PROLOGUE

6 0 0
                                    

Special Person

Ang tao ay parang bulaklak na itinanim sa isang hardin. Minsan agad namamatay at minsan tumatagal ang buhay.

Parang buhay ng tao. Kahit bata ka pa o matanda na, kung oras mo na oras mo na talaga. Kahit na anong gawin mong pag takas, hinding hindi mo matatakasan si Kamatayan, pero ang isang ito ay tinatawag na kadiliman.

Bakit kadiliman? Dahil kadiliman ang pupuksa sa mundo, sya ang nagdadala ng dilim sa mga taong wala ng pag asang mabuhay.

Kung ang mga tao ay bulaklak si kadiliman naman ang paro-paro na kukuha ng buhay ng bulaklak pag oras na nito. Sya ang nakakaalam kung dapat ka ng mawala sa mundo.

Paano kung ang paro parong yon ay mahulog sa isang bulaklak na malapit ng malanta?

Ito ba ay nakabubuti para sakanila o nakasasama?

ShanLeigh's pov

Isang gabi nakakita ako ng mga bulalakaw kaya naman humiling ako na sana balutin na ng lagim ang buong mundo. Dahil gusto ko ng magunaw ito.

Lasing ako at hindi seryoso sa mga hinihiling ko. Hinaluhan pa ng sama ng loob.

Bigla kong naisip ang mga taong maiiwan ko. Napangiti nalang ako ng mapait dahil kung gugustuhin kong magunaw ang mundo madadamay sila sa napaka makasarili kong hiling.

Kaya hihiling nalang  ako na sa susunod na buhay ko gusto kong maging buwan. Di ito nabubuhay pero nag eexist ito.

Tisthan's pov

"manalo sana ako sa loto"

"bigyan sana ako ng mataas na grade"

"balutin na ng lagim ang buong mundo"

"sana yumaman ako"

"balutin na ng lagim ang buong mundo"

"balutin na ng lagim ang buong mundo"

Napatigil ako sa pag inom ng alak at napangiti.

"kaka iba to ah. Balutin ng lagim ang buong mundo? Tsk nangangamoy lasing na hiling toh. Mga tao nga naman"

Umalis nako sa kinaroroonan ko at pinuntahan ang humiling na sana balutin na ng lagim ang buong mundo, dahil ako.....

Gusto ko din. 

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 03, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Hello DoomWo Geschichten leben. Entdecke jetzt