Napakunot ako ng noo nang mapagtanto ang iniisip ko saka mabilis na pinihit ang ulo pabalik sa harap.

 Bakit ko ba siya.. I mean, bakit ko ba sila inaalala! They're not even my business!

Wala sa loob na binuklat ko ang libro ko.Makapag-aral na nga lang.

Pagkaraan ng ilang sandali pa ay nakarinig na naman ako ng malalakas na bulungan sa paligid, katulad dati ay maririnig na naman ang pigil na tilian ng mga babae.Nang iniangat ko ang paningin ko sa harap ay nakita ko ang pagpasok ni Lark at ang dalawa nitong kasama sa loob ng room, mabilis na nagsialisan sa dadaanan nila ang mga estudyante na para bang dumaan ang hari at takot silang maparusahan. Bumalot ang panlalaking pabango nila sa buong classroom kaya mas lalong kinilig ang mga babae sa loob, kahit ang ibang taga-section nakasilip pa sa bintana msilayan lang sila, o si Lark? Tahimik na dumaretso sila sa kanilang upuan at umupo. Mga late na naman siguro ang mga walanghiya.

Ibinalik ko ang paningin ko sa harap.Sandali akong natulala sa hangin. Para kasing may mali sa pakiramdam ko.

Bumibilis ang tibok ng puso ko eh hindi naman ako nag-marathon. Bakit pakiramdam ko ang saya ko at excited eh hanggang ngayon naman hindi pa nadadagdagan ni tatay ang baon ko?

Ah, baka excited lang siguro akong makita si Mrs.Silva. Hayaan na nga.

Muli ko na lang itinuon ang diwa ko sa pagbabasa.

May-maya pa ay nagtatakbuhan na sa pagpasok ang mga kaklase na para bang mga kabayo, ang apat na alien halos lumipad na papunta sa upuan nila na para bang hinahabol ng matandang multo.Isa lang ang ibig sabihin n’on, parating na si Mrs.Silva- ang matandang adviser namin na guro rin namin sa Filipino. Tumayo kaming lahat ‘pag pasok niya para bumati.

“Magandang umaga.Umupo na kayo.” seryosong saad ng matanda at tahimik na nagsi-upo na kami. Katulad ng ginagawa niya minsan ay umalis siya sa table niya sa harap at naglibot sa buong classroom habang masusing tinitingnan ang bawat sulok at sahig ng silid.Kunot-noong bumalik siya sa unahan. Halos mapalundag kaming lahat sa gulat nang malakas na pinukpok niya ang table.

Problema nito?

“Sino ang cleaners sa araw na ‘to? Tumayo nga ang leader!”    galit at maawtoridad na usal niya.

“Ma’am absent po si Charry.” sagot ng ilan.

“So kapag walang leader, wala na ring maglilinis gan’on ba? Napaka-kalat ng classroom,ang alikabok ng mga ibabaw, hindi pa maayos ang mga upuan! May bagyo bang dumaan dito? Hala,tumayo kayong lahat at mag-ge-general cleaning tayong lahat. Cleaners o hindi, maglilinis! Ang ayoko sa lahat ay ang makalat, naturingan pa naman kayong section A napakadumi ng classroom niyo! Tumayo kayo!”  sermon nito at mabilis na nagsitayuan ang lahat.

Grabe,buena manong sermon na naman kay aga-aga.

“Kapag minamalas ka naman talaga oh. Buong period na naman tayong paglilinisin, mangangamoy floorwax na naman ako nito.Kadiri.” pabulong na reklamo ni Nomer.

When Lesbian Meets the GangsterWhere stories live. Discover now