CHAPTER XXIV HANG-OVER

Start from the beginning
                                    

"Bahala na nga kayo diyan.."

tumalikod na ako at hinayaan silang maglokohan sa isat isa.

Inasikaso ko ang ibang mesa ng lumbas si Tatay. Hindi siya nagpaalam at para siyang nagmamadali. Pumunta ako ng counter para kunin ang news na binasa niya kanina. Inisa isa ko mula sa front page pero parang wala akong nakikitang mali don.

"Anu nangyari?"

Nagulat na naman ako.

"Mamatay talaga ako niyan sa ginagawa mo...Ewan ko nga eh,hinahanap ko nga dito kasi ito lang naman ang hawak niya kanina.."

Kinuha niya ang news sa akin at binasa yon.

"wala naman..baka iba ang rason.."

"I'm worried.."

"don't worry,Tatay will tell you for sure ."

Tumango lang ako.

"Siyanga pala anu nangyari kagabi?"

Pilyo siyang ngumiti na parang may ginawa talaga akong hindi kanais nais.

"Hindi mo naaalala?"

"kind of..kaya nga tinatanong ko di ba?"

"kahit isa?"

I shook my head.

"may nangyari?"

muntik na akong mahulog sa upuan sa sinabi niya.

"Its not possible.."

"are you sure?"

Hinampas ko siya sa braso at kunwaring naiinis.

"tigilan mo nga ako..balik ka na don.."

"hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari?"

Alam ko lasing ako at wala akong matandaan but siguro naman mararamdaman ng katawan ko kung may nangyari di ba?

"sabi ko balik na don.."

"Dude naman magkasama na kayo kahapon, dito ka naman sa amin.."

sigaw ni Zach. Kumindat siya ulit sa akin at bumalik sa mesa nila.

Hindi. Paranoid lang ako. Impossibleng papayag siyang gumawa kami ng bagay na wala ako sa katinuan. Isusumpa na talaga ako ni God nito.

Alas 12 na pero wla pa rin si Tatay. Hindi ko na mapigilang mag alala ng sobra kung ano ba talaga ang nangyayari.  Ni minsan di siya umalis na wala man lang sinabi sa akin. Ni minsan hindi niya ginawa yon. Pumasok ako sa kusina para maghugas ng mga tasa. Kailangan kong malaman ang nabasa niya sa news pero alin ba don ang may pakiaalam siya?

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Johann. Di ko man siya nakikita pero naaamoy ko ang pabango niya

"Bawal ka nga dito di ba?"

"babalik na kami sa loob..okay ka lang ba talaga?"

Lumapit siya sa akin at inayos ang buhok kong nakatabon sa pisngi ko. I nodded smiling.

"ang ganda mo pa rin kahit puyat ka"

Nawala na naman ako sa sarili dahil lang sa papuring yon .

"para kang tange.."

"bat ba ayaw mong tumingin?"

"obviously nahihirapan na akong huminga dahil sa ginagawa mo, paano pa ako titingin niyan?"

Tumawa siya ng mahina at pinaharap niya ako sa kanya .

"pagkatapos ng nangyari kagabi ngayon ka pa kakabahan?"

"don't joke me..nothing happened. "

"what about this?You proposed to me last night.."

He showed the toy ring on his finger. Para akong matutunaw sa kahihiyan. Kung anu ano ang pumapasok sa utak ko yon pala nagproposed lang ako. Natawa ako sa sarili na napayakap sa kanya.

"Your outfit really bothers me. ."

pabiro kong bulong sa kanya.

"Me too..buti nalang suot ko to kasi kung hindi baka anu pa magawa ko.."

I pulled away and smacked his chest.

"bumalik ka na baka pigilan pa kita."

parang batang kinilig siyang ngumiti at lumabas ng kusina.

I proposed to him? Nakakahiya.

Lumabas na rin ako para ligpitin ang mesa nila. Tatay not back yet and thanks God walang masyadong tao. Dinial ko ang phone niya, naiwan niya pala ito sa counter. Kinuha ko ulit ang newspaper at binasa.

Kahit anong ulit ko wala talaga akong maisip na konektado sa kanya. Puro rally at showbiz ang nasa news.

"Miss Gianna Lopez?".

nagulat ako sa boses ng lalaki .

"yes?"

"may mail po kayo Mam.."

napataas ako ng kilay. Sino ang magpapadala sa akin ng mail? Pinapirma niya ako at binigay ang malapat na envelope na yon. Sa bigat alam ko hindi lang yon sulat .

"bakit walang recipient?"

"ganun po minsan mam pag ayaw ng ipalagay ng nagpadala ang address niya. "

Tumango nalang ako at tiningnan siya palabas . I slowly opened it .

Oh my Gosh!!

Isa isa kong tiningnan ang mga litrato. Sinadyang kunan ang nga sweet gesture para magmukhang malaswa .

The door opened again. Napatayo ako bigla ng makita ko ang pumasok .Hawak niya rin ang envelope na kagaya sa akin .  Nangatog ang tuhod na para akong  mahihimatay.

"Miss Lopez ."

"Sir...."

"we need to talk.."

LOVING A SEMINARIANWhere stories live. Discover now