May isang pares lang ako na hikaw. Para kahit na nakasakop ang buhok ko, hindi mukhang plain tignan. Mura lang naman kaya binili ko na para sa sarili.

May lipstick din ako, light red para kahit papaano ay magkakulay naman ang sa mukha ko. Mana raw kasi ako sa Mama ko sabi ni Papa. Pareho kaming kinesa, kutis mayaman.

"Itlog nanaman?! Siguro iyan ang pampaganda mo!" Naka-uniform din siya. At base sa background, siguro ay nasa room lang siya.

"Anyways! Kapag nagpunta ako dyan, diba sabi mo ay may sarili ka namang room? Kapag nariyan ako, paglulutuan kita ng masasarap na ulam!" Pagmamalaki niya.

I raised my brow.

"Mag-iipon ako ng pamasahe, tapos, isu-surprise kita!"

"Papayagan ka ba ng mga magulang mo?" Wala namang problema kapag sa pera, dahil may kaya sila. Ang problema ay kung papayagan siya.

"Payag 'yun!" Pero alam ko namang malabo.

Nang pumasok ako ng alas tres ay maraming nakapila. Kaya pumwesto agad ako. Naglipatan ang mga nakapila sa line ko.

Bahagya kong pinilig ang ulo, may dalawang first year (base sa id nila) na kapag malapit na ang turn nila ay lumilipat at pinapauna ang mga nasa likuran.

Nanay Sally chuckled.

"Ang kulit naman nung dalawang 'yun." She whispered to me.

And then time for their turn has come. Tinignan pa nila ang likod. Mga students na nagtitingin nalang ng ibang gamit. Dati kasi ay for photo copy and printing lang dito, ngayon ay nag-ayos sila at naglagay na rin ng school supplies na mas marami. Kaya may mga pagpipilian na sila.

"Ano iyon?" Tanong ko. Sa kung anong ipiprint nila.

"A-Ah, may iaabot lang." I looked at them coldly. Nag-aantay lang.

"Meryenda, para sa'yo." I raised my brow.

"I already ate." Napatango tango sila. Binulungan ng lalaking nasa likod ang kaibigan niyang kumakausap saakin.

May coach pa.

"P-Pwede naman sa mamaya." Napailing iling si Nanay Sally, pero may ngiti pa rin sa labi.

"Okay," Nagliwanag ang mukha nila. Agad na inabot saakin kaya tumango ako at inilapag sa harap ko.

"Salamat."

"Salamat din, Jude! Mauna na kami!" I nodded my head.

Habang paalis sila ay malaki pa ang ngiti at nagtatapikan ng balikat.

Inilapag ko ang pagkain sa harap ni Nanay.

"Sainyo nalang po, kumain na ako."

Pumasok na ako sa isang klase namin.

"May ballpen ka, Jude?" Ang katabi ko.

Inilabas ko ang bagong ballpen at inilapag sa mesa niya.

"Salamat!" Inilapag niya ang fifty pesos, kaya tumango lang ako.

Hindi pa rin siya nagbabago. Second year na kami at ganito pa rin siya. Pinapatulan ang panda pen ko for fifty pesos.

Well, that's nice.

I was just listening during our discussion. Kapag nasa room ako at may lecture ay hindi ako naglalabas ng cellphone, o ano, ng tulad ng ginagawa ng mga kaklase ko.

They will take pictures of the lectures on board. Halos lahat sila ay ganoon ang ginagawa. Bago ay isesend sa gc. Kaya naman hindi na ako nagpipicture pa, nagsesend ang mayor namin kaya pwede na iyon. Mas malinaw pa.

Almost Cruel Where stories live. Discover now