" I love you Baby Yoyon"-aniya.

" I love you too Dada Cha"

---------

Nadischarge na sina Glaiza and we did follow their doctors order pero they insist na 2 weeks lang magstay ang mga nurses nila samin dahil panay ang alburoto nina Sheena at Bianca.

Ako naman, kalmado lang dahil I warned Glaiza already.

Last day na ng mga nurses nina Glaiza and so far naging mabilis ang paggaling nila. Pwede na din silang pumasok sa opisina kaya naman nakasubsub ngayun ang tatlong Galura sa laptop dahil sa tambak na trabaho.

Kasalukuyan kaming nasa room ni Glaiza, she's busy doing business in her laptop when my phone rang.

Unknown number calling....

I press the received button and put it in speaker mode.

Me: Hello?

Caller: hello Rhian iha. It's Tita Agnes. I got your number from your Dad nung nagkita kami sa business trip sa London.

Napatingin sakin si Glaiza ng nagtatanong ang mga mata.

" Hubby it's Jasons mom"-sagot ko.

Tinigil na niya ang ginagawa at seryosong lumapit sakin at nakikinig sa usapan namin ni Tita Agnes.

Me: how are you po Tita? napatawag po kayo.

Tita: I just want to ask a favor sana, I know hindi na dapat kita inaabala dahil may pamilya ka na but I'm desperate already.

Kinakabahan ako sa takbo ng usapan namin and I know Glaiza is not liking  where our conversation is going.

Me: why po? what happened?

Sinamaan ako ng tingin ng katabi kong panda sa sinabi ko.

Tita Agnes:  it's about Jason iha. Nagkaroon siya ng brain tumor at need niyang maoperahan, he has loss his memory at wala na siyang kilala samin maliban sa'yo. He can only remember the years when you two are together. Please pakikumbinsi mo naman siyang magpaopera. I'm begging you. (Sobs)

Shock was evident in my eyes dahil hindi ko inakala na ganun ang mangyayare kay Jason, naging kaibigan ko naman kasi ito bago kami nagkaroon ng relasyun kaya nakaramdam din ako ng pag-aalala kahit papano.

Me:  Tita, can I call you later. I will discuss this matter to my spouse first before I make a decision.

Tita: thank you iha. We only have a week sana makapagdesisyun ka agad.

Pinatay ko na ang phone at malalim na bumuntung hininga. Bumalik na din sa ginagawa si Glaiza ng hindi ko namalayan. I'm sure na hahantong na naman ito sa hindi pagkakaunawaan.

" Hubby"

" What?!"

" Can we talk?"

" There's nothing to talk about dahil nakapagdedisyun ka na"

" He's a friend that needs my help"

" He's your ex"

" Hubby can you please be reasonable"-inis ko ng sabi.

" Okay, do whatever you want. Don't ask me anymore!"-sikmat niya.

" Kakausapin ko lang siya para pumayag na siyang magpaopera"-paliwanag ko.

" Then what? kapag pumayag siya, what's next? magpanggap ka na you still have a thing habang hinihintay ang araw ng operasyun niya ganun ba!"-sigaw na niya.

A Rastro StoryWhere stories live. Discover now