KABANATA II

55 3 0
                                        

Ang aga kong nakatulog kagabi.. dahil sa sobrang pagod..

madaling araw pa. naisip kong maginat inat muna dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko. Pag inat ko biglang...

Bogggsshh* (Sfx lol) biglang may lumabas na kuryente sa kamay ko at nasira ko ang bintana. "Tang ina!!!! ano yun?!? ahhh.. haaaa." pahingal hingal ko, tama pala.. may kapangyarihan ako?!? wow? sumpa ba to?? bat di ko macontrol??! sa isip ko.. nakarinig ako ng may pupunta sa kwarto ko at nag panic ako..

"Ano yan?!?!!! anong nangyari?!" si lola pala nagising sa ingay. "Anong nangyayari sa kamay mo??" tanong ulit ni lola.

"huh? anong-- ?" napatingin ako sa kamay ko. Sht may kuryente ang kamay ko pero parang wala akong nararamdaman.. "astig" bulong ko.

"Tanggalin mo na yan at baka maka tama ka at mapatay mo talaga ako!!" Galit na sabi ni lola

Huminga ako ng malalim, inisip ko na sana mawala na at biglang nawala yung kuryente sa kamay ko. wow!!! ang tindi!!!

---

kumakain na kami ng almusal ni lola...
tinapay at kape lamang. pero mainit na chocolate ang akin.

"Ang mga batang katulad mo ay hindi normal para sa mundong ito" biglang sabi ni lola. Halata naman eh sino bang normal na bata na kayang magpalabas ng kidlat sa kamay.isip ko."Ang papa mo, si Zero ay isang Lightning beast. Ang Mama mo, si Arissa naman ay isang Lightning goddess. Ang pagiibigan nila ay nag simula sa arcane academy. Lahat ng batang sa mundong kinabibilangan natin ay kailangang mag aral sa arcane academy pagtungtong nya ng 17 para mahasa nya ang kapangyarihan na taglay at hindi maglikha sa kanya ng kapahamakan. Naalala mo yung Kartero na laging pumupunta dito at naghahatid ng sulat taon taon?" Tumango lang ako bilang sagot. "Taga Arcana ang karterong yun, ang Arcana ang tawag sa mundo na kinabibilangan natin. Ang Arcana ay binubuo ng 14 palasyo ng 7 elemento. 7 lamang dahil dalawang palasyo ng magkakaibang pinuno bawat elemento eto ang Gods and Beasts."

"Ehh bakit 10 years ng naghahatid ng sulat ang kartero dito kung 17 naman pala ang edad na kailangang magaral sa arcane academy?" sa lahat ng pwedeng itanong yun pa talaga naisip ko xD.

"Messenger ko yun, siya ang naghahatid ng informasyon sakin tungkol sa mga kaganapan sa Arcana. Kailangan ko ng messenger dahil naiwan ko ang palasyo ko para bantayan ka dito, pero napansin mo naman na lagi akong umaalis diba? yun ay dahil bumabalik ako sa kaharian ko para di magtaka ang tao kung bakit ako nawawala. Nandoon naman ang lolo mo kaya may namumuno parin"

"Huh? kaharian? may lolo ako? bat di niyo nalang ako isama doon? bat kailangan niyo pa akong itago dito?" ang rami kong tanong kay lola.

"Maabutan tayo ng 2 araw kung ikwekwento ko pa at diba ngayon ka papasok sa arcane academy? hayaan mo pag nandoon kana. pupuntahan kita at ikwekwento ko sayo ang lahat"

Kumain nalang ako di ko parin magets. samantalang si Lola naman ay pumunta sa kwarto nya at may kinukuha..

"Eto apo, isuot mo to.." inabot sakin ni lola ang isang astig na bracelet..

"Bigay yan sayo ng magulang mo. siguro dahil papasok kana sa arcane academy kakailanganin mo yan. magsisilbi yang armas mo." sabi ni lola

Mageempake pa pala ako. pumunta ako sa kwarto at inayos ang bag na paglalagyan ko ng damit. pero pinigilan ako ni lola

"Wag mo na dalhin ang mga damit mo at babalik narin ako sa palasyo ko at pag nasa arcane academy kana papadalhan kita ng mga damit at lahat ng kakailanganin mo"

wow parang bumait si lola.. sa isip ko.

"sige na, pumunta kana malapit doon sa balon dahil ipapasundo na kita"

Umalis na ako ng bahay. na naka pantalon na grey at puting t shirt..at sandals.. ayos na siguro to.

Paano kaya ako ipapasundo ni lola? haha ano kayang susundo sakin. ano kayang itsura ng arcane academy.totoo ba talaga to?.. ang rami paring tanong sa isip ko. haaaay

--

Halos 20 minutes na akong naghihintay dito...

"Tagal" bulong ko. napayuko nalang ako. pero pag yuko ko nakakita ako ng gulong. Ok... at parang kabute bigla nalang sumulpot ang isang puting kotse sa harapan ko. Ang astig ng kotse grabe di pangkaraniwan. May lumabas na isang lalakeng na masyadong pormal. parang pang military ang suot nya naka itim yung coat na pang military basta para syang military sa tingin ko. Lumapit sa akin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Pasok napo master.." sabi niya.

Master? ako?? astig ahh!!!!

"Ahh sige salamat ho.." at pumasok ako. Sa loob ng sasakyan ay may dalawa pang mga kaedad ko. isang babae at isang lalake. napaka pormal nila parang pinaghandaan talaga nila.. naka longsleeve yung isa yung isa naman naka dress.. Mukhang mayayaman. biglang nagsalita yung babae..

"Ano yang suot mo?" ako ba tinatanong nya? pero mukhang ako nga kasi sakin siya nakatin.

"Damit.." sabi ko.

"No, I mean bat ganyan suot mo? tsaka ang buhok mo, di ba uso ang gupit sa inyo" dagdag nya pa .

di ko nalang sya sinagot. lakas mambasag ng trip. pagtapos yung lalake nanaman ang nag salita.

"Baguhan ka siguro no?" tanong nung lalake.

"Oo, ngayon ko lang nalaman kung sino ako."

at tumawa sila at nag salita ulit "Bakit Sino ka ba??" tanong nung babae.. "Sino bang mga magulang mo?" tanong nung lalake habang tumatawa parin sila.

Aba gago to ah! lakas ng trip. pakelam nila kung sino ako..

V O L T A I R EWhere stories live. Discover now