Deja Vu ba, sis?

Beginne am Anfang
                                    

"Sinetch itey na watashing bekikeks ang namataang may kasamang anez sa kahabaan ng Katipunan at nagkaabutan pa nga ng something! Ngiting ipis pa ang bekikeks pagtapos ihatid sa sakayan si anez ha. Confused era na ba?"

Halos hindi na makahinga si Anne katatawa dahil sa pa-blind item niya. Pinagtinginan naman kami ng mga tao sa paligid dahil mangiyak ngiyak na siya at may pag hampas pang nalalaman sa lamesa. Tawang tawa? Nasa comedy bar ka, teh?

History repeats itself nga naman talaga. Wala ngang camera kahapon pero bungangang may mata meron. "Sinundan niyo ba ako kahapon?" Gusto ko talagang malaman kung bakit dalawang beses nang nangyayari sa akin 'to. Ano ba ito, annual event na kailangan mangyari every year?

"Ay? Asyumera talaga. Kasalanan ba naming pwedeng dumaan sa Katips galing UPTC pa-Taguig?" Pag de-depensa naman niya sa kanilang mag jowa. May point naman siya. Hay, universe, crush mo ba 'ko at bunot mo ako ngayon?

Naalala ko tuloy yung dating boyfriend ko na araw araw akong hinahatid sundo sa work. Hihintayin niya ako sa tapat ng museum at mag fo-food trip muna kami sa tuhog tuhog bago sumakay ng LRT pabalik sa Katipunan. Ganoon din, nahuli rin kami ni Anne sa tapat ng Katipunan Station na naglalampungan. Doon nalaman ni Anne na bakla ako dahil wala naman akong kawala. Alangan namang mag deny pa ako, hello? Kapit na kapit ako na parang linta sa jowa ko n'un kaya wala ring sense kung itatago ko pa.

"Déjà Vu ba, sis?" Pigil tawa niya namang pang aasar na nakapagpa-busangot sa akin. Alam na alam niya na talaga kung anong iniisip ko. Kahit naman ganito 'tong babaeng 'to na balahura ang ugali e isa siya sa pinaka pinagkakatiwalaan kong tao. Sa lahat ng saya at heartbreaks ko nandyan siya.

"Oo. Ayan inamin ko na. Happy? Happy?" Sagot ko naman na may kasamang pag thumbs up sa babaeng tawang tawa sa harapan ko ngayon.

Hindi natapos doon ang asaran naming dalawa pero salamat nawa at nakatapos din kaming kumain. Binilisan na lang din namin ang pagkain dahil malapit nang matapos ang aming lunch break. Pagbalik sa museum ay mabilis lang din lumipas ang oras sa trabaho at ngayon ay naghahanda naman na kami sa pag uwi.

"Brad, pwede bang ikaw muna sa senate hall bukas?" Pakikiusap ng isa pa naming katrabaho, si Vhong. "Oo naman, absent ka ba bukas?" Sagot ko habang pinu-punch ang aking ID para makapag time-out.

"Oo, Vice. May interview ako e." Sambit naman ni Vhong na kasabay naming naglalakad ngayon ni Anne. Interview? Mukhang malalagasan na naman kami a.

Senate hall ang isa sa pinakapaborito kong gallery sa museum dahil nabibilib talaga ako sa obrang pagkalaki-laki na naka-display doon. Naalala ko pa noong unang beses akong nakapunta rito sa museum dahil sa isang activity namin sa college. I immediately fell in love with it. Saksi rin ang museum na ito sa lahat ng kasiyahan at kalungkutan ko. First actual art-related job, first time to live alone, first boyfriend, first heartbreak, first healing.

"Thank you talaga, brad a. Finally kasi matutupad na pangarap kong maging barista. Well, sana makapasa sa interview." Ramdam ko naman ang kaba na humalo sa tawa niya. Nakakainggit. Kailan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob para gawin din yan? Araw araw napalilibutan ako ng mga obra pero kailan ba darating yung araw na mismong obra ko naman yung nakapalibot sa akin sa araw araw?

Habang naghihintay kami ng jeep pa-LRT ay napatingala naman ako sa langit at napa-isip. Kung sa tutuusin ay maswerte pa rin naman ako kahit na parang gusto kong kumawala sa hawla ng pagt-trabaho. Sa araw araw nating pag gising at pag galaw, malaki man o maliit ang pag-unlad sa kani-kaniyang buhay, hindi naman na ganoon kalaki ang kahalagahan nito, basta ang importante patuloy at pilit tayong lumalaban. Sobrang laki at lawak ng kalawakan natin, masuwerte pa rin ako at mayroon akong pribilehiyo na ipagpatuloy kung ano man ang nasimulan ko noon dahil buhay pa ako, dumadaloy pa ang dugo sa katawan ko at nakakahinga pa ako. Hindi lahat ng nagsimula sa laban nila ay matagumpay na natapos ito. Nami-miss na kita. Napapikit naman ako para pigilan ang mga luha na gustong dumaloy mula sa aking mga mata.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Feb 22, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

The Colors of UsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt