"250 nalang," Malamig kong tawad. Biglang nalukot ang mukha niya dahil sa presyong hinihingi ko.

"Ay, hindi po pwede. Niluluwas pa ho, 'yan! May kamahalan dahil maganda ang tela at hindi katulad ng iba. Pero kalidad naman at pangmatagalan!" Dismayado niyang tugon.

Totoo nga naman, maganda ang tela, hindi mainit, at hindi rin manipis. Kaya nagustuhan ko.

"Anong problema?" Tanong ng lalaking may belt bag.

"Tumatawad eh,"

"Oh, bakit hindi mo patawarin?" Malagkit na agad ang tingin saakin ng lalaki. Pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napapangisi pa habang problemado ang tindera niya.

Naka jeans lang ako, simpleng cotton shirt, at lumang strap flat sandals.

Hindi ako nagpapakita ng kahit anong reaksyon kahit hindi ko gusto ang tingin niya saakin.

"Ano bang binibili? Itong puting dress ba? Aba bagay nga sa'yo ito, Miss! Bagay ang mga gantong damit sa'yo. Magkano ba ang tawad mo?"

"250 daw," Ang tindera. Hindi nawala ang ngisi ng lalaki, siguro ay ka-edad niya lang si Kai. Mas matanda ng ilang taon saakin.

"200 nalang," Mas binabaan ko ang presyo.

"Ay, sa iba ka nalang mamili, 'te! Ang ganda mo, pero kuripot ka masyado!" Irita niyang saad. Hindi na nakapagpigil pa.

Nagkibit balikat lang ako.

"Okay," Akmang tatalikod na ako nang biglang humarang ang lalaki.

I raised my brow.

"Osige, 200 nalang sa'yo!" Taranta niyang ani. I folded my arms against my chest.

"Kuya! Magagalit si Mama sa'yo!" Hindi ito nakinig

"150," I said coldly.

Halatang natigilan siya.

"Iyon nalang ang pera ko," Dugtong ko.

"A-Ano, edi sige! Ayos lang. Tatanggapin ko ang 150 mo!" Ipinilig ko ang ulo ko. Bago malamig siyang nginitian. Bahagya namang siyang natigilan.

"Okay,"

"Sandali, ganda, ibabalot ko lang!" Bago siya tumalikod. Palingon lingon saakin habang binababa ang nakahanger na dress.

"May bago ba kayo? Hindi 'yung naka-display?" Hindi makapaniwalang umismid ang babaeng tindera saakin. Bubulong bulong.

"Bago? Ah, sandali! Tignan ko lang! Wait lang, miss ha? Upo ka muna diyan!" Bago niya muling sinabit sa taas ang dress.

Ang babaeng tindera, na halatang mas bata ay nagtungo sa lalaki. Halatang may pinag-aawayan sila pero hindi nakikinig ang lalaki.

Tinalikuran siya ng huli at malaki ang ngising nagtungo saakin.

"Ito na! Pwede mong sukatin ito sa loob! Halika samahan kita!" Nagbaba ang tingin ko sa damit. I saw the size indicated on the plastic.

"Ayos na 'yan." Inabot ko ang bayad ko. Saktong 150.

"Salamat," Tumango siya. Halatang may gusto pang sabihin.

Binigyan ko muna siya ng isang matamis na ngiti bago tumalikod dala ang puting damit.

Namula siya at natigilan. Nang makabawi ay hindi na napigilan ang malaking ngisi.

"Balik ka, ah! Luluwas kami at bibili ako ng madaming dress na magugustuhan mo! Tawad ka ulit dito!" Kumaway lang ako habang nakatalikod.

"Hindi mo kinuha ang number!"

Almost Cruel Where stories live. Discover now