PROLOGUE

210 85 6
                                    





The sound of footsteps approaching to her rooms makes her quivering, she can’t breath normally in the presence of that man. She’s afraid and make her hand trembling to death.

“Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang asawa ko!” He exclaimed angrily after he entered to a dirty dark room. His not in the right mind again. A little girl seating at the floor in the corner of that room, barefoot. She’s hungry but she can’t go outside right now because he is here.

She don’t know who is this man in her place? He blamed her with the loss of his wife almost everyday. What she have done? She’s just a small kid who don't even know how to feed herself but this man pointing her in every problems of his life.

She’s just 3 years old, she don’t know what’s going on in her life everyday. She can’t eat properly, she can’t sleep warmly, she can’t go outside to play and no one taking care of her. Sa tuwing pinapagalitan siya nang lalaking kasama niya sa bahay ay tanging mga luha at hikbi lang ang alam niyang gawin, ang kaya niyang gawin. She’s wondering why she stuck in that place, she’s hiding and no freedom.

Gusto niya maglaro sa labas dahil may naririnig siyang mga nagsisigawan na bata pero hindi siya pweding lumabas sa pintuan. Wala rin siyang karapatang magsalita dahil noong huling binanggit niya ang salitang ‘mama’ ay nasaktan siya ng lalaking kasama niya. Nagiging malaya lang siya kapag umaalis ang lalaki at sinasarado ang lahat ng pintuan at bintana ng bahay nila.

But there is someone who’s trying to talk to her almost every morning. “Bata.? Wala kang kasama?” Palinga-linga pa ang batang lalaki bago sumilip sa bintana nang kusina. Sa bandang likod siya lagi nakapwesto para hindi siya agad makita ng lalaking kasama ng bata sa bahay na ito. Titig lang ang isinagot ng batang babae, wala siyang imik dahil hindi naman siya makapagsalita ng maayos.

“Pagkain mo, halika kunin mo na. Sabi ko sa’yo na araw-araw ako babalik dito kapag umalis ang kasama mo. Hinintay ko lang na makaalis siya.” Paliwanag ng batang lalaki habang nakatitig lang sa pagkain na ibinibigay ang maliit na batang babae. Matagal bago niya mauunawaan kung anong ibig ipahiwatig ng batang lalaking kausap niya.

“Kuya. Kuya ang itawag mo sa akin. D’yan ako nakatira sa tapat lang ng bahay n’yo. Kaya huwag kang matakot. Sumigaw ka lang maririnig kita. Okay?” Ngumiti pa ng matamis ang batang lalaki dahil naaawa ito sa kalagayan niya.

“K-ku-ya.” Sambit ng maliit na batang babae. Natuwa naman ang batang lalaki sa narinig.

“Ikaw? Anong pangalan mo?” Usisa nito. Noong isang araw pa siya nagtatanong ngunit hindi ito makasagot sa tanong niya.

“Kapag nagugutom ka. Pwedi kang lumabas ng pinto at pumunta sa bahay namin. Pero baka mapahamak ka lang, kaya ako na lang ang maghahatid dito. Hintayin mo ako lagi ha?” Imbes na matuwa ang batang babae sa sinabi ng batang lalaki ay natakot ito. Hindi niya gusto ang salitang lumabas. Kaya napatakbo ito papunta sa kanyang silid habang dala ang pagkain. Doon niya ito inubos at saka itinapon sa likod ang pinagbalutan ng pagkain para hindi makita nang lalaking kasama niya dito sa bahay dahil baka masaktan na naman siya.

Nakatulog siya pagkatapos kainin ang pritong manok at burger na ibinigay sa kanya. Madilim na ang paligid nang magising siya. Nagtataka dahil kahit sa labas ng silid ay madilim rin at tahimik. Dati nagigising siya sa sigaw ng lasing at galit na lalaki pero ngayon wala. Tahimik ang kabahayan. Binuksan niya lang ang ilaw ng silid niya at’saka baluktot na nahiga ulit at ipinikit ang mata.

“K-kuya...” Tawag niya sa batang lalaki na nagbibigay sa kanya ng pagkain. Nakatanaw siya sa bintana ngunit wala ito. Tatlong araw na siyang walang kasama sa bahay, hindi na rin umuuwi ang lalaking kasama niya. Kahit ang batang lalaki ay wala na rin. Hindi na bumabalik sa bahay niya. Gutom na gutom na siya ngunit wala siyang magawa ang magtiis at matulog na lang. Tanging tubig lang ang iniinom niya sa tuwing kumakalam ang kanyang sikmura.

Nagtataka man sa panibagong nangyayari sa araw-araw ay wala siyang maisip na ibang gawin. Nakasarado ang pinto sa labas kaya hindi niya mabuksan. Hindi siya makasigaw dahil natatakot siya. Kaya natulog na lang siya ng natulog nang ilang araw.

“Dalhin natin sa ospital! Dalian ninyo!” Isang tinig ang pumukaw sa kanya. Tinig nang isang babae na hindi niya kilala. Kinarga siya nito at patakbong pumunta sa labas na ikinasilaw ng mata niya kaya napapikit na lang ang batang babae at hinayaan kung ano man ang gagawin sa kanya ng mga ito.

My Sorority Girl (COMPLETED) Soon To Published Under Twinkle Dream PressWhere stories live. Discover now