"Ano ba yan! Nakakaloka itey mga inggiterang friends!" sinabunutan ko ang aking hair pero agad kong inayos iyon "Pero kasi sila lang iyong super friendliness ko, iyong mga true friends tas mawawala pa?! Huhu! bakit naman kasi sila ganon sa akin! You betrayed me Bessywappies! Huhuhuhu" paghihinanakit ko dito habang nakaupo sa bato at nakaharap sa karagatan

Naramdaman kong nagvibrate ang bulsa ko kaya kinapa ko iyon at iyon ay ang aking cellphone hudyat na may tumatawag "Sino naman itetch panira ng moment koh mygasp aishhh!" kinuha ko iyon at tiningnan ang Caller

Tumaas ang kilay ko pagtingin ko sa Caller na iyon "Ano naman kayang tinawag tawag nitong babaitang 'to?!"

Pero sa kabila ng sama ng loob ko sakanila ay sinagot ko ang tawag. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, wala kasing nagsasalita ng ilang minuto kaya ako na. "Yes what do you need?" mataray na tanong ko

Narinig ko naman ang pag tikhim sa kabilang linya "Nikolas... Niks balik kana dito. Namimiss kana namin. Sige na pag-uusapan natin yung away at hindi kana namin aawayin. Sorry na Niks..." mahinahon at nakikiusap ang tinig ni Zeladda

"Psh! buti ka pa nagsosorry eh kumusta naman ang isa diyan. Mas matayog pa sakin ang pride!" matigas ang pagkakasabi ko non dahil sa sama ng loob

Buti pa si Zeladda okay na kami, I mean hindi naman totally pero at least binaba niya na ang pride niya sa akin at humingi ng tawad sa nasabing salita. Eh yung isa? Ayon kiber 'tong babaitang 'to ang tayog ng pride, hindi rin ako kinakausap. Nakakaloka siya si Zeladda lang lagi ang nagsosorry sa ginawa nila at sinabi, At siya rin ang nagsosorry sa nasabing mga masasakit na words sa'kin nung babaitang iyon! Imbyerna kala mo naman maganda!

Napabuntong hininga si Zeladda "Hinihintay ka lang din niyan na maunang kausapin siya. Alam mo naman yang kaibigan natin Nikolas. Hindi rin papatalo"

Ako man ay napasigh nalang din "Osya sige sige kaloka kayo. Pero miss ko na kayo sa true lang bessywappy huhu! Sige uuwi na ako diyan bukas agad! Kailangan na rin ako ng Company!" maarteng wika ko

"Talaga? babalik kana dito? Maganda yan! Magkita-kita tayo ah? Strictly no boys ah? Magagalit na naman ang isang kaibigan natin. Alam mo yon bitter pa rin haha!" paalala sa akin ni Adda

Natawa rin ako "Haha oo nga! 'di ko malaman kung inggit o bitter tuloy!"

"Hayaan mo na basta bukas ah?"

"Di! Sa condo ko nalang punta kayo. Girls night hehe Miss ko na kayo ka bond mga bessywappies!"

"Miss you too Bessywappy. Huwag kang mag-aalala miss ka na rin nong isa nating bessywappy"

"Aba oo naman 'no hindi siya maganda at mas maganda ako sakanya para mag inarte siya 'no dzuh!" umirap ako kahit hindi ni Zeladda kita

Narinig ko naman ang tawa niya "Sige na sige na, oo nalang Nikolas. Bukas ah kita kits. Kailangan ko munang umuwi niks baka hinihintay na ako ni Addellesa. Alam mo namang iniiwan ko lang yun kay Jason"

"Ganon ba? Sige sige ingat bessywappy. Byeee! Miss youu!" sabi ko pa

"Take care too. Miss you too bessywappy. See you" She ended the call

Safe PlaceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin