damn years, para lang hindi pansinin nang guard na ito. Pero, malinaw naman na hindi para sa kanya ang sinayang kong taon na mga iyon.

Actually, hindi naman pala iyon sinayang, kasi iyon ang pinili ko. Iyon ang naging desisyon ko.

"Ah, ayaw mo!" wala na, ubos na lahat ng pagtitimpi ko!

Ayaw ko man gawin ito, pero bahala na!

Ang mahalaga, lumabas siya sa kung saan mang lungga sa siya nakalagay ngayon! Kailangan niyang panagutan ang ilang taon na iyon! Matapos niya akong bigyan ng kung ano-anong— ahh! Tsngina.

Hahanap na lamang ako ng matinong pwedeng gawing portable na stage. Mabuti na lamang at mayroon. Sa harap mismo ng Boys Dormitory! Seriously, pero wala nang oras para umatras, marami na akong atensyon na nakukuha.

Kung hindi ko ito gagawin, ako lang din ang mapapahiya. Sinasabi ko na! Kaya naman, kung ganoon lang di naman pala ang mangyayari, bakit hindi ko pa ituloy?

Iniwan ko ang maleta at bag ko sa gilid, bahala na talaga!

"Sedrick Einstein Peralta!" buong lakas na sigaw ko. Makaagaw man nang pansin sa buong University na ito ay wala na akong paki. Nasimulan ko na, bakit hindi ko pa taposin, tutal ganoon lang din naman.

Secrets Left UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon