" Your lying... What's bothering you Mi Reina? It is all about  on what we have talk? About bringing you home? I-i mean about introducing to my family? " Nakanguso ko itong tinignan at dahan dahang tumango. ' pero ano raw ang sabi niya? Mi Reina? Ano yon? '

Natawa ito ng bahagya kaya mas lalo akong ngumuso at humalukipkip. Nang makita nitong nakakunot ang noo ko ay tumikhim ito at inayos anv ekspresyon pero mababatid mo parin na gusto niyang tumawa.

" Don't think to much about it Mi Reina, they definitely like you " sabay ngiti nito sa akin ng malaki. Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa ngiting ipinapakita niya. Ngiting nagsasabi na magiging okay lang ang lahat. ' sana nga magustuhan nila ako, pero ikaw kailan mo kaya ako magugustuhan? ' namula ako dahil sa iniisip ko. Nababaliw na yata ako. Umiwas nalang ako dito ng tingin at inaya itong umalis na kami dito.

Grabe ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Araw ng Sabado ngayon at ito rin ang araw na ipapakilala ako ni Hades bilang KAIBIGAN niya. Ewan ko ba, pero kapag sinasabi niyang magkaibigan lang kami palaging merong kurot sa puso ko. Siguro dahil gusto ko ito kaya ganon.

Nandito ako sa apartment na tinutuluyan namin ng kaibigan ko nakatulala habang naliligo, inisip ko kong tutuloy pa ba ako o hindi. Iniisip kong ano ang susuotin ko at paano ko pakikitunguhan ang mga magulang nito. ' Kailangan bang yumuko ako sa mga ito bilang pagrespeto? ' bulong ko sa sarili habang nag-sa-shampoo. Inis kong sinabunutan ang buhok ko dahil dito.

Para akong maiiyak dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinalma ko nalang muna ang sarili ko bago tinapos ang ginagawa ko. Pagkatapis ko ng tuwalya ay lumabas na ako ng banyo. Saktong pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang kaibigan kong nataas ang kilay nakameyang.

" Bakit? " Takang tanong ko

" Aba miss! Anong oras na! Hindi ka parin nakakapagbihis! " Bulyaw nito sa akin napamaang nalang ako dahil dito. Sabay tingin dito. Nakabihis na siya at nakaayos narin

" Ang aga pa naman ah, ano bang minamadali mo? " Bakit ba siya nagmamadali? Excited lang yata tong makita ulit si Xyfer. Umismid nalang ako dahil dito

" Ewan ko sayo, bilisan mo na nga halos isang oras ka na sa banyo, ano bang ginawa mo? " Inilingan ko nalang ito at hindi na sinagot pa.

Naghanap nalang ako ng komportableng damit at nagbihis na. Habang pinupunasan ang basa kong buhok ay chinecheck ko yung cellphone ko. Baka kasi merong mensahe galing kay Hades. Hindi nga ako nagkamali dahil may text ito sa akin.

Hades:

Are you ready Mi Reina?

Ako:

Medyo, kinakabahan kasi ako

Hades:

Don't be, everything will be alright

Ako:

Sana nga

Hades:

Don't be so negative Mi Reina, I told you my family will like you

Ako:

:-)

Hades:

Be there in a jiffy Mi Reina

Ako:

Ingat sa pagmamaneho

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na ito nagreply pa sa akin kaya nagmadali na ako sa pag-aayos. Saktong natapos ako ay siya rin namang pagdating ng sasakyan ni Hades. Sumilip ako sa bintana ay ang pagparada ng kotse ni Hades sa harapan ng gate nito.

" Tara na " saad sa akin ni Trisha. Tumango ako dito kinuha ang shoulder bag ko.

Naabutan namin itong nakasandal sa kotseng dala at pinapaikot ikot ang susi nito sa daliri. Ngumisi ito sa akin, kaya ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko dahil rito.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now