The First Daughter 1

7 2 0
                                    


"Lagi ko pong gagawin ang lahat ng aking makakaya upang ang bansang ito ay tumayong muli sa kanyang pagkakadapa, ako po ay lubos na humihingi ng kapasalamatan sa patuloy na suportang inyong pinaabot" mga linyang binitawan ng ika labing pitong Presidente ng Pilipinas. Dalawampu't isang taong gulang na si Louissa ng pasukin na ng ama ang pinakamataas na posisyon ng gobyerno sa Pilipinas, ang Presidente.

Buong buhay ni Louissa ay kailangan niya ng humarap sa mga tao dahil pinanganak siyang nasa mundo na ito ng politika. Kahit ayaw niyang ngumiti ay kusa na lamang siyang napapangiti dahil kailangan ito sa harap ng mga media at kamera. Matapos ang event sa palasyo ay tahimik na inihatid siya ng kanyang ina sa kanyang kuwarto. Humiga ng bahagya si Louissa at nilasap ang lambot ng kanyang higaan. Tinanggal niya ang kanyang mga sapatos at namaluktot at naghikab, mabilis siyang nakatulog ng di man lang nakakapagpalit ng kanyang damit.

Bigla naman siyang nagising ng maramdaman niyang may umupo sa kaniyang kama. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya ang kanyang ama na nakatitig sa kanya, may dala itong gatas at binigay sa kanya.

"Napagod ka ba?" nakangiting tanong nito.

"Medyo, pero konting tulog lang ito dad, okay na din ako" nakangiting sagot ni Louissa.

"Louissa, do you really want to go to college? You can stay here if you like, maghahire tayo ng mga teachers na magagaling" nakangiting sabi ng kanyang ama. Umayos siya ng kanyang upo at tumitig siya sa mga mata ng kanyang ama.

"Dad, I want to learn so many things outside the palace, I know you'll gonna miss me, but just this time please? Let me enjoy my college life?" nagmamakaawang sabi ni Louissa sa kanyang ama, ngunit di pa din ito sumang-ayon at patuloy na pag-iisipan ang gusto ng anak. 

"I'm just scared to let you go, alam mo naman na pwedeng malagay sa kapahamakan ang buhay mo" malungkot na sabi ng kanyang ama. Niyakapa naman niya ito ng mahigpit. 

"Dad, that's why I came up with idea na isama ang pinaka the best body guard na meron ka. And that is George. At alam ko namang ipapasama mo sa akin ang buong PSG pagpasok ko sa university, ikaw pa ba dad? kilala kita" nakangiting paliwanag nito sa ama. Kaya naman lumuwag ng bahagya ang dibdib ng Presidente ng sabihin ito ng kanyang anak. 

Nagpaalam naman ito sa kanya na lalabas na ng kuwarto at marami pa siyang kailangang gawin. Ngumiti nmana si Louissa at bumuntong hininga habang tinitignan sa paglabas ang kanyang ama. 

Tumingin sa kisame si Louissa at kinausap ito. 

"I just wanted a simple college life, but I know for myself na hindi ito talaga ito magiging madali" at tuluyan niya ng ipinikit ang kanyang mga mata. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The First DaughterWhere stories live. Discover now