Alas tres ng hapon kahapon noong huli kong namataan si Kiefer, walang makapag bigay ng iba pang detalye sa mga pulis tungkol sa pagkawala niya. Halos ang mga magulang niya rin ay wala ring alam sa pagkawala niya. "Wala namang nakakaaway ang anak ko, Sir!" Sigaw ng kaniyang ina sa mga pulis. "Misis, hindi po pwede ang ginagawa niyo. Pulis po ang mag iimbestiga sa pagkawala ng anak niyo." Utas ng pulis. Narinig ko ang paghikbi ni Aling Lolita, nanay ni Kiefer. "Aling Lolita, gagawa po ng paraan ang mga pulis para mahanap ho ang anak niyo." Halos mangiyak-ngiyak siya sa sinabi ko. "Sana nga." Saad niya. Halos mabingi ako sa sigaw ng mga kapit bahay namin. "Aling Lolita, si Kiefer nakita na!" Nagmadali kaming bumaba sa apartment na tinitirahan nila, kasama na ang mga pulis. Hindi ko maitago ang kaba na nararamdaman ko. Halos mapamura ako nang makita ko si Kiefer na nakahiga sa sahig ng C.R sa second floor. "Tangina! Anong nangyari dito?" Sigaw ng pulis. "Putangina nyo! Tumabi kayo!" Halos mapaatras kami sa sinabi ng pulis. Nagmadali silang tumawag ng ambulansya, nanghingi na rin sila ng tulong sa may hawak ng cctv upang malaman kung ano ang nangyari. Dinaluhan ko agad si Aling Lolita na ngayon ay humahagulgol na.
Matapos ang pangyayaring iyon ay napagpasyahan kong matulog muna. Pagbukas ko ng pinto sa apartment na tinitirahan ko ay biglang bumukas ang ilaw, pumasok ako sa loob nito at chineck kung may tao ba sa loob. "Putangina!" Napamura ako ng malakas nang biglang magsara ang pinto. "Putangina mo, Kiefer! Akala ko ba tapos na 'to?!" Sigaw ko. "Hindi pa, Klea." Namilog ang mata ko at hinarap si Kiefer. "Putangina, lubayan mo na ako!" Hindi ako makagalaw pero hindi ko natitikom ang bibig ko. "Anong nangyari? Patay ka na diba?!" Sigaw ko sa kaniya. Nanlamig ako nang bigla niya akong hinila. Tumatawa siya na parang demonyo, hindi ko alam. Hindi ako nakakaramdam ng takot sa kaniya. "Shit." Nagulantang ako sa nagsalita sa likod ni Kiefer. Gago! Si Kiefer ulit ang nakikita ko pero puno na ito ng dugo at humihingi ng tulong! Pinilit kong makatakbo sa dalawang tao na na nakapaligid sa akin ngunit hindi ako makagalaw. Naninigas ang paa ko sa kinatatayuan ko. "Sa tingin mo makakatakas kayo sa ginawa niyo, Klea?" Saad mg isa na nasa harapan ko. Tumingin ako sa mga paa ko at may kamay din dito na nakahawak. Putangina tatlong Kiefer ang nasa apartment ko! Kitang kita ko sa mukha nila ang iba't ibang ekspresyon. "Lubayan mo na ako!" Sigaw ko. Hindi siya natinag sa sigaw ko at umupo pa sa tabi ng sofa na nasa sala.
FLASH BACK
"Bitawan mo na ako, Kiefer!" Sigaw ko. "Hindi mo ako pwedeng iwanan, Klea! Dadalhin kita sa impyerno!" Sigaw ni Kiefer. Nakita kong kinasa niya ang baril na hawak niya, nasa kusina kami ngayon. "Pag pinatay kita ngayon, papatayin ko na din sarili ko." Wala sa sariling saad ni Kiefer habang hawak hawak pa rin ang braso ko. Tatakbo na sana ako nang bigla niyang mahawakan ang buhok ko na sinabayan ng pagtumba ko. "Tangina mo tatakas ka pa." Utas ni Kiefer, kinaladkad niya ako at dinala sa kwarto ko. Sinikmuraan niya ako at sinampal. "Walang hiya ka!" Narinig ko ang sigaw mula sa pintuan ng kwarto ko bago ko marinig ang pagputok ng baril. Si Aling Lolita! Nagulat ako nang tumama sa ulo ni Kiefer ang bala. "Aling Lolita!"Gulat kong tawag sa kaniya. "Dalhin natin siya mamayang gabi sa C.R ng second floor." Utas ni Aling Lolita bago umalis. Tangina!
END OF FLASH BACK
Continue-
"Tangina n'yong dalawa!" Sigaw ni Kiefer. "Hindi ko gusto 'yon Kiefer tangina ka!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Good bye Klea, mamatay na kayong dalawa!" Saad ni Aling Lolita bago niya ikasa ang baril at iputok ito sa akin.
