Tiningnan ko siyang mahimbing na natutulog.

To this.... Gorgeous human being

Ano ba itong. Iniisip ko. Oo na at guwapo siya pero for sure babaero naman! Ang tanga tanga ko at nagpatukso ako sa kanya.

Dahan dahan akong tumayo sa kama niya at pinulot ang mga nagkalat kong gamit. Mabilis akong nag bihis at umalis.

One night stand lang yun. Kakalimutan ko nalang yun. Oo, tama! For sure wala din naman pakealam yun saken, sex lang ang habol nun. Hindi naman siguro ako mabubuntis diba?? Shit! Pano pag nabuntis ako? Ang hirap na nga ng buhay namin tas nag -aaral pa ako tas mabubun-

"Arrgh!!!" Sabunot ko sa sarili habang naglalaka sa hallway. "I'm just overthingking. Hindi ako mabubuntis. Makakapagtapos ako ng pag-aaral at magiging maayos ang buhay namin. Oo, tama yan dapat ang isipin ko" sabi ko sa sarili

Laking pasasalamat ko na wala si Mama si sala pagkadating ko. Wala din sa kusina. Siguro tulog pa?

Agad akong umakyat ng kwarto at natulog muli. Alas diez pa naman ang pasok ko at ala sais palang ngayun.

....

Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Sumasakit ang ulo ko pero pinilit kong bumangon para makaligo. It was already 8 in the morning. Bumaba ako ng naka uniporme na. Habang nagsusuklay ng buhok ay nakita ko si mama na naghahanda ng agahan.

"Oh, anak gising ka na pala" at agad niyang inayos ang mga pinggan " halika umupo ka na rito"

What's up with her today? The last thing I know magkaaway kami. Ba't parang ang saya ng umaga niya ngayun. Nang umupo ako ay nakita ko ang mga gulay na nasa mahabang upuan na yari sa kawayan.

"Magtitinda ka ngayun?" Tanong ko sa kanya na abala sa paglagay ng kanin sa pinggan ko.

"Oo" mabilis niyang sagot. May ngiti parin sa mga labi. Tumango nalang ako. "Nga pala anak, sorry pala kagabe. I didn't mean it, nadala laang ako sa emosyon ko sana maintindihan mo ako" biglang nalungkot ang mukha niya

Tiningala ko sya at napabuntong hininga ako. Galit parin ako sa kanya pero d ko siya kayang hindi patawarin. I love my Mom. Siya nalang ang meron ako ngayun.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin "Leigh, I'm so sorry. Please forgive me. Please fogive your mom" she pouted like a kid. I chuckled.

"Drama mo"

A smile crept on her face

"Hindi ka na galit?" Tanong niya. Umiling ako

"Kumain ka na? " Umiling siya "why? Let's eat together na Ma"

Pinagsaluhan namin ang agahan na hinanda niya. Actually, I miss this. Yung masaya lang kami, yung ganto, pinaghahanda niya ako ng agahan. Ako kasi palagi ang nagluluto sa amin and now that she's the one who prepared our breakfast is making me happy. Sana ganto kami palagi.

Patapos na akong kumain ng mapansin kong panay ang sulyap niya sa akin.

"What is it Ma?"

Ngumiti sya bago magsalita "Anong oras ang uwi mo mamaya?"

"Alas singko . Bakit po?"

"May pupuntahan sana tayo"

Pupuntahan?

"Saan naman po? "

"Basta malalaman mo rin mamaya at... May ipapakilala ako sayo at sana mapatawad mo ako kung nagsinungaling ako sayo"

"A-ano po ba ang pinagsasabi niyo?"

Huminga siya ng malalim bago magsalita " Hindi patay ang Ama mo at magkikita kayo mamaya"

.....

Buong klase ay tulala ako. Hindi parin maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Mama.

Si papa ay buhay?

Pero bakit hindi niya sinabi saken? Ba't kelangan niyang itago?

"Huy leigh hindi ka pa ba magsisimula?"

I came back to my senses when lucas spoke up.

"Ha? Bakit? Ano daw gagawin?"

Napailing siya "may gagawin tayong essay. Ayan oh" sabay turo niya sa white board

Dali dali akong kumuha ng papel at nagsimula na. Wala akong masyadong kaibigan dito school. Si lucas, siya lang yung medyo ka close ko dito actually maraming lalake ang gustong makipag kaibigan saken pero alam ko na may iba silang gusto halos kasi ng mga lalakeng nakikipagkilala saken ay gusto akong pormahan at ayaw ko naman sa kanila kaya hindi ko sila pinapansin. Si lucas, may gusto dn sya sa aken at sinubukan niya ring manligaw noon pero tinanggihan ko,pumayag siyang maging mag kaibigan nalang kami at hindi niya raw ako kukulitin kaya naman hindi naglaon ay naging close kami. Mabait din kasi siya.

Last period na namin at agad kong tinext si mama na pauwi na ako. Naglalakad ako sa hallway ng may tumawag sa akin.

"Leigh!"

Napahinto ako sa paglalakad at nakita ko si lucas na tumatakbo papunta sa akin at may hawak hawak na pagkain.

"Uuwi ka na?" Hingal niyang sabi

"Oo"

"Hatid na kita"

"Hindi. Ok lang. Salamat nalang" sabay ngiti ko sa kanya. Tumango siya at Napakamot sa ulo habang tinitignan ang dalang pagkain.

"Uhm... Para sayo" nahihiya niyang sabi. Iniabot niya sa akin ang plastic na may lamang sandwich at juice "baka kasi.... Hindi ka na naman kumain ng lunch kanina"

Kumain naman ako pero biscuit at juice lang yun. Tama nga siya at gutom ako at nakakahiya naman kung tatanggihan ko ito.

"Uh, sige. Salamat" nahihiya kong sabi at kinuha ang plastic niyang dala. Lumapad ang ngiti niya.

"Uh, sige-"

"Naks naman si lucas oh! Kayo naba ni leigh?"

Napalingon kami ni lucas sa nagsalita. Mga kasamahan niya pala sa basketball.

"Huwag mo na silang pansinin" sabay sulyap niya sa mga kasama

"Swerte mo naman lucas! Ganda ni leigh"

At nagsitawanan sila. Ang ibang dumadaang mga estduyante ay nakatitig narin sa amin. Pansin ko rin ang mga babaeng matatalim ang titig sa akin. Kilala kasi si lucas dito and yeah, lots of girls like him.

Napakamot siya sa ulo saka ako binalingan "Sige leigh mauna ako" nagmamadali niyang sabi saka tumakbo sa mga kasamahan. I just smiled at him at umalis narin. Narinig ko pa ulit sila na tinukso si lucas.

Sinful DesiresWhere stories live. Discover now