SA'YO NA LANG AKO

Mulai dari awal
                                    

Kaya noong gabing yun napaisip ako, hindi rin ako nakatulog agad.

Inlove nga ba ako kay vice? Or crush lang yun. Baka naman natuwa lang ako kaya iba yung ngiti ko. Pumasok ako noon na halos tatlong oras lang ang tulog ko, pilit pa yun. Pagkarating ko sa showtime bumeso sakin si vice pero naka kunot noo agad sakin dahil parang ang baba daw ng energy ko.

"Wala akong sleep masyado." I said. Niyakap nya ako at hinilig pa sa kanya, para akong bata sa ginawa nya.

"Bakit walang sleep yan? What happened sa kurba ko?"vice.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko noon , sana hindi niya napansin .

Oo na, gusto ko na siya.

Nahulog ako.




"Earth to ana karylle tatlonghari " nakarinig ako ng boses sa tabi ko at si vice pala yun. Kunot noo ko syang tinignan at napatingin ako sa labas . Naka hinto na pala ang sasakyan at nasa tapat kami ng bahay ni Liz.

"Oh we are here."

"Yes miss ma'am. At ang lalim ng iniisip mo buong byahe so hindi na kita inistorbo muna. "Vice.

Kung alam mo lang vicey, ikaw lang laman ng isip ko buong byahe.

"Siguro iniisip mo ko no?" I saw him grinning .

Alam nya kaya ang iniisip ko?

"Vicey.."

"Hahahahah charot lang! Tara na nga!" Lumabas na sya ng sasakyan at pinagbuksan nya ako. Such a gentleman pa rin.

Pumasok na kami sa bahay ni Liz at ang daming bisita. Nahiya ako dahil hindi naman ako invited. Bakit ba kasi sumama pa ako. But there are celebrities rin na kinakausap ako kaya okay naman na din.

Hinawakan din ni vice yung kamay ko hanggat di niya nakikita si Liz.

"Vice, you came!" Si Liz. She's wearing a simple red dress but looks so stunning and gorgeous. Binitiwan ni vice yung kamay ko at niyakap si Liz bago niya ibeso.

Napaiwas ako ng tingin dahil dun . Ayoko maramdaman na mag selos dahil wala naman kami pero di ko maiwasan dahil yun yung nararamdaman ko.

"Hey karylle! " bati sakin ni Liz at nakipag beso sakin.

"Happy birthday Liz," tipid kong bati sa kaniya and tinignan ko si vice para humingi ng help.

"Nahihiya sya eh." Sabi ni vice kaya lalo ako napa pout.

Lumapit na sakin si vice habang tumatawa pero agad hinawakan ang kamay ko.

"Wag ka mahiya sakin, mas nakilala pa kita because of vice." Tumingin si liz kay vice kaya pinatigil nya si liz magsalita.

"Nako girl kung di mo lang talaga birthday eh!" Hinawakan na ni vice ulit ang kamay ko at hinila nya ako sa buffet. Sya kumuha ng food ko and ng wine.

Napaisip ako sa sinabi ni Liz. Nagkukwento si vice tungkol sa akin?

Ilang beses ako nag attempt na mag kwento sya sa akin dahil sa sinabi ni Liz pero iniiwas nya. Instead, binibigyan nya ako ng wine at inaaya nya akong mag toast kami. Iniwan nya din ako sa table, then I found him talking with her. He looks so happy.

Nawawala ako sa mood, dahil siguro sa wine na rin. Iba na yung nasa isip ko, nag seselos na talaga ako.

Niyakap pa nya ulit si Liz at hinalikan sa piangi bago bumalik sa table namin at inakbayan nya ako. "Kurba, uwi na tayo." Bulong niya sa akin.

"Baka hanapin ka ni Liz." Simpleng sagot ko.

"Nope. Nagpaalam ako sa kaniya na uuwi na ako dahil papagalitan na ko ni mama kapag di kita naiuwi ng safe." Vice. Tumitig ako sa kaniya.

"Sinong magagalit?" Pag uulit ko sa kaniya , hoping that he will repeat it.

" mama zsazsa."

Hindi ako nakapag salita sa halip nagpa hila na lang ako sa kanya palabas ng bahay ni Liz.

Habang nasa sasakyan kami , pareho lamg kaming tahimik na dalawa. Until I heard him humming, then I realized that's my song.

Nakita kong nag smile sya mula sa gilid ng mata ko.

" Anne asked me one day na bakit hindi ko pa sabihin sayo yung tunay na nararamdaman ko. "Vice. Tumitig ako sa kaniya pero ang seryoso pala niya, hindi siya nag bibiro sa mga oras na to.

"Sabi ko natatakot ako, baka hindi naman pala tayo tugma ng nararamdaman. So itatago ko na lang. Alam mo bang binatukan niya ako ? Ano daw mangyayari sa atin kung hindi ko iririsk. Subukan ko daw. Then accept the truth kung ano man ang kakahinatnan." Nakikinig lang ako sa kaniya , hindi ko alam ang tamang sasabihin ko kahit gusto ko ibuka ang bibig ko para magsalita.

"Si Liz, yung paulit ulit mong tanong kanina na di ko sinasagot? Alam nya na gusto kita. Marami siyang alam sayo kase ikaw lang naman bukambibig ko kurba. Kung ano yung alam ni Liz , alam din ni Anne. "He smiled at me bago sya ulit nag drive.

"May alam na nga din si mama!" Vice. Tumitig ako sa kaniya at natawa sya.

"I asked miss zsazsa before kung pwede ko sya tawaging mama kase liligawan na kita. And guess what she said. " naka grin sya sa akin.

"Pumayag si mama?" Mahina kong tanong habang nakatitig sa kaniya.

"Yes karylle. Yes kurba ko. Yung hinihintay ko na lang na sagot yung sayo. Pwede bang sayo na lang ako? "

Tumitig ako sa kaniya, "there was a time na nag uusap kami ni anne sabi niya ang saya saya ko daw habang kasama kita. Hindi na nga ko nakakatulog sa tuwing iniisip ko yun and then I realized oo nga, I am smiling the whole time that I am with you. Make sure vicey that you are backing out , kung ayaw mong dalawang red dragon ang humarap sayo." Saad ko . Sabay kaming natawa sa sinabi ko.

"Lately , gusto ko palagi kitang katabi kahit sa showtime. I fell for who you are and ypur gestures na sobrang caring mo sa akin. I don't have a courage na sabihin sayo dahil ayoko rin naman masaktan. But here , ikaw yung unang nag open up nito so I must say this is the right time to say it vice. "

"Sayo na ako."sagot ko.

Agad niyang hininto ang sasakyan at niyakap ako bago halikan sa noo.

"Thank you kurba for this chance. I love you."

"I love you vicey."














A/N:
Sisipagin na yata ko mag update dahil may pasok na ko sa monday :( do vote, thank you!

ViceRylle Collectanea FandonieTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang