"Sir yan po ba ang anak niyo?" sabay turo ng security officer sa isang batang nakafloral dress sa monitor. Hindi ako magkakamali, si Dani yun kasi ako mismo ang bumili nung dress na yun para sa kanya.





"Siya nga. Siya yung anak ko. May CCTV po ba kayo sa area after niyan?" nakita ko kasing papalabas siya hawak hawak ng isang di pa namin matukoy kung babae o lalaki dahil nakacap ito at hoodie.





"Ayun lang po Sir. Palabas na po yan sa parking eh. Sira po yung CCTV namin po sa area niyan. Ang next po na pwede nating matingnan yung nasa labas na po talaga ng ospital, sa may kalsada"





"Sige SIr pwede ba natin icheck? Baka sakaling makita natin kung may lumabas na sasakyan"










Fast forward to the 9:05 pm timestamp. "There! May lumabas na sasakyan. Kulay puti" bulalas ko sabay turo sa sasakyang nakita namin sa CCTV. Tinantsa lang namin yung oras dahil hindi namin masundan kung ano talaga exactly yung oras, basta malapit sa 8:30 pm na nasa huling kuha ng CCTV sa loob pa ng ospital.





"Sir ang problema, hindi po makita yung plate number. Pero parang H nagsisimula po yata"





Kahit ilang ulit na iplay at replay ang ginawa namin sa CCTV footage ay hindi namin talaga maaninag ang plate number. Tinry ding izoom ng security officer pero lalong lumabo ang itsura. Hindi talaga mabasa.





"Sir pwede na kaya ito maireport sa police?" tanong ko sa officer. 





"Yes naman Sir pwede na po ngayon kahit di pa 24 hours nawawala tsaka may ebidensya naman na talagang may kumuha sa anak po ninyo. Pwede pong ipablotter ito Sir. Kami na po bahala sa report since sa ospital po namin nangyari"

Filming LoveWhere stories live. Discover now