Yung mga panahong, magkaagaw kami sa atensyon ni Nenet, ang bestfriend ko. Kung iisipin tuloy, parang tama nga ang sinasabi ng iba na history repeat itself. Ngayon naman, si Ken ay parang si Nenet. Una kaming naging magkaibigan ni Nenet, tulad ni Ken, pero nagselos si Ate Moon at pilit na kinuha mula sa akin si Nenet, si Ken. Parang pareho lang yung nangyari at pareho nagsisi si Ate sa ginawa niya.




She's still my sister and no one can change that, anuman ang mangyari.









Kaya pala. Kaya pala nagtataka si Nathan na nagkaroon pa ng kapatid si Kevin. 




Brent and Kevin are one person dahil ang tunay niyang pangalan ay Brent Kevin Castillo. I saw Tita Connie and Tito Frank's photos sa unit ni Bettina. 




Biyang........remember Mom's friend?.......is Beatrice Connie Castillo. What a really small world.




Grabe, di ko man lang inalam ang tungkol sa family background niya. Basta sumama na lang ako sa kanya dahil sa takot at sa comfort na binibigay niya sa tuwing inaassure niya ang security ko noon. 






Hindi ko or namin pa nakakausap sina Tita Connie kung bakit nila ginawa yun? Bakit nila kinuha ang ate ko at di man lang sinabi sa amin na nasa kanila lang pala? 




Ilang taong naghinagpis kami, lalo na si Mama, sa pag-aakalang nawala na nang tuluyan si Ate. Ilang taon ko na ring sinisisi ang sarili ko sa pagkawala niya.











Kevin. Kevs. 




I hope I could bring back the memories that we had before. Ikaw ang nauna kong naging close friend bago pa man dumating si Nenet pero anong nangyari sa atin? 

Filming LoveWhere stories live. Discover now