"No," she said firmly. "As I've said, maraming linisin. At hindi ka naman kailangan do'n. Ikaw ba ang magsasabit?"

Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay niya. "P-Please po."

Nagulat siya sa ginawa ko at agad na binawi an kamay sa akin. Pinahid niya iyon sa suot na damit na para bang ang dumi-dumi ko.

"God, Karsen! Can't you take a hint?! Sinabi nang ayoko nga! You don't have to touch me!" sigaw niya.

Hindi ako sumuko. Umiling-iling ako habang namumuo ang luha sa mga mata. "Please, Tita. M-Miss na miss ko na po sila."

She raised her eyebrows. "Kapag umalis ka, hinding-hindi ka na makakatapak sa pamamahay ko."

Gumuho ang natitirang pag-asa sa puso ko. She said it with full conviction. Lumampas siya sa akin at gaya ng nakasanayan, umakyat siya sa kwarto niya nang walang pasabi. Tumingin ako sa mga helper at kanya-kanya silang nag-iwas ng tingin sa akin. I felt helpless. Kahit si Manang Emy ay naiiling lang sa akin dahil alam niyang wala siyang magagawa.

Lumong-lumo akong umakyat sa kwarto ni Kobe at pagkapasok ko pa lang ay nagbagsakan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ko. I covered my face with my hands and cried. I looked forward to this day... we all looked forward for this to happen. Sabay-sabay kaming nangarap at napakasakit sa akin na hindi ko manlang makikita ang bunga ng paghihirap nila.

Maybe Tita Penelope wouldn't understand the value of presence. Na hindi mo kailangang may gawin para masabing naroon ka. Hindi niya maiintindihan kung saan ako nanggagaling dahil buo ang pamilya nila. Someone would always be there for her. Sa mga achievements at failures. Siguradong lagi siyang may kasama.

Unlike us.

Kami-kami lang ang magkakasama dahil wala kaming ibang aasahan.

Naninikip ang dibdib ko habang iniisip ang dalawang kaibigan na siguradong makikita ang mga kaklase at ka-batch kasama ang mga magulang nila. It would hurt for sure, regardless of how many times we disregarded it. Mula sa pagtatapos noong elementary hanggang senior high school ay kami ang magkakasamang kumain sa labas. I knew it wasn't enough, but that was the best we got. Ngayon lang ako hindi makakasama.

I was in the middle of crying when my phone rang. Dali-dali kong pinalis ang luha nang makitang si Kobe ang tumatawag. I cleared my throat countless times before answering the call.

"H-Hello?" my voice cracked.

"Are you okay?" agarang tanong niya.

I bit my lower lip and shook my head. Hindi niya ako kita kaya malakas ang loob kong gawin iyon.

"Oo naman," sagot ko habang pinipigilan ang muling pag-iyak. "Ba't ka napatawag?"

"You sure? Gusto mo umuwi ako?"

"H-Hindi na! Ayos lang ako, Kobe!" pinasaya ko ang boses para maniwala siya.

He sighed. "May lakad ka, 'di ba? Papupuntahin ko na si Kuya Enzo at ang dalawang bodyguards mo. Just give me a heads up."

"Hindi na kailangan, Kobe."

My heart breaks at that. Sa totoo lang ay puwede akong tumakas para makapunta roon, pero ayaw kong lalong galitin si Tita. Baka lalo siyang makapanakit. I'm scared of that. Kailangan ko pang kunin ang loob niya.

"What do you mean? You were so excited about this last night."

I swallowed hard to stop myself from crying. Ayokong mahalata niya na katatapos ko lang umiyak.

"S-Sumama ang pakiramdam ko," mahinang sagot ko.

"What? Are you okay? I'm going home, Dawn Karsen. Wait for me," dire-diretsong sabi niya.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon