Chapter 1

206 12 16
                                    

Chapter 1

BJ POV

Nakakainis! Ang hassle. I thought as I entered the Sto. Domingo Church. Minsan ang mga babae ang daming arte sa katawan at lahat na ata ng kaartehan, nakuha na ni Maar. Pangalan pa lang maarte na. Pwede namang Marlene na lang, ginawa pang Maarlene bagay tuloy sa MAARte. Ang isa pang nakakainis, pwede ko naman siyang sunduin sa bahay nila pero naisipan pang dito na lang daw kami magkita sa simbahan. At bakit ba kasi hindi siya nagsimba kaninang umaga? Tinaon pa talaga sa oras ng date namin. Ang hirap pang umeskor sa babaeng yun. Naku,kung di lang yun sexy, di ko yun pag titiisan.

“God bless you.” Napatingin ako bigla sa nagsalita at nakita ko ang isang madre sa harapan ko. Nakangiti.  Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi lang basta basta madre ang nakikita ko. Siya na ata ang pinakamagandang madre na nakaharap ko o baka pinakamagandang babae na nakaharap ko.

Pucha! Ngiti pa lang, nakakalambot na ng tuhod. Ano ang sinabi ni Maar sa madreng ito? Ang kinis ng mukha at mamula mula ang pisngi.  Ang pula pa ng labi na ang sarap papakin. Maliit, malibog este mabilog at expressive na mga mata sa ilalim ng mahahabang pilikmata at ang kilay na alam kung hindi inayos o inahit o nilagyan ng anumang kolorete pero perpekto pa din. Pinaglihi ata ang babaeng ito kay Virgin Mary dahil napakaamo ng mukha niya.

“God Bless you too, Sister.” Nauutal na sabi ko pagkatapos kong mahismasan sa kagandahang bumungad sa akin sa simbahan.

Lalong ngumiti ang madre at napanganga na naman ako dahil pati ata mga mata niya ngumiti. Tapos mahinhin na siyang naglakad palayo sa akin. Hindi maalis ang tingin ko sa papalayong madre at nabalot ang dibdib ko ng panghihinayang.

Tae, Sister! Bakit ka nagmadre?Mas bagay tayo!

Kasalanan ba talagang mang agaw ng madre?

I shook myself from a trance I am in at naghanap ako nang upuan malapit sa dulo at malapit lang sa entrance kasi baka hindi agad ako makita ni Maar.

Inip na inip na ako dahil malapit nang magsimula ang mass pero wala pa din si Maar pero nawala ang inis ko nung makita kong pumasok ulit ang magandang madre mula sa kabilang pinto at kung sinuswerte ka nga naman, umupo siya sa likuran ko.

Gusto kong batiin siya ulit pero nahiya ako. Baka sabihin niya minamanyak ko ang kabanalan niya kahit na yun na nga ang nangyayari.

Napahinga ako ng malalim nung lumuhod siya sa mismong likuran ko at nagsimulang magdasal. Ba’t ang bango ng madreng to?Ang sarap amuyin.

Sana tagalan pa ni Sister ang pagdadasal.

Ano kaya kung yayain ko siyang tumabi sa akin?

Gago ka BJ, madre yan, matutuo kang rumespeto. Bulyaw ng isang bahagi ng isip ko.

Medyo matagal magdasal si Sister.Ganun ata talaga ang mga madre, pinagdadasal ang lahat ng kasalanan ng mundo.Habang nagdadasal si Sister halos hindi na ako gumalaw dahil feel na feel ko ang pagkakalapit namin at inaamoy ang banayad niyang amoy na napakasarap sa ilong.

Sister, maghubad ka lang ng belo, ibibigay ko sa’yo ang mundo. Sabi ng demonyong bahagi isip ko.

“BJ” Napalingon ako bigla nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Maar suot ang maarteng mini skirt at tight fitting blouse.

Pucha, nakalimutan ko siya dahil kay Sister!

“Bakit dyan ka naupo, ang layo, dito tayo sa harapan.” Wala akong nagawa. Masama man ang loob ko, tumayo na ako at iniwan ang nagdadasal pa rin na si Sister.

Ipagdasal mo rin ang kaluluwa ko Sister, dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at itanan kita.

Julie Ann’s POV

I adjusted my veil and my habit before I entered Sto. Domingo  Church. Nagpatingin tingin ako sa paligid at nakita ko ang papasok na lalaki. Porma pa lang alam na mayaman siya. Sa klase ng damit na may logo ng green buwaya halatang bigatin na agad. Tsaka iba ang aura niya kahit na nga ba white polo at khaki pants tapos brown loafers lang ang suot niya. Tapos mukha wala pa siya sa sarili.

Dali dali akong naglakad papunta sa kanya at sadyang lumapit sa kanya. Hindi niya ako napansin. Mukhang pre occupied siya.

“God Bless You.” Ngumiti ako sa kanya at nakita ko siyang napatulala. I have that effect on men. Alam kong maganda ako. In fact, magandang maganda ako. Sabi nga ni Mama nung hindi pa siya namamatay, pinaglihi daw niya ako kay Virgin Mary kaya napakaamo ng mukha ko at kahawig ko ang image ni Virgin Mary.

I took advantage of the fact that I am beautiful. Bata pa lang alam ko nang nakakalamang na ako sa karamihang mga babae. Ang mga classmates ko, babae man o lalaki nahihirapang tumanggi sa akin. Kahit sa sakayan, iba ang treatment sa akin. Sa MRT, kung yung ibang babae ay hinahayaang tumayo, ako, palaging may nag ooffer ng upuan sa akin.

Madami ang nagsabi na dapat naging artista  ako dahil sisikat daw ako pero bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko, bakit ako magpupuyat sa shooting at magmemeorize ng sangkatutak na script kung may ibang way naman para kumita ako ng malaki pero hindi ako mahihirapan.

“God Bless You too Sister” Nautal na sabi ng poging lalaki. Okay, I must admit that he is good looking. Iilang lalaki lang ang masasabi kong pogi dahil  masyado akong choosy pero ang lalaking ito, pogi talaga. Mestiso, matangos ang ilong, matangkad, singkit ang mga mata tapos ang kinis ng kutis. May lahing intsik ata kung hindi man purong intsik.

Lalo akong ngumiti at lalo siyang natulala. Umalis na ako sa harapan niya at iniwan siyang parang tangang nakatayo sa entrance ng simbahan.

Saglit kong kinalimutan ang lalaki at tumingin tingin sa paligid tapos lumabas ulit ng simbahan. Mamaya na ulit ako papasok.

Sumilip ako sa simbahan at nakita kong umupo si pogi sa dulong bahagi. Napangiti ako. Naghintay ako sandali tapos umikot at pumasok sa kabilang entrance malapit kay pogi.

Sinadya kong maupo sa likuran niya at lumuhod na ako. I felt him stiffen when I kneel at ramdam ko din ang pagbuntong hininga niya. Napangiti ako ng lihim.

I started chanting while my hand is starting to do its own trick. Dahan dahan kong sinusungkit ang wallet ng lalaki na nasa likod ng pants niya.

It was an easy job, wala pang 2 minutes nasa akin na ang wallet ni pogi at hindi man lang niya naramdaman. Mas lalong lumaki ang ngisi ko lalo nanung maramdaman ko ang kapal ng wallet habang itinataago ko sa loob ng damit ko. Nakatsamba ata ako. 

I continued kneeling and chanting para hindi mahalata ni pogi.

“BJ.” Narinig kong may tumawag.

“Bakit dyan ka naupo, ang layo, dito tayo sa harapan.” Hindi ko sana papansinin ang tumawag kong hindi ko narinig ang buntonghininga ng lalaki at ang pagtayo niya tapos umalis na siya.

Pagkaalis niya, I prayed ardently,

“Lord, sana marami ang laman ng wallet ni pogi. Thank you for the blessing.”

Dreams Series 4: Sister FactsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon