"Ross, umuwi na tayo" sabi ko sa kanya

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Lucas "Kilala mo siya leigh?" Binalingan ko si lucas

"Siya yung.... kuya ko" tiningnan ko si Ross, akala ko mag re-react siya kasi tinawag ko siyang kuya pero nakatitig lang ito ng masama kay Lucas. Si lucas naman ay nagulat at agad na humingi ng paumanhin kay Ross

"Ikaw po pala ang kuya ni Leigh. P-Pasensya na po at... Huwag po kayong mag-alala niyaya ko lang po siya na samahan muna ako kasi may kukunin lang ako sa ate ko. Nagtatrabaho po kasi ang ate ko dito"

"At kelangan mo pa talagang isama si leigh? Hindi ka ba marunong pumunta ng mag-isa dito?" Galit na sabi ni Ross. Magsasalita na sana si lucas pero inunahan ko na siya

"Syempre ihahatid niya ako pagkatapos kaya magkasama kaming pumunta dito" binalingan ako ni Ross at tumaas ang isang kilay niya

"So, you're on his side? What if he's just making excuses hm? What if he has a hidden plan leigh?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakita ko namang medyo nagulat si Lucas sa sinabi niya at parang guto nitong magsalita.

"Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Ano? Susunduin mo ba ako? Gusto mo akong sumama sayo? Sige samama na ako sayo kung yan ang ikakasaya mo basta pagkatapos nito titigilan mo na kami ni lucas"

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko. Binalingan ko si lucas at nag-paalam. Agad akong lumabas at nakita ko ang ate ni lucas kaya nagpaalam narin ako at humingi narin ng paumanhin.

Pagbubuksan na sana ako ni Ross ng pinto ng kotse niya pero inunahan ko siya. Medyo nabigla siya sa ginawa ko.

Tahimik kami buong byahe at hindi ko siya kinausap o tinignan man lang hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagka hinto din ng kotse niya ay agad ako lumabas at dumiretso sa loob ng bahay namin. Narining kong tinawag niya ako ng papalabas palang ako ng kotse niya pero hindi ko siya pinansin.

Galit ako sa kanya! Grabe siya kung makapanghusga ng tao. Kung makasalita siya akala mo kilalang kilala niya si lucas! Sa tingin niya ba makikipag kaibigan ako kay lucas kung masama itong tao? Naiinis talaga ako sa kanya. Napaka overprotective niya.

.....

Kinabukasan nag text sakin si kuya Rhys kung may damit na raw ba ako? Syempre nagtaka ako kaya tinatanong ko siya. We will attend their cousin's birthday daw. He thought na sinabihan na raw ako ni Ross. Speaking of Ross, tumigil narin siya sa pagtawag saken siguro ay sumuko narin. Kagabe kasi tinawagan niya ako hindi ko iyon pinansin. Mga 10pm tumawag ulit siya yun iba ay text puro "Please answer my call" "I want to talk to you" "please answer leigh" hindi ko iyon pinansin hanggang sa pinatay ko nalang ang cellphone ko. Ewan ko kung nakailang tawag siya.

Kaninang umaga akala ko mag go-good morning siya saken, like he usually do pero wala. Baka nagtampo?


Lunes na at walang paramdam si Ross, kahit kanina sa school ako hindi siya nag text sa akin, dati kasi nagtatanong kung anong ginagawa ko, kung kumain na ako o kung sino kasama ko mag lunch ngayun ni isang text wala akong natanggap sa kanya, it's not that I'm expecting him to text me tho...

"Matagal pa ba matatapos?" Tanong ni Kuya Rhys sa babaeng nag-aayos ng buhok ko

"Medyo matagal pa po sir"

Tumango lang si kuya Rhys at may tiningnan sa cellphone niya bago niya ako balingan

"Leigh, ok lang ba kung iwan muna kita dito? Nag ka emergency lang sa company. Hahabol nalang ako sa party. The driver is outside siya nalang maghahatid sa venue sayo. Is it ok with you?"

Sinful DesiresWhere stories live. Discover now