"Hello?"

"Hello Ron, pumunta ka dito sa school, madali ka!" sabi ng classmate ko.

"Bakit? May nangyari bang masama?" sabi ko.

"Basta pumunta ka na, ngayon na." sabi pa niya.

"Okay. I'll be there in 15minutes." sabi ko.

"Okay." saka binaba ang phone.

Hindi ko pa rin mapagtanto kung ano ba yung tinawag sa akin ng classmate ko pero mukhang importante. Masamang balita na naman ba ito? Ano kaya iyon. Tsk.

SA SCHOOL.

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng classroom namin dahil sa pag-iisip kung bakit ako pinapaaga ng punta ng classmate ko eh mamaya pa naman ang klase namin.

Pagbukas ko ng pinto..

"Boooooooomm"

Nagsabog ang mga confetti at sabay sabay silang nagsabi ng...

"CONGRATULATIONS RON!!"

Nagulat ako sa mga pabati nila. Para saan? Bakit?

"Congratulations Ron!" sabi ni Anne, isa sa mga classmate ko.

"Congrats brad!" sabi pa ni Miggy.

"Mas maganda na ang principal nalang natin ang magsabi sa iyo ng magandang balita. Pumunta ka na sa office niya." sabi ng Adviser ko.

Madali ko namang pinuntahan ang principal's office at ng marating at makapasok ako sa office ay saka ako pinaupo.

"Congratulations Mr. Reyes, we're so proud of you!" sabi ng Principal.

"For what Ma'am?" tanong ko.

"You won the Creative Writing Contest last November nung sumali kayo ni Jamie. And now, ikaw ang isa sa tatlong ipapadala sa China para makipag compete sa iba't ibang nationality."

"Talaga ho?" hindi ako makapaniwala.

"Yes hijo! Sayang nga lang at wala na si Jamie, isa din sana siya sa mga nanalo."

"Kaya nga po eh." Bigla akong nalungkot.

"Pero I'm sure naman na kung nasaan man si Jamie ngayon, magiging masaya siya para sa iyo." pagpapalakas ng loob sakin ng Principal.

"Thanks po! Sige po, tatanggapin ko po. Gagalingan ko po!"

"Good. Tatawagan ko na yung Coordinator para maayos na ang mga kakailanganin mo sa paglipad papuntang China next week." paalala niya.

"Next week na ho?" gulat kong sabi.

"Yes! And two weeks kang mag i-stay dun kasama yung isa pang nanalo." sabi nya.

"Sige po. Sabihin ko nalang po kay Mama" sagot ko habang patayo.

"O sige. Congratulations muli!" pahabol na sabi niya bago ako umalis.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng office ng Principal na masaya pero may halong lungkot dahil sa panghihinayang sa nangyari kay Jamie.

___________________________________________________

SA BAHAY NI RON.

KILLER'S POV:

 "Tao po." katok ko.

PEKSMAN! HANGGANG KAMATAYAN!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon