CHAPTER 13

23 15 0
                                    

I miss you & Follow


Nakauwi na ako ng Bahay. Ilang oras kami nag ikot-ikot sa mall kanina nang mapagod na ay napag pasyahan naming Umuwi.

Nakabihis na ako ng pambahay.Short at malaking T-shirt lang ang sinuot ko tutal kami kami lang naman dito at wala ang mga boys. Nadaan ko si Tita marietta na naghahanda na ng mga plato at baso sa lamesa, habang si mama at ate naman ay nagluluto, Ang dalawang bata naman ay nasa sala nanonood ng cartoons.

Bumuntong hininga ako bago naglakad lumabas sa likod ng Bahay. Umupo ako sa dulo ng pool bago nilublob ang aking paa at tumingala sa madilim na kalangitan.Pinanood ko lang ang buwan at binuwin na tintakpan ng ulap.

Bumuntong hininga ako ng pangalawang beses. Iniisip ko parin sila daya at Aries. Sila na pala ni daya, ibig sabihin ay noong narito sila ay magkasintahan na.

Kumirot ang Puso ko.

Nasasaktan ako... pero mas nasasaktan ako para kay ate. Alam kong walang namamagitan kina ate ngunit ay nakita ko na naghalikan sila. Akala ko kaya sila nagtago at naghalikan sa likod marahil sila na. Sabi rin ni Gemini ay mag-girlfriend na sila, pero ano to? ano yung narinig ko na sila na ni daya? niloko niya ba si ate? Sinasaktan niya ako kasi gusto ko siya?

Pero sa bagay, sino ba naman hindi magkakagusto kay daya? hindi sa na--insecure, pero ang ganda niya talaga e. Matangkad, may kurba ang katawan, makinis ang balat, at higit sa lahat ka edad niya si Aries.

Pag naging matanda ba ako at ka edad ko si Aries ay magugustuhan niya ako?

Inalis ko sa isip ko ang naisip ko.

Lagi ko nalang ba ipagkukumpara ang sarili ko kay ate at daya?

Maganda rin naman ako ah? Maputi, straight na makulot ang buhok, matalino, matangkad ngunit hindi kasing tangkad ni Daya, hindi naman ako tinutubuan ng pimples.

Yumuko at pinag masdan ang mga paa kong gumagalaw sa ilalim ng Tubig.

"Anong ginagawa mo dito, my little sister? hmm?"

Nagulat ako nang biglang may tumabi sa akin si ate denn.

"Muni-muni lang." Sabi ko saka binalik ang paningin sa tubig.

I hears ate 'Hmm' beside me.

Ngumiti ako at nilingon si ate.

"Alam mo na ba ate na may girlfriend na si Aries?" Nakita ko ang pag tigil nang paa niya sa tubig ng tanungin ko siya.

She bit her lips.

"hmm..."

Ngumuso ako tsaka tumango.

"Hindi ako makapaniwala, celine..."

Tinitigan ko si ate. She looks so heartbroken, does she deserve this pain from aries? Mas okay nang ako ang masaktan, wag lang ang ate ko.

"It's okay ate, madami pa namang lalaki diyan sa tabi tabi." I comfort her.

She sniffs. "Tabi-tabi ka diyan, baka mamaya mapapangasawa ko tambay lang diyan sa tindahan. Naku celine kakaltukan talaga kita." Biro niya.

I laughed.

"Sus ate, bata ka pa naman tsaka maganda, madami ka pang manliligaw" I paused. "Mana kaya tayo kay mama." I joke.

She looks at me. "May manliligaw ka?"

Bumilog nag mata ko sa gulat.

Umiling ako.

"Wala! wala akong manliligaw! jusko ate kay bata bata ko pa para diyan no"

Ngumiwi siya saka niya ako tinulak ng mahina. "Sus! baka mamaya may boyfriend ka na ah? sumbong kita kay mama!"

When We Met  [COMPLETED]Where stories live. Discover now