CHAPTER 37: HIS ATTRACTIVE OFFER

Start from the beginning
                                    

"I'm counting you, pag hindi mo pa gawin ang inuutos ko pupuntahan na kita diyan. Sinasabi ko na sayo, hindi kita titigilan." banta nito.

"Oo na! Ganito ba!" sabi niya sabay pilit ang ngiti ng malapad at pinalaki ang mga mata niya.

"Damn! It's not like that! You scared the hell out on me!" Aries shouted from the line.

Malamang naka zoom-in ang mukha niya sa screen doon.

Dahil sa sinabi nito wala sa sariling tumawa siya!

Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan sa hindi mapigilang halakhak niya habang hawak naman niya sa isang kamay ang kanyang cellphone.

Parang nai-imagine pa niya ang takot na mukha ni Aries!

Nagtataka din siya sa kanyang sarili kung bakit napatawa siya nang ganun!

Nang hindi na niya marinig ang boses ni Aries ay natigil na siya sa pagtawa.

"Hello!?" sabi niya nang hindi na ito sumasagot ibinaba na lang niya ang cellphone. Malamang may pumasok sa opisina nito.
Nakakainis siya! Para siya nitong tinatratong bata lahat nalang ng pinag-uutos nito ang gusto nito laging nasusunod!" she gritted her teeth.

Dahil sa inis kinuha niya ang unan sa couch at binato niya ang CCTV camera! Sapol iyon!

Napangiti siya nang matamaan iyon parang nawala ang lahat ng inis niya at parang si Aries ang tinamaan niya.

Kibit ang balikat na tinungo niya ulit ang kusina at muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

Pagkatapos magluto inilagay na niya sa lunch box ang ang mga niluto niya. Dadalhin niya iyon sa opisina ng asawa. Nilinis muna niya ang kalat sa kusina.

Pagkatapos niyon muli siyang nagpalit ng damit. She was wearing a sleeveless jumpsuit na hapit na hapit iyon sa kanyang mahubog na katawan at may slit sa bawat gilid niyon at kulay naby blue. Ibinigay pa iyon ng magkapatid na Tasha at Chloe.

Naglagay din siya ng light make up. Naalala niya sina Tasha at Chloe sila ang nagturo sa kanya na gumamit ng make up at madali naman niyang natutunan.

Tinignan niya ang sarili sa salamin.

Weird bakit ba siya nawo-worried sa ayos niya.?

Inayos niya ang mahabang buhok tinarintas niya ang dalawang magkabilang bahagi ng buhok.

Seriously? Nagpapaganda ba siya?

Nang magsawa na siya sa sarili sa salamin lumabas na din siya ng silid na inakupa niya.

Naalala ulit niya nung isang araw na naligo siya sa pool at hindi niya alam na may nakakabit din palang CCTV doon!

Saka nalang niya nalaman nang pinuri siya ni Aries pagkauwi niya sa condo galing trabaho na maganda daw ang katawan niya!

Paano naman kasi nakasuot siya ng bikini na binigay sa kanya ng dalawang magkapatid na sina Tasha at Chloe! Kaya mas lalo daw itong ginanahan sa trabaho!

He wss really a pervert!
Lumabas na siya ng condo at tinungo ang elevator.

When she reached the ground floor he opened the umbrella dahil umaambon. Her husband office was just a three-minute walk away.

The Cruel Billionaire's Marriage Contract(COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara