𝚂𝚙𝚘𝚔𝚎𝚗 𝚆𝚘𝚛𝚍 𝙿𝚘𝚎𝚝𝚛𝚢 #𝟷

6 1 0
                                    

KAIBIGAN MO LANG AKO

Paano nga ba nahantong sa ganito?
Kailan ba nagsimulang magbago?
Kung dati masaya na ako kung ano tayo,
Pero ngayon umaasa na akong hihigit pa ang meron tayo.

Hindi ko alam kung kailan, saan at paano.
Basta bigla na lang pag-gising ko parang may nagbago,
Bakit biglang may kirot sa puso ko?
Sa tuwing binibigkas ng labi mong kaibigan mo lang ako.

Kung dati tudo support pa ako sa lovelife mo,
Pero ngayon gusto kong sa love story ko ikaw ang kasama ko,
Sa tuwing tititig ako sa mga mata mo,
Nakikita ko na ang future ko na ikaw ang nasa tabi ko.

Ngayon madalas na kitang naiisip,
Laman ka ng panaginip sa tuwing ako'y iidlip,
Hindi rin nabubuo ang maghapon ko,
Hanggat hindi ko nasisilayan ang ngiti mo.

Ang tawanan at kulitan natin na gusto ko nang araw-arawin,
Ang simple mong ngiti na espesyal para sakin,
Ang pagiging malambing at paghawak mo ng aking kamay,
Yan marahil ang dahilan kung bakit ang tibok ng puso ko'y hindi magkamayaw.

Gusto kong aminin sayo ang nararamadaman ko,
Na‘baka pwede bang maging higit pa sa kaibigan mo?’,
Pero alam ko namang malabo,
Dahil simula't sapol may nagmamay-ari na nang puso mo.

Baka nga talagang hanggang dito lang tayo,
At baka nga nakatadhanang ako'y taga punas lang ng luha mo,
Taga suporta at taga damay mo,
Sa tuwing masasaktan ka ng taong minamahal mo.

Kaya kahit mahirap tatanggapin ko na lang,
Ayoko nang sumugal dahil alam kong talo lang,
Mananatili na lang ako sa likod mo,
Nakatanaw sa kung paano niyo bubuuin ang love story niyo,
Na minsan nang pinangarap ko.

Dahil simula una hanggang sa wakas ng istorya mo,
Mananatili akong isang karakter na tagasuporta mo,
Isang karakter na malabo mong lingunin,
Dahil tanggap ko nang kaibigan mo lang ako...

_______________________________________

VOTE for more SWP
COMMENT to suggest a SWP Tittle
FOLLOW my wattpad acount for more updates

This Spoken Word Poetry, ay para sa mga taong minahal ng higit pa sa tropa ang kaibigan nila..

Comment kung natamaan ka, and if you want to suggest a tittle just comment.
“#SWP-(tittle)”
Para po madali kong ma notice..
Happy Readingツ



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now