Part 36 The War II (Artemis vs. Cj)

En başından başla
                                    

Wow! Reynang reyna na ang dating! Reynang walang kapangyarihan?- ARTEMIS!

Walang mangingialam!Anuman ang mangyari walang mangingi-alam! Matapang na sabi ni Cj!

Labag man sa kalooban nila tumango nalang ang mga elders at bahagynag lumayo kay Cj!

Ganun na ba ang pagnanais mong mamatay ha pamangkin ko?

Hindi Artemis! Ganito kasidhi ang pagnanais kung mapatay ka! Sagot ni Cj at inilabas ang pana at palaso na tubig at pinakawalan paitaas!

Agad na nakagawa ang mga elders ng pananggalang sa sarili nila! Ang palaso ng tubig ay nakakapso at nakalusaw ng katawan!

Ahhhhhhhhhhhhhhh! Malakas ng sigaw ni Artemis! Di kasi nito inalintana ang pinakawalan na armas ni Cj sa pag-aakalang isnag simpleng mahika lang iyon!

Wala ka palang alam Artemis! Ang palaso na iyan ay kayang lusawin ang balat mo! galit na sabi ni Cj!

Wag kang pakakakampante pamangkin ko! sagot ni Artemis at nagpakawala ng bola ng apoy na may halong lason at ibinato iyon kay Cj!

Agad na gumawa ng pananggalang si Cj ngunit wala di iyong silbi! Linusaw lang iyon ng lason! Lumusot ang mga bolang apoy papunta kay Cj pero agad na nakailang ang dalaga!

Magaling! Nakapagsanay ka ata ng husto! - ARTEMIS!

Pinaghandaan kita Artemis! Sigaw ni Cj! ikinulong ni Cj ang sarili niya kasama si Artemis sa isang barrier!

Mapanganib si Artemis alam iyon ni Cj at alam din niyang mangingi-alam ang mga elders kung saka-sakali pero nais niyang siya mismo maningil sa ginawa ni Artemis!

Matapang ka! Sige pagbibigyan kita! Mahika lang ang kaya mo at iyon ang gamitin ko! Para patas! Sabi ni Artemis at agad na nalabas ng espadang apoy mula sa palad niya at tinakbo si Cj!

Naglabas din ng apoy na espada si Cj at inihanda niyaang kanyang sarili!

Umatake si Artemis at lahat ng atakeng iyon ay sinasalang ni Cj! Di siya sanay sa ganung pakikiaglaban! Malakas si Artemis at mahirap sanggain ang kanyang mga atake pero kinakaya iyon ni Cj!

Magaling ka! Aminado ako! Nagagawa mong salagin lahat ng atake ko! pero ito sa tingin ko hindi na!

Bumuon g bolang hangin si Artemis! Inihagis niya papunta kay Cj ang espada at isinunod dito bola ng apoy dahilan para maging nabilis ang espadang apoy!

Mabilis na umilag si Cj pero mabilis parin ang espada at nadaplisan siya nito sa tagiliran!

Agad na nagpakawala ng isang bolang apoy si Artemis dahilan upang di makailag si Cj! Napuruhan siya nito at tumilapon!

Napapangiwi sa sakit si Cj! Gusto niyang umiyak pero pinipigil niya! Kelangan niyang maging matatag!

Tatayo na sana siya ng tama siya sa may magkabilang braso ng yelong palaso ni Artemis! Sunod-sunod iyon at di siya nakailag!

Ahhhhhhhh! Sigaw ni Cj sa dahil sa sunod-sunod na pagtama sa kanya ng mga palaso!

Hindi iyan ang gusto kong marinig Cj! ngising sabi ni Artemis at nagpakawala ng apoy na palaso sa itaas!

Agad na gumaa ng bilog napananggalang tubig si Cj para protektahan ang kanyang sarili!

Mali kilos pamangkin ko! nakangising sambit ni Artemis at bumuga ng hangin na gawa sa yelo patungo kay Cj! 

Naging yelo ang pananggalang tubig ni Cj at nakulong siya sa loob niyon!

Hay naku Cj, masyado ka pang hilaw para sa ganitong laban! Wala kang panama sa akin! Pakasabi niyon ay humalakhak ng ubod ng lakas si Artemis! Tawang damang-dama na ang tagumpay!

Paalam sa iyo pamangkin ko! Sabi ni Artemis at agad na naglaho! Dinaanan nito ang mga elders at pinaliaran ng apoy na palaso! Tinamaan sila ng mga iyon at unti-unting bumagsak sa lupa!

Unti-unti na din nauubusan ng hininga si Cj! Maliit lang ang kinakukulungan niya at nahihirapan na siyang huminga!

Tumulo ang luha niya habang iniisip ang mga taong patuloy na nakikipaglaban sa kampon ni Artemis!Di siya ganun kalakas para magapi ang kanyang tiyuhin! At sa bandang huli napasakamay din nito ang kahariang nais niya!

Unit-unting nagdidilim ang paligid ni Cj pero bago pa siya tuluyang mawalan ng malay naramdaman niyang may yumakap sa kanya!

The Princess and The WizardHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin