Siya ang unang bumitaw sa shake hands at pabagsak iyon! Nakakaloka 'tong babaeng 'to eh mas maputi at maganda pa nga kamay ko sakanya eh hmp!

Lumunok ang ng dalawang beses bago magsalita "Xagi.. y-you don't need to introduce y-your name. Of course, I will not forget your name" nagpilit ako ng ngiti

Tinaasan niya lang ako ng kilay saka siya sumandal sa upuan at pumikit "Galing pa ako ng Japan, marami akong inasikaso doon at tinulungan ko pa ang kapatid ko sa Task niya roon. Right after lumapag ang eroplano ay pinaderitso agad ako dito ni Adda because of this, nagpumilit eh edi sige nalang. Wala pa akong tulog...."

I interrupted her "I'm sorry Xagi. Yun lang ang masasabi ko sayo. Sorry... sorry kung nagmatigas ako sayo, sainyo. Hindi sana umabot sa ganito.. B-but I really want our friendship back. Sadness might kill me if I lost the both of you... I'm sorry Xagi.. Adda" naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko kasabay ng pagyakap sakin ni Adda

"Aw! I'm sorry too Niko! Tahan na" nakayuko lang akong tumango at lumuha

I feel na nababawasan na ang sadness at bigat sa kalooban na nararamdaman ko. Nakakaginhawa na ako.

Tiningnan ko uli si Xagi na nasa harapan ko. Nakatingin lang siya sa akin at bahagyang nakangiwi. Si Adda ay nakayakap sa side ko at humahaplos sa likod ko dahil ang kaninang lumuluha ay matutunugan ang mga hikbi ko.

Nagkatitigan kami ni Xagi at kahit nakikita niya ang mga lumalandas na mga luha ko ay I don't care! As long as I'm sincere when I'm saying sorry!

"Sorry Xagi..." mahinang sambit ko habang nakatingin sa kanyang mga mata

Nagi-guilty rin ako, sabi niya wala pa siyang tulog tapos dahil sa kadramahan ko yan tuloy imbes na magpahinga ay dumito pa.

Lumamlam ang kanyang mga mata "I'm tired" mariin itong pumikit at saka tumayo

Napayuko ako agad dahil sa guilty. She's tired of course! Ikaw ba naman walang tulog! Edi mukha kang zombie! Akala ko ay aalis siya ng unit pero naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko.

"Wala na ang away-away na yon! Bati na tayo" mahinang sabi niya nakangiti na siya kaya napatingin ako sakanya.

Natouch naman ang heart ko doon sa sinabi niya. I feel like my heart is smiling when I heard those words. Tumigil rin kakahaplos si Adda. Muli ay lalo akong napaluha dahil bati na kami ng mga bessywappies ko! Sa wakas huhu Thanks Lord!

Para namang napaso ako nung hinaplos niya ang pisnge ko at marahang pinahid ang luha sa mukha ko "Tahan na..." malambing na aniya na nagdulot sa akin ng hindi ko mapangalanang naramdaman!

My gosh! My heart is beating so fast than what's usually normal beat! And that's because of what she did! Nagsisimula na ring manginig ang kamay ko!

Napayuko ako dahil sa nasa-isip ko "Adda kuha mo muna siya ng tubig" Nakangiting tumango si Adda sa sinabi ni Xagi

Nakababa pa rin ako ng tingin ng magsalita siya "Look at me" hindi ako sumunod, talaga namang kinakabahan ako "I said look at me Nikolas Brent" muli nitong aniya kaya dagli akong napatingin deritso sa mga mata nito.

She smiled at me then she cupped my face "Hush Nikolas Brent. You're a cry baby as always" napalunok ako sa sinabi nito "I'm sorry too okay? Bati na tay–"

Hindi ko napigilan ang sarili kong mabilis akong yumakap sa kanya at may kusang isang butil ng luha ang lumabas sa aking mata na tumulo sa kanyang balikat "Thank you, Xagi.."

Yumakap rin siya pabalik "Salamat din sa pagbaba ng pride haha"

"Oy Group Hug dapat!" sigaw ni Adda saka lumapit sa amin at yumakap

Pagkatapos ay pinainom ako ng tubig ng dalawa at nagkwentuhan kami sa mga nag daang araw na pinapalamig ang mga ulo namin. Ngunit napunto iyon sa pagbabalik tanaw ng kabataan namin.

"Natatandaan mo Xagi nung kabataan natin haha! nagkasundo kayo ni Nik" natatawang aniya Adda

"Ang alin ba" sabay namin sabi ni Xagi kaya nagkatinginan kami, tumawa lang siya

"Diba kasi alam mo naman itong si Nik simula't sapol ay pusong babae, pero gusto ng pamilya niya na mag asawa siya diba?"

Nangunot ang noo ko "Oh tapos?"

"Diba kasi sa pagkakatanda ko ay napagkasunduan niyong kapag hindi pa kayo nakapag asawa bago lumagpas ang mga edad niyo sa kalendaryo at kayo nalang mag aasawa" tumawa siya ng malakas, may paghawak pa sa tiyan "diba???? edi pano yan? malapit na lumagpas si Xagi" halos maiyak na siya kakatawa habang tinanong iyon

Tumawa naman ng pagak si Xagi "Hell, I didn't notice next month ay 28 na pala ako"

Ako man ay tumawa ng peke, hindi alam kung ano ang sasabihin.

Bakit ba naman kasi ni Adda naaalala pa iyon, eh ang bata bata pa namin nun  'no! duh! At saka kinalimutan ko na nga iyon eh! hmmp!

"Hayaan niyo after my birth month maghahanap na ako mapapangasawa" nakataas noong sabi ni Xagi

"Next next month?" napalakas ang tanong kong iyon

Nangunot ang noo nila "Oo bakit may problema ka?" nakataas ang kilay ni Xagi ng tanungin niya iyon saakin

Napapahiyang nagsalita ako "Wala naman bessywap! Huwag ka mag aalala hindi ko aagawin ang papi mo!" pilit masayang sabi ko

Ngumisi siya "Huwag talaga dahil pag ginawa mo yan, magulat ka ikaw ang asawahin ko bigla haha" at tuluyang humalakhak

At dahil sa sinabi niyang iyon hindi ko nagawang itago ang panlalaki ng mata. Nagdulot din iyon saakin ng kaba.

Lintik na shunganga ng bessywappy ko na ito eh! Hindi na normal ang kaba ko sakanya huhu ew naman kung naapektuhan ako dun sa sinabi niya! As in YUCK!

Matagal bago ako nakasagot "Yuck Xagi! ugh! please watch your words! I don't like it!" masama ang tingin ko sakanya

At ang gaga at tumawa lang at nakipag apiran pa kay Adda na tumatawa rin. Trip talaga nila akong asarin grrr

Napairap ako at talaga pinakita ko talaga sakanila iyon.

Natapos ang pag uusap namin iyon, at umuwi na sila, ako naman ay umuwi rin sa bahay dahil sa biglaang pag uwi ng mommy at daddy.

"I'm home" masaya kong salubong sakanila nung nakita ko silang kompleto sa living room

Nilingon naman nila ako "Brent! My dear how are you?" sinalubong ako ni mommy ng yakap

Yinakap ko siya pabalik "I'm still fabulous, mom! how about you?" nakangiting tanong ko

"Can't you see her glowing and blooming face? Isn't obvious anak?" nakakalokong tanong ni dad saakin

Bumaling ako sakanya at pinasadahan ko silang dalawa ng tingin. Well, my mom is really beautiful. Of course sakanya ako nagmana eh! As well as my dad, he looks so handsome! so majestic.

Lalo ata silang gumaganda at gumagwapo pag nagbabaksyon ah? what are they doing?

Napaasim kilig ako sa isipang iyon "Whateva!" i rolled my eyes at tumawa lang sila

"I miss you, mga anak" nakangiting wika ni mommy kaya napayakap kami ulit dito

"We both miss you too" sabay namin sabing magkakapatid saka nauwi ito sa group hug

Ahh i love this family.

Safe PlaceWhere stories live. Discover now