"Hintayin na lang kita sa labas, tenyente" Natatawang usap pa ni Gail habang napapailing na naglakad palabas ng hospital.

"Ano ba talaga ang gusto mo para makaalis ka na?" Seryoso ng tanong sa akin ni Doktorang maganda kaya napangiti naman ako lalo.

"Ikaw" Nasabi ko na lang at bahagya pang nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Napangiti lang naman siya at nilapit din ang mukha niya sa mukha ko.

"Sana alam mo na hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo" Usap pa niya bago ako tuluyan talikuran.

Emotional Damage!

"Doktora, kahit kumpletong pangalan mo lang o hindi kaya kape tayo, libre ko!" Sigaw ko pa sa kaniya. Humarap naman siya sa akin at bahagya pang napaisip.

"Doktora Amari Vleu Asuncion, ayon ang kumpletong pangalan ko" Nakangiting sagot niya sa akin. Naglakad naman ako papalapit sa kaniya at agad na nilahad ang kanang kamay ko.

"Tenyente Mickenzie Gabrielle Santiago" Pakilala ko rin sa kaniya, napangiti naman ako lalo ng makipagkamay din siya sa akin.

"At yung kape ko, sa susunod ko na lang sisingilin sayo yon, marami pa akong trabaho sa ngayon kaya next time na lang siguro" Nakangiting usap pa niya kaya tumango na lang naman ako.

"Maghihintay ako, doktora" Nasabi ko na lang, bago siya tuluyan maglakad palayo sa akin. 

Nakangiti naman akong naglakad palabas ng hospital kaya nasa mood din ako batiin pabalik ang mga nurse na bumabati sa akin.

"Hi! Tenyente" Bati ng isang nurse sa akin.

"Hi!" Bati ko pabalik

"Tenyente Santiago!" Tawag pa sa akin ng body guard sa hospital.

"Oh kuya?" Nakangiting tanong ko sa kaniya

"Kita ko kayo ni Doktora Asuncion kanina ah, okay na kayo?" Natatawang tanong pa niya.

"Hindi pa yata, kuya, sinusungitan pa rin ako kanina e" Natatawang sagot ko kaya natawa na rin naman siya, agad din naman akong nagpaalam sa kaniya para puntahan na si Gail na nakasandal sa motor niya.

"Musta pangungulit mo kay doktora?" Natatawang tanong niya kaya napapangiti naman ako habang inaayos ang helmet ko.

"Whooaa! nakangiti ka ngayon tenyente, anong nangyari?" Pag uusisa pa niya atsaka lumapit pa sa akin.

"Wala naman, nakipag kilala lang kami sa isa't isa ng pormal, yon lang" Sagot ko sa kaniya kaya natatawa naman siyang napapailing.

"Ang tagal na natin nagpapabalik balik dito sa hospital na 'to tas malalaman ko lang na hindi pa pala kayo nagkakakilanlan ng pormal ni Doktora" Tawang tawa na usap pa niya kaya napailing na lang naman ako bago tuluyang isuot ang helmet ko.

"Lagi akong sinusungitan e" Nasabi ko na lang

"Lagi mo rin kasing inaasar" Napapiling na usap na niya bago niya rin suotin ang helmet niya.

Agad ko rin naman ng pinaandar ang motor ko bago tuluyan magpaalam na kay Gail. Tapos na rin kasi ang duty namin kaya kaniya kaniya na kaming uwi sa mga bahay namin.

Ako nga pala si Lieutenant

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ako nga pala si Lieutenant. Mickenzie Gabrielle Santiago. Tenyente sa isang departamento dito sa bayan na siyang kinalakihan ko, sa bayan ng Isidro. Si Tenyente Gail Perez at Doktora Janie Torres ang kaibigan ko noon pa man dito, sila na talaga ang kasama ko noon pa man kaya madalas din talaga kaming dumaan sa hospital dito sa bayan ng Isidro ni Gail kung saan nakaduty ang kaibigan namin na si Doktora Janie at si Doktora sungit na si Amari.

Kung ang sir dad ko lang ang tatanungin ay ayaw na ayaw na niyang bumalik sa bayan na ito, siguro ay dahil na rin sa mommy ko at sa piniling pamilya na nito. Ako lang talaga tong nagpumilit na mag stay dito na bayan ng Isidro, kaya hinayaan na lang niya akong gawin ang gusto ko basta dadalaw dalawin ko siya sa bahay namin sa Maynila o hindi kaya sa isa pa namin bahay, sa isang isla sa bayan ng San Luiz na hindi naman din kalayuan dito sa bayan ng Isidro.

"Sir dad?" Takang tanong ko pa ng makita ko ang daddy ko sa labas ng gate na naghihintay sa akin.

Nang makababa na ako ng motor ko ay agad din naman akong sumaludo sa kaniya at ganon din naman siya sa akin.

Ama ko lang naman ang nag iisang Police General na si General Santiago, masaya ako dahil kahit ang layo na ng narating niya bilang pulis ay hindi niya ako hinahayaan na mapwersa sa mga susunod kong hakbang bilang pulis din na kagaya niya, hinahayaan niya lang akong gawin ang trabaho ko habang patuloy pa rin niya ginagampanan ang pagiging heneral at pagiging ama niya sa akin bilang ako lang naman ang nag iisang anak niya at kasama niya sa buhay.

"Gutom na ako, may dala akong pagkain dito" Biglang usap niya sa akin tsaka pinakita ang mga plastic na dala niya.

"Nasaan ang mga galamay mo?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Bilang heneral ay natural lang na may mga pulis din na nakabantay sa kaniya kaya ganon na lang talaga ang pagtataka ko ng makita siyang mag isa lang na nandito.

"Hindi ko sila kailangan ngayon, anak ko lang ang kailangan kong makasama ngayon" Natatawang sagot pa niya atsaka ginulo ang buhok ko.

Ang isa't isa lang ang meron kami pareho, hindi ko kayang mawala ang sir dad ko kahit na pakiramdam ko ay buong buhay ko ay napakarami niyang tinatago, siguro ay fahil na rin sa mga tanong ko na hindi niya masagot-sagot.

AMARI (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon