Hades Vallderama, ano ba ang ginawa mo sa akin at nababaliw ako sayo ng ganito. Ano ang ginawa mo at ganito nalang ako kung mangulila sayo? Anong klaseng hipnotismo ang ginawa mo sa akin kaya parang baliw na baliw ako sayo? I like you, more than you do. If liking you would make me this crazy then I am willing to be crazier just for you.

Umiling nalang ako at tumingin sa malapad na soccer field ng paaralan namin. Pagkatapos ng pangyayari 'yon ay dito na ako tumatambay tuwing break, o luch time. Simula rin no'n ay umiiwas narin ako sa lahat ng taong may kaugnayan kay Hades. Maging ang kaibigan ko ay iniiwasan ko dahil alam kung kukulitin lang ako nito. I want some space to clear up my mind to those things that have been pestering me, over and over again. I want some peace, and avoiding him is one of my many reasons.

Huminga ako ng malalalim at wala sa sariling tumingin sa langit bago pumikit. Nilanghap ko ang preskong hangin. Iminulat ko ang mga mata tinignan ang mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Nakakainggit, naiinggit ako dahil malaya silang lumipad at walang pinoproblema sa buhay. Sana ganon rin ang buhay ng tao, pero alam kong impossible dahil parang nakamarka na sa kasaysayan na maging magulo tayong mga tao.

Naningkit ang mata ko at bumama ang tingin sa harap ko ng may aninong humarang sa paningin ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa taong nasa harap ko. Ang kulay berde nitong mga mata na nangungusap at nangungulilang nakatingin sa akin. There are also some dark circles around his eyes. Palatandaan na wala itong maayos na tulog. Some stubbles, that make him more mature and those messy hair that make him so hot.

" Me Reina." mahinang tawag nito sa akin.

Nagmamadali kong inayos ang sarili ko at akmang aalis ng pigilan ako nito. Nakatalikod na ako sa kanya habang hawak naman nito ang palapulsuhan ko. " B-bitawan mo ako please. " nanginginig na sabi ko rito. Hindi ako nito binitawan at mas lalo pang hinigpitan ang pakakakapit dito. " Hades. " lumingon ako dito ay nakitang nakatungo ito.

" N-no, I d-don't want t-to. "at tumingin ito sa akin " Hades. " bulong ko ng makita ang naluluha nitong mga matang nakatingin sa akin.

" W-what did I do M-mi Reina? For me to be avoided by you? I-it is because of w-what happened a few weeks ago? P-please talk to me, I-i cannot s-spend more hours, days, or weeks anymore without talking to you, stop avoiding me, Mi Reina, I'm begging you. Just f-forget on what happened 3 weeks ago, It has nothing to do with you. It is just a few misunderstanding between me and my father, that's all." natatarantang paliwanag nito sa akin. Habang pinapakinggan ko siya ay dama ko ang sakit na nadarama niya, ang pangungulila sa ilang linggo naming hindi pagkikita at pag-uusap.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa mga ikinikilos niya. Sa mga ipinapakita kasi nito sa akin ay mapaghahalataan mong may gusto ito sa akin. Wala lang, napapansin ko kasi na iba ang pagtrato nito sa akin. P-parang, parang nililigawan ako nito, pero wala naman siyang sinasabi kaya masamang mag-assume. Action speaks louder than words, but action without words is confusing. Words without action are lacking, while action without words are misleading. The action carries the impact, the words carry the intention. Without words your action will be nothing and vise versa.

" H-hades. " hindi na ako natiis at niyakap ito. Ramdam ko rin ang pagyakap nito pabalik sa akin at isiniksik ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko rin ang pagkabasa nito, kaya hinagod ang likod nito.

" I'm so sorry, h-hindi ko sinasadya, pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kung bakit kayo nagkasagutan ng papa mo. Iniwasan lang naman kita dahil ayaw kong ako ang maging ugat ng hindi niyo pagkakaunawaan dalawa. " nakatungong sabi ko ng humiwalay ito mula sa pagkakayakap sa akin.

" Listen Mi Reina." Hinawakan nito ang baba ko at marahang itinaas upang pantayan ang paningin nito. Nakitang kong namumula ang buong mukha nito at may kaunti luha rin na natira sa gilid ng mata nito. " Just forget on what you have saw last week, it has nothing to do with you Mi Reina. I'm sorry, you shouldn't have seen it. If I only knew that would happened. I wouldn't have brought you there. You don't have to apologize, because in the first place it was my fault. F*ck it! I know it is so much to ask but can I ask you a favor? " Naguguluhan man ay tumango ako dito

" When something unexpected happen, can you promise not to avoid me? I can't take it when you do that again, I'll go crazy Mi Reina. " Pagsusumamo nito sa akin

Umiling ako sa sinabi nito na siyang ikinabagsak ng balikat nito.

" Hindi ako mangangako Hades, but I'll try to do my best." sabay ngiti. Nagliwanag naman ang mukha dahil sa sinabi ko rito.

" Great! It is nice to have you back Mi Reina. "

LUMIPAS ang bawat araw at bumalik na sa dati ang lahat. Sabay  kaming pupunta ng cafeteria o di kaya sa karenderya. Hinahatid at sundo rin ako nito sa apartment. Wala ring araw na hindi ako nito binibigyan ng bulaklak na hinuha ko ay pinitas niya sa bakuran ng mama niya. Tama nga ang sinabi nila, madaling lumilipas ang bawat oras kapag masaya ka. Hindi ko ikakaila na sa bawat araw na lumilipas ay dumidepende na ako kay Hades. 

Kapag hindi ko siya nakikita kahit ilang minuto lang, hinahanap hanap ko na siya. Sa bawat ipinapakita niya sa akin ay mas lalo akong mahuhulog dito. Hindi. Mali. Dahil sa tingin ko ay hulog na hulog na ako rito at hindi ko na kayang umahon pa. Ang ikinababahala ko lang ay kung sasaluhin ba ako nito o hahayaang mahulog nalang. Hindi ko itatanggi na sa bawat ipinapakita nito sa akin ay alam kong may pagtingin rin ito sa akin, hindi ko lang alam kung gaano ito kalalim.

Kung katulad ba ito ng pagkagusto ko sa kanya o mas mababaw pa kumpara dito. Nakakatakot. Natatakot akong tanungin ito kung gusto ba ako nito o nililigawan niya ako. Pakiramdam ko kasi sa oras na tanungin ko siya no'n at iba ang isasagot nito sa inaasahan ko ay siguradong ikadudurog ng puso ko. Hindi pa ako handa, hindi ko pa kaya. Pero hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa plaza ng Poblacion. Wala kaming pasok buong maghapon kaya dito namin naisipang tumambay. Pampalipas oras lang. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga benches na naririto. Mag-isa lang ako dahil umalis muna sila Hades para bumili ng makakain namin.

Napangiti ako ng makita ang mga batang naglalaro na parang wala ng bukas. Ang saya nilang pagmasdan. Sana ganyan rin ako. Yung tipong puro paglalaro nalang ang aatupagin ko at hindi yung mga thesis, or reporting sa paaralan. Ang sarap maging ulit na maging bata.

Napatingin ako kila na Hades na bumibili ng pagkain. Naramdaman yata nito nakatingin ako dito kaya bumaling ito sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik at kinawayan ito. Lumapit ito sa akin at ibinigay ang pagkaing binili nito.

" Salamat "

" Your, Welcome Mi Reina " nakangiting sabi nito pabalik sa akin. Saglit akong natigilan dahil sa sinabi nito.

" Hades? "

" Hmmm? "

" Bakit palagi mo akong tinatawag na Mi Reina? Ano ang ibig sabihin no'n? " Napapansin ko kasing ito ang palagi nitong tawag sa akin, hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin.

" Mi Reina means My Queen in English " biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil dito.

" A-ano? P-pero bakit g-ganon ang tawag mo akin? " Hindi ko maiwasang mamula dahil sa sinabi. Hindi ko siya maintindahan. May konklusyon na ako kung ano ang ibig sabihin nito, pero ayaw kong mag-assume.

" Why? What's the matter? Don't you like it? I'm calling you Mi Reina, because it suits you, besides your my queen and my everything " nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nito

" A-a-anong s-sinabi mo? " Hindi makapaniwalang sagot ko dito

" Don't you get it Mi Reina? The time that I laid my eyes on you, I already claimed you as mine " hinawakan nito ang pisngi ko " You. are. Mine. Everything in you is Mine. Your heart, your body, and even your soul is all f*cking mine. I'll promise you that everyone who'll gets in our way will be well be tear into pieces and throw them into the deepest part Hell. You are my Queen, and I'm your King simple as that "

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now