"Oo na." alam ko kaseng hindi to titigil hangga't hindi ako papayag eh.

"Okay, dokie. Laters, baby! 8pm" sabi niya pa at kumindat.

"Lumabas ka na nga dito!"

"Oo na, suplado!" at lumabas na sya.

Si Gail Esconia, kapatid ng kaibigan ko. Spoiled brat kaya ganun. Fiance ni Harry Gamboa, yung bestfriend ko na namamahala ng Gamboa Hotels at nagtuturo saken ng Business Management. Lagi niyang sinasabing fiance ko sya para walang babaeng maka-lapit sa akin. Pero, wala naman daw syang gusto sakin, nirereserve nya lang daw ako. Tss!

I looked at my wall clock. 4pm pa. I grabbed my suit at lumabas na ng opisina.

"Pwede ka nang umuwi." i told my secretary.

"Ha? O-okay po sir."

I drove papunta sa condo ko para makapag-luto kasi kumakalam na talaga ang sikmura ko. Yes, marunong akong magluto.

Pagdating ko sa unit ko, dali-dali akong nagbihis ng boxer shorts and only boxer shorts. Pumunta ako sa kusina at sinuot ang apron ko. Hinanda ko yung ingredients ng lulutuin kong minestrone at tuna sandwich. I started cooking ng biglang tumunog ang phone ko.

1 message received

From: Gail

Hoy! 6pm na! Wag kang male-late! Mag-trunks ka!

To: Gail

Kakain lang ako. Hindi pa ako nagla-lunch. Oo naman, alangan naman na mag-formal attire ako sa Cocktail Party mo!

Nilapag ko yung phone ko at kumain na. Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na yung pinag-kainan ko. Oo, laking mayaman ako pero marunong akong gumawa ng household chores.

Naligo ako at naghanda ng plain white shirt at swimming trunks na sinapawan ng cargo shorts lang ang suot ko. I grabbed my keys and phone at umalis na. Chineck ko yung oras. 7:00pm na. Sakto, isang oras na biyahe yung villa nila mula dito sa condo ko.

Roxanne's POV

Malapit na ako sa Villa nila Gail. 40 minutes travel lang kase yung villa nila mula sa villa namin eh. Medyo late na rin ako. Pagdating namin sa Villa Esconia, bumaba na agad ako.

"Sige manong, tawagan nalang kita kung magpapa-sundo na ako." sabi ko sa driver ko pagkatapos niyang buksan ang pinto ng kotse.

"Sige po, ma'am."

Naririnig ko mula dito sa parking area nila ang malakas na tugtog. Bigla akong kinabahan. Hindi yata appropriate 'tong suot ko. Hindi naman siguro fine dining to base sa tugtog nila. Tinext ko si Gail bago ako pumasok.

To: Gail

Nandito ako sa parking lot.

Ilang sandali pa, nagreply na sya.

From: Gail

Pumasok ka na, gaga!

To: Gail

Ayoko. Come here!

Ilang sandali pa, nakita ko na si Gail na papalapit. Naka-bikini top, shorts at cover-up. Bigla akong nahiya sa suot ko. Kung bakit ba naman kase hindi niya sinabi na pool party pala ang magaganap!

"Wow! You look so stunning but inappropriate." sabay halakhak. "Nagkulot ka pa!" she laughed again. Binatukan ko nga. "Aray ko naman!"

"Eh bakit ba hindi mo sinabing pool party pala to! Akala ko fine-dining eh!"

"Eh, bakit kase hindi mo sinasagot yung tawag ko kanina, ayan tuloy!" she laughed again.

"Uuwi nalang ako." sabi ko at akmang aalis.

"Hep! Halika nga! Sa kwarto ko tayo!" she grabbed my wrist at tumakbo.

Muntik pa akong matumba dahil sa heels na suot ko. Pagdating namin sa kwarto nya, naghalungkat sya ng mga gamit niya. Kumuha siya ng isang pair ng black bikini na naka-balot, red flipflops, white cover up at binigay saken.

"O, hindi ko pa nagagamit yang bikini. Buti nalang at may extra ako."

"Wala ka bang one-piece dyan?"

"Are you kidding me? Ano ka? Grade schooler na nagpa-practice sa swimming class?" she rolled her eyes. "Magpalit ka na dun, bilis!"

"O-okay.." pumasok na ako sa walk-in closet nya. Hinubad ko yung dress pati underwear ko at nagpalit na ako. Pumasok rin ako sa powder room na kadugtong ng walk in closet nya at tinanggal ang makapal kong make-up. Pinunasan ko ang mukha ko at naglagay ng manipis na lip tint na nakita ko sa powder room niya. Tinali ko yung buhok ko into a messy bun para hindi magulo yung kulot ko.

Tinawag ko sya pagka-labas ko pero iniwan na yata ako ng gaga kaya lumabas na rin ako ng kwarto niya pababa sa pool area.

Nasa may sala palang ako pero amoy na amoy ko na ang barbeque kaya nagmadali ako sa paglalakad. Nagutom tuloy ako. Paliko na ako sa back door nila nang may napansin akong lalaking naka-talikod na naka-cargo shorts at plain v-neck shirt na naka-tayo sa gilid ng bar counter ng kusina. Kahit medyo balot yung katawan nya, bakat parin ang kakisigan ng mga braso at likuran niya. Parang may kausap yata siya sa cellphone niya kaya naglakad nalang ulit ako. Akmang lalabas na ako nang makita ko si Kuya Angelo, kuya ni Gail.

"Uy, Roxanne! Nandun na si Gail sa pool area. Hinihintay ka."

"Oo nga kuya eh, iniwan niya ako dun sa kwarto niya."

"Hindi ka na nasanay." he laughed.

"O sige kuya, ma-una na ako."

"O, sige. Punta kana dun." tumingin sya sa likuran ko sabay ngiti. Lilingon na sana ako nang bigla niyang tawagin ang nilalang na nasa likuran ko. "Christopher Zamora?!" nanigas ako sa kinatatayuan ko.

--------

Nag-UD na ako kahit hindi pa nakaka-abot ng 10 votes yung previous chapter. :D Baka kase, hindi ako makapag-UD this weekend eh.

Did you liked the update? Vote and comment naman po! And hindi mag vote and comment, iitim ang kili-kili. Hahaha. :D

15 votes and 300 reads for the next chapter. :>

Married to a Sex Addict (On-going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora