"No soy tu enemigo."

"Whatever you say crazy old man! Pakawalan mo na ako dito! Ano bang kailangan niyo sa akin o sa pamilya namin? Babayaran naman nila mama yung utang ni uncle kaya pakawalan niyo na ako!" Nangingilabot na ako sa ngisi niya. Nagmumukha siyang version 2.0 ni Satanas na nakatago ang sungay at nagkatawang tao.

Wala naman akong maintindihan sa sinasabi niya. Nasa modernong panahon naman na ako 'di ba? Bakit kailangan mag- Kastila pa siya?

"Kahit pakawalan kita ngayon o hindi, makakatakas ka pa din naman. Hintayin mo na lang ang sundo mo. Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko."

"Adios."

Tignan mo 'yong siraulong matandang iyon, iniwan akong may alalahaning hindi ko naman maintindihan. Sino naman ang magliligtas sa akin dito aber? Ang hirap kausap kapag tumatanda ng paurong.

Sumasàkit na naman tuloy ang ulo ko dahil sa pinagsasabi ng matandang 'yon. Pinikit ko sandali ang mata ko para indahin ang pananakit ng ugat ng utak ko na hindi ko akalaing meron pala ako.

Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay unti-unti kong minulat ang mata ko. Tumambad sa harap ko ang kahoy na kisame na pininturahan ng varnish. Nilibot ang tingin sa paligid at nagulat ng mapagtantong nakahiga ako ngayon sa kama ko sa mansion ni Luci!

Anong nangyayari? Naguguluhan na ako. Panaginip lang ba na nakabalik na ako sa panahon ko? O nakabalik na nga ako kanina tapos muli akong bumalik sa panahong ito ngayon?

Palagi na lang sa tuwing pagpikit ko, pagmulat ko nasa ibang panahon na ako. Bawal na bang pumikit? Papa God pinaglalaruan ba ako ng mga sugo ni Satanas? Iligtas mo na po ako. Ayoko na ng ganito.

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok doon. Nang magbukas ay iniluwa niyon si Luci kasama si Augusta.

"Hoy señorita bumangon ka na riyan! Aba! Tanghali na. Huwag kang pa importante." Kumunot ang noo ko sa asta niya sa akin. Aga-aga ang sungit.

"Akin na po kayong tutulungan binibini. " Agap ni Au ng patayo na ako mula sa kama.

Hindi naman na nagsalita si Luci at lumabas na din.

Tinulungan ako ni Au sa pag-aayos kahit na sinabi kong kaya ko na pero ayaw papigil kaya hinayaan ko na lang.

BAGO magtanghali ay mamamalengke sina Manang Rosa at siyempre dahil wala naman akong gagawin sa mansion ni Luci ay pinilit ko na lang na pasamahin nila ako.

Ayaw nga nila akong isama nu'ng una dahil baka pagalitan daw sila ng Señor Luciano nila pero hindi ako nagpatinag kaya sa huli ay pumayag na rin sila basta raw hindi ako lalayo sa kanila.

"Ako na po magbibitbit niyan 'nang Rosa." Pagpupumilit ko kay 'nang Rosa na ako na ang magbitbit ng bayong na dala niya pero hindi niya ako pinapansin.

Kanina ko pa siya pinipilit na tulungan siya sa bayong na dala niya pero ayaw niya dahil kaya niya naman daw. Pero nu'ng kinuha ni Augusta yung isang bayong na dala niya binigay niya.

Alam ko namang ayaw lang nila akong mapagod at mahirapan sa pagbitbit pero nakakahiyang magbuhay Señorita dito lalo at hindi ko naman panahon 'to.

Naalala ko na naman yung tagpo kagabi. Panaginip lang ba na nakauwi ako sa panahon ko kagabi o totoo talaga iyon?

Yung matandang hukluban daw ang kumidnap sa akin tapos may mga katagang Kastila pa siyang sinabi na importante ko daw na malaman pero hindi ko naman maintindihan. Ang labo talaga ng matandang 'yon.

La PeleaWhere stories live. Discover now