Chapter 14: Bonding with ZIELibabes

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yucks! Tara na dali!" tinulak tulak ko sya paakyat ng escalator

"Kunyari ka pa!" umiling iling na lang ako

Pagkabili namin ng tickets bumili muna kaming pagkain, pop corn sa kanya akin nachos.

'Diba sila ni Ashton? Bat nya kasama si Ziel?'

'Ang landi naman nya'

'May Ashton na lumalandi pa sa iba. Yuck'

"Upakan ko na ba?" tanong ni Ziel sakin kaya natawa ako

"Go, basta wag mo kong sisihin pag nasira image mo ha?" masyado nya kasing inaalagaan yung IMAGE nya.

"De wag na lang. Tara upo tayo dun" pumunta na kami sa table malapit sa may escalator.

"Picturan natin!" eto talaga mas vain sakin!

"Oh." inabot ko sa kanya yung food ko, pinicturan nya nga.

"Ayan!"

nag type type na sya sa phone nya, nako yari ako kay Ash neto. Ma text na nga

'Drew~ wag kang magseselos kay Ziel ha? Bestfriend lang kami, ikaw lang po! Mwa, ingat ka. Labya!'

Nakakahiya. Di kasi ako ganyan eh :3

"Ayan na. I-like mo na!" hay nako.

'Bonding with Nikkibabes. ;)'

Makapag comment nga >:D

'Na like ko na. :)'

Nabasa na nya ata kasi sumimangot sya, hahahaha!

*bzzt*

ayan na nagreply na si Ash!

'Bat ako magseselos dyan? Alam ko namang akin ka lang eh, nuon lang ako nagselos kaya di pa tayo. Opo mag iingat ako, ikaw rin. Labyu too xx '

Enebe! :"> Kenekeleg ako pete!

"Creepy mo nikkibabes" wait, may naalala ako!

"Who told you that you can call me NIKKI?!" pabulong na sigaw ko

"Pumayag ka, wala ng bawian. Ngayon mo lang narealize, kawawa ka" grrr!!! >:C

* * *

Nakauwi na kami pero nagbihis lang sya saglit at nag stay sa bahay, titignan nya raw si Nadz eh, baka daw chix kaya sabi ko bata lang tapos sabi nya Age Doesn't Matter

Nasa kitchen kami, nag be-blend ng avocado. Namiss ko mag avocado eh, ta-try rin daw nya kasi di pa daw sya nakaka tikim neto.

"Ate Nikki? Nakauwi ka na po ba?" nagkatinginan kami ni Ziel, inistop ko yung blender bago ko lumabas ng kitchen

"Yes!" napangiti naman sya ng makita ako "So how's your day?" tanong ko tsaka bumalik sa blender

"Okay naman po, super saya nga eh. Sobrang bait pala ni Tito no? Akala ko po masungit sya, tinurin nya na rin po akong anak" masaya nyang kwento

"Wag mo na kong i 'po' ha? Feeling ko tumatanda ako." sinalang ko na sa mug yung mga shake "So kapatid na kita? Hahaha alam mo si Dad asahan mong mabait sya pag mabait ka sa kanya pero pag naging mean ka? Naku. Ewan ko na lang"

Ako naman na kaya ko yung reaksyon nya nung naging mean ako sa kanya, ewan ko lang sa kanya kasi bata pa sya diba? Baka di nya kayanin.

"Ehem!" napatingin ako kay Ziel, tumingin naman sya kay Nadz, ah i know what he mean!

"Ay, bebe Nadz this is Alexander Ziel, pinsan ni Hert" pakilala ko

"Hello. Wag ka ng mag po sakin, bata parin ako. Nice to meet you" daming alam Ziel -__-

"Ah sge. Nice meeting you too Mr. Xander" oh~ may tawag na sya kay Ziel na sya lang ang tumatawag, nice nice

"Ah ate akyat muna ko sa taas ah? Papalit lang po ng damit" paalam nya sakin

"Bumaba ka agad ha? May ginawa akong shake" sumigaw naman sya ng 'sige' habang umaakyat ng hagdan.

"Ang ganda Niks! Shotain ko na!" binatukan ko nga

"Bata pa yun! Oh iinom mo yan, uhaw lang yan" ininom naman nya yung shake

"Wala eh, natamaan na ko sa kanya. Liligawan ko sya" kulang na lang magpuso mata neto

"Whatever. Basta wag mong sasaktan ha!" tumango tango naman sya

"Ate ah pwede bang papuntahin ko dito yung bestfriend ko? Namiss kasi namin isat isa eh" tinignan ko si Ziel ng nakakaloko

"Bestfriend na lang ba?" inabot ko sa kanya yung mug nya

"ihhh, ate kasi, wag kang magagalit ha?" tumango naman ako

"Nililigawan nya ko, kaso nag stop sya ng three days, di ko nga alam kung bakit eh" awww.

"Wag mong sagutin! May iba na yun promise!" sigaw ni Ziel

"Sure ka po?" tanong niya naman. Natatawang uminom ako ng avocado

"Oo! Ako na lang manliligaw sayo" tumaas baba naman kilay nya habang umiinom ng shake

"Nako kuya wag, the age gap, the face, no no di tayo bagay" hahahahahahahaha saklap :p The Face, meaning nya mas maganda sya lol. :p

"Kahit anong sabihin mo liligawan parin kita. Mwa!" naglakad na siya papuntang sala

"Is he out of his mind?" pabulong na tanong nya sakin

"No. Seryoso sya sayo, swerte mo!" pinisil ko yung ilong nya sabay akbay, sabay na kaming pumunta sa sala.

Hay nako Ziel, bat sa bata ka pa pumatol? Sana naman alagaan nya si Nadine. :)

Perfectly IncompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon