" RADAR 1 "

48 3 2
                                    

The Boy who has a
BL RADAR
"  Part 1/4 | First Day "

"Goodmorning kuya Lance" bati saken ng kapatid kong si kyle na kakagising pa lang at tinanguan kolang ito bilang sagot.

Tumingin ako sa kanya naka sando lang ito na white at naka boxer short na may dalang towel at dumiretso na sa banyo upang maligo.

Habang ako naman ay binaling ang atensyon sa aking laptop.
Time check its already 6:30 am
At kailangan ko narin mag handa para makapasok sa school.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong lumabas na si kyle sa banyo kaya naman nag handa narin ako upang makaligo, sinara kona ang laptop ko at hinanda ang mga gamit na gagamitin sa school.

At pagkatapos kong maligo ay agad akong pumasok sa kwarto ko at gumayak para makapasok na.

Tulog pa sila mama at papa kase maaga pa, at nauna na si kyle na pumasok kaya kailangan ko narin magmadali kase 7:20am na

At ng makagayak na ako at ayos na lahat ng kailangan ko ay agad akong lumabas ng aking kwarto at nakita ko si mama na kakagising palang at naghahanda na ng almusal.

"oh anak, papasok kana? Almusal ka muna" Pag-aya ni mama saken

"Dun nalang ako sa school kakain ma, nag kape naman napo ako at kailangan ko ng pumasok, salamat po bye ma" Nagmamadali kong paalam kay mama at lumabas na papuntang school.

Malapit lang ang school sa bahay namen kaya nilalakad lang namen ni kyle.

Madami-dami pa naman akong nakikitang studyante na naglalakad din papunta kaya siguro ayos lang na medyo bagalan ko ng konte ang lakad and besides it is the first day of school.
Kaya siguro maraming kalmado na studyante kahit na ma late sila, well if ever man na malate ako, this is the first time na mangyayare yun.

At ng makapasok ako sa school ay madami parin ang naglalakarang studyante sa harapan ko na para bang walang pasok, siguro ang iba sa kanila ay hinde pinasukan ng teacher or free time lang para sa kanila ang first day.

At sa dami ng studyante na naglalakad sa harapan ko ay may nahagip ang aking mata na dalawang lalake na naglalakad at naka akbay ang isang lalake sa kasama niya.

At papunta silang dalawa sa direksyon kung nasaan ako kaya naman kitang kita ko ang unti unti nilang paglapit saaken hanggang sa aking harapan.

"ikaw ba si Lance Villaruel?" Tanong saaken ng isang lalake na medyo may katangkaran ng konte at yung isa naman ay kasing taas ko lang.

Yung lalaking nagtanong saken ay yung naka akbay sa isang lalake kanina na kasing tangkad kolang, kung ilalarawan ko siya sa inyo ay astig siya kung titignan at may itsura siya at yung isa naman na kasama niya ay napaka amo ng mukha kaya hinde malabong may namamagitan sa kanila lalo pa't nakita ko silang magka akbay kanina.

"Oo, ako nga si lance. How may i help you?" Sagot at tanong ko naman sa kanya pabalik at imbis na sumagot ay nagtinginan lang silang dalawa at-.....

To Be Continued...

The BOY who has a BL RadarWhere stories live. Discover now