CHAPTER XLVII

1.9K 34 1
                                    

Kinabukasan ay maghapon lang na nagpahinga sa kwarto si Mikha dahil sa paninikip pa rin ng dibdib niya habang ang mga kaibigan naman niya ay nanatili  pa rin sa sala ng condo niya upang umantabay sa kaibigan nila.

"Kasama na ngayon ni Aiah si Gelo" Biglang usap ni Sheena.

"Bakit daw?" Takang tanong naman ni Colet sa kaniyang nobya.

"Ngayong gabi na ang alis nila ni Aiah pa canada" Sagot naman ni Sheena. Gulat naman napatingin sa kaniya ang magkakaibigan, ngunit mas kinagulat naman nila ng biglang nila nakitang tumakbo palabas si Mikha ng condo niya.

"Oh shit!" Sigaw ni Colet, agad naman niya kinuha ang susi at ang wallet niya tsaka tumakbo palabas para sundan ang kaibigan, ganon din naman ang ginawa ni Jhoana tsaka tumakbo na rin palabas ng condo ni Mikha. Agad din naman nagsisunuran ang mga nobya nila sa kanila palabas.

"Tangina naman!" Sigaw ni Sheena ng masaraduhan sila ng Elevator, mabuti na lamang ay agad din bumukas ang isa kaya agad din silang nakababa pa parking lot. Nang makasakay na sa kotse ay agad din niyang tinawagan si Akira.

"Kuya Akira, papunta na ngayon si Mikha sa bahay niyo, aksidente niya kasing narinig na aalis si Aiah pa Canada ngayon" Usap ni Sheena sa kabilang linya.

"Teka si Mikha?! kaya na ba niyang magdrive ngayon?" Takang tanong ni Akira sa hipag niya

"Ayon nga ang inaalala namin sa ngayon kaya sinundan namin siya tsaka kuya nandoon si Tita Amanda" Nag aalalang sagot naman ni Sheena sa kabilang linya

"Oh siya sige sige, tatawagan ko na rin si Maloi, papunta na kami, mag iingat kayo" Sagot ni Akira at binaba na ang linya.

Nang makarating sa bahay ng mga Arceta ang magkakaibigan ay naabutan na lamang nila si Mikha na ngayo'y nasa harap na nila Aiah at Gelo. Agad din naman silang lumapit sa mga ito.

"Bakit hindi mo sinabing aalis ka?" Biglang tanong ni Mikha sa kaniyang nobya.

"Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko sayo?" Tanong pa ulit nito. Hindi naman siya sinagot ni Aiah at nagmadali na lang itong ilagay ang mga gamit niya sa sasakyan.

"Mikha, please, wag ngayon" Pakiusap ni Aiah habang nagpapakabusy pa rin sa pagsakay ng mga gamit sa sasakyan.

"Bakit hindi ka na nagparamdam?" Tanong pa ni Mikha habang sinusundan ang nobya.

"Mikha please, baka makita nila tayo!" Biglang usap ni Aiah. Nabigla naman si Mikha at hindi nakapaniwalang tumingin kay Aiah.

"Tangina naman, Aiah! Hindi na ako piloto, Ano pa bang kinakatakot mo?" Sigaw ni Mikha, nabigla naman si Aiah sa nalaman niya.

"Mikha please, tama na!" Tanging usap na lang ni Aiah. Napatigil naman si Mikha at tinignan na lang ang nobya.

"Aiah, mahal mo pa ba ako?" Biglang tanong ni Mikha. Napatigil naman si Aiah sa tanong ng nobya.

"Aiah! Gelo!"

"Mommy?!" Gulat na usap ni Aiah, parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Mikha ng makita niya kung sino ito. Siya lang naman ang asawa ng dating katrabaho ng daddy niya na namatay ng dahil sa kaniya.

"Tita Amanda?!"
"Janna?!"

Agad din naman bumaba ng sasakyan ang kakarating lang na sila Maloi, Jl, Gwen at Akira. At nabigla ng makitang magkakaharap na ang tatlo.

"Janna? Ikaw si Janna?" Tanong ni Aiah kay Mikha. Ang saglit na katahimikan ay napalitan ng isa, dalawa, tatlo at hindi mabilang na sampal.

"Tangina Mikha! Mamamatay tao ka! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang daddy ko!" Biglang sigaw ni Aiah sa dalaga habang hinahampas hampas ito.

"Pinatay mo ang daddy ko! Pinatay mo ang daddy ko" Umiiyak ng sabi ni Aiah.

"I'm sorry. Maya. I'm sorry" Umiiyak na usap ni Mikha.

"Kung hindi ka lang sana selfish, edi buhay pa sana ang daddy ko! kung hindi mo lang sana ginamit yang sakit ng puso mo edi sana hindi nakipag shift ng flight ang daddy mo sa daddy ko para lang sayo!" Sigaw pa ni Aiah at pinaghahampas hampas ulit ang dibdib ni Mikha. Agad naman naalarma si Akira sa ginawa ni Aiah kaya agad din niyang niyakap ang kapatid palayo kay Mikha.

"Tangina! Putangina talaga Mikha! Masaya ako sayo pero hindi ko alam na yung taong minahal ko pala ay yung taong pumatay sa daddy ko!" Sigaw pa ni Aiah. Lalapitan na sana ni Colet si Mikha ng makitang nahihirapan na itong huminga kakaiyak. Pero agad din siyang pinigilan ni Gelo na para bang sinasabi na huwag na siyang manghimasok sa mga ito.

"Siguro nga tama lang na hindi ka na kilalanin anak ng sarili mong magulang dahil ikaw din mismo ang pumatay sa sarili mong ama! Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente ang kotseng minamaneho ng daddy mo kakamadaling makauwi sayo!"

"Tangina Mikha! Ikaw rin ang pumatay sa daddy mo!"

"Maraiah! Tama na! Sumosobra ka na!" Sigaw ni Amanda sa bunso niyang anak. Agad naman na umiwas ng tingin si Aiah at kinuha na lang ang bag niya bago ulit lumapit kay Mikha.

"Simula ngayon, kahit na anong mangyari huwag na huwag ka ng lalapit sa akin" Seryosong usap niya sa mukha ni Mikha

"At please lang, huwag mo kong patayin" Dagdag pa niya bago tuluyan hilahin papasok ng sasakyan si Gelo at tuluyang umalis.





___________________________________________
ALAM NIYO BANG NADELETE NG KAPATID KO ANG ORIGINAL COPY NG CHAPTER XLVII. SO, IBIG SABIHIN, IBANG IBA ANG PAGKAKASULAT KO NITONG BAGONG CHAPTER XLVII SA UNANG SINULAT KO, NANDON PA RIN NAMAN YUNG PINAKA POINT NG STORY PERO BADTRIP PA RIN AKO. BADTRIP LANG KASI MAS NAGAGANDAHAN TALAGA AKO SA ORIGINAL COPY. PLUS KINAILANGAN KO PANG BURAHIN YUNG ILANG CHAPTER PARA LANG ISULAT TO ULIT. SORRY GUYS:(((

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon