Hindi naman ako sumagot. For sure mag ca-casino to eh at pera iyon ni Papa.

"Wala ka bang pera? Konti nalang ba natira sa allowance mo anak? Wait," sabi niya at hinalungkat niya ang wallet niya sa bag niya

"Hindi ko kailangan ng pera ma" sabi ko at umakyat papunta sa kwarto

"Are you sure? We will go na anak" pahabol niya. Tumango lang ako ng hindi siya hinaharap.

I lazily laid in my bed. I sighed when I remember our life before, noong hindi pa ipinakilala sa akin ni Mama si Papa. Sobrang hirap, pero ngayun parang bumalik na sa dati ang buhay namin pero ayokong sanayin ang sarili ko, hindi porket sinusuportahan kami ni Papa ay wala na akong gagawin at aasa nalang sa pera niya just like... What mom is doing now. Shopping,casino and etc. Should I tell papa about it?? I don't know

Kaya nga ayoko ko ring lumipat sa condo gaya ng gusto ni Papa kasi nahihiya ako sa kanya, ang dami na niyang naitulong sa amin. Oo, at gusto niya lang makabawi at makatulong pero pera niya parin yun eh, pinaghirapan niya iyon at hindi habang buhay kaya niya kaming sustentuhan at may isa pa siyang pamilya na binubuhay kaya pagkatapos ko mag-aral maghahanap talaga ako ng trabaho at mag-iipon at babawiin namin ni Mama ang kompanya.

.....

Kinagabihan ay pumasok na ako sa trabaho ko. It's already 10pm at ang sakit ng paa ko kakalakad, kakahatid ng mga order ng mga customers.

"Pahingi naman ng tubig" sabi ko sa bartender. Uhaw narin kasi ako

"Eto oh" sabay bigay sakin ni Gelo ng tubig sa baso "pagpahinga ka muna leigh"

Umiling ako habang umiinom ng tubig. Nakita kong may tumawag sa akin "Kita mo yun?" Sabi ko at nilapag ang baso " Another order kaya hindi pwede magpahinga" sabi ko at binigay sa kanya ang baso "salamat" sabi ko at tinanguan niya ako

"Yun lang po lahat sir?"

"Yes pero baka... Pwede mo rin kaming samahan" pangiti-ngiti nitong sabi at hinagod ng tingin ang katawan ko tsaka nakipagtitigan sa mga kaibigan niya

Gusto ko sanang umirap kaso pinigilan ko ang sarili ko. Ilang beses ng may nagsabi saken nito pero hindi ko nalang iyon pinapansin.

"Kukunin ko na po ang order niyo" sabi ko at aalis na sana ng hawakan niya ang braso ko. Tumayo na pala siya

"Miss, sige na. Samahan mo muna kami dito" aalisin ko sana ang braso ko kaso mahigpit ang pagkakahawak niya rito

"Hindi po yan kasama sa trabaho ko sir. Waitress po ako dito"

"But if you join us bibigyan ka namin ng malaking tip" sabat nung isa nilang kasama

"And if you come with us, in our place baka hindi lang pera ang ibigay namin sayo" he smirked

"Sorry po pero hindi po ako ganyan klaseng babae kung gusto niyo po pwede po kayong mag table ng ibang babae, sasabihin ko po sa-"

"But we want you" bulong niya sa tenga. Nagsisimula na akong kabahan at ayaw niya parin akong bitawan "Damn girl, you're so beautiful and hot as fuck" bulong niya ulit sa akin kaya naman hinila ko na ang braso ko mula sa kanya, nilakasan ko na kaya nabitawan niya na ako yun nga lang ay may nabunggo ako sa kabilang table

Napahinto sila sa paghahalikan at inis akong tinitigan ng babae. Hihingi na sana ako ng paumanhin ng makita ko ang mukha ng lalake

"Ross??..."

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakakandong sa kanya ang babae at nakita ko silang naghahalikan kanina. Lumapit ako sa kanila kahit nanginginig ang aking mga paa. Muli silang naghalikan.

Sinful DesiresWhere stories live. Discover now