Umirap ako at agad bumaba ng kotse nang mapagbuksan ni Sandro. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking shoulder bag nang nanatili siyang nakatitig sa akin, ang isang kamay ay nasa pintuan ng sasakyan.

"Salamat ulit.." I said drily.

He nodded. Ang mga mata'y sandaling dumaan sa hita ko bago ibinalik sa akin. "Tawagan mo ko kung kailangan mo ng tulong sa paghila sa sasakyan mo. I know you still got my number, hindi ko pa pinapalitan 'yon.."

Agad akong pinamulahan ng mukha ng dahil sa sinabi niya.

"M- matagal ko nang na delete 'yon 'no!" I denied quickly. Nasapo ko ang noo nang tumalikod na sa kanya.

I know it's not necessary dahil may mga tauhan naman kami na maaaring utusan upang ipahila ang kotse ni Kuya. Ang kapal lang ng mukha niya para sabihing nasa akin pa rin ang number niya!

Nagbago ako ng numero makatapos ang ilang buwan pero saulado ko pa rin ang dati niyang number. Malay ko bang ilang taon na ay hindi pa pala siya nagpapalit ng numero.

Naningkit ang mga mata ni Zoe habang pinapanuod akong lumalapit sa kanya.

"Bakit naman ang tagal tagal mo?" bahagya niyang hinila ang buhok ko.

I sneered. "Eh ikaw kasi tawag ng tawag. Hindi tuloy ako maka pokus sa daan. Pahiram nga ng cellphone para matawagan ko si Kuya"

"Is that Sandro Marcos?" Zoe beat me off.

Lumawak ang ngisi niya at tumagos ang titig mula sa aking likuran. Kasalukuyang nakasandal si Sandro sa pintuan ng pick- up at nakahalukipkip kaming pinanood. Napasimangot ako. Bakit hindi pa rin siya umaalis?

Kumunot ang noo ko. "Kilala mo ba siya?"

Tinaasan ako ng kilay ni Zoe na tila ang weird ng sinabi ko. "Duh. Who wouldn't?"

"Siya ang muntik nang makasagasa sa akin.."

"What?" litong ibinalik ni Zoe ang tingin sa akin. Tila ngayon lang na stabilize lahat ng sinabi ko. "Ano'ng nangyari?"

Ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari. At hindi ko alam kung nakikinig ba talaga siya dahil palipat- lipat lang ang tingin niya sa akin at kay Sandro.

Nilingon ko si Sandro nang makapasok kami sa gate nina Zoe. Hinilot niya ang sentido at nagtitipa sa kanyang cellphone habang papasok sa drivers seat. Siguro ay ka text niya si Dianna at humihingi na ng patawad dahil naantala ang pagkikita nila.

I felt something inside me when I remember him relieving my insecurities before. Ganoon din kaya siya kay Dianna?

"Super hot and gwapo talaga!" pinanggigilan ni Zoe ang braso ko.

Umismid ako. "Bago ka palang dito pero kilala mo na siya? Grabe naman ang radar mo."

She chuckled. "Grabe ka talaga sakin, Venus. He's a steel magnate! Ang steel company na pinamamahalaan niya ang isa sa mga major supplier ng construction company ni Kuya."

"Steel magnate?" hindi ko na naitago ang pagkabigla.

"Uh-hm. He is one of the biggest player in the steel world and is now the chairman and CEO of FEM steel, one of the largest steel making company in the country."

Kung nalaglag man ang panga ko sa mga sandaling ito ay hindi ko na napuna. What the heck? I could clearly remember him three years ago following his father's footsteps. Paanong napunta siya sa ganitong industriya?

And take note, he's one of the best in this field!

"Wow." bulalas ko.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zoe habang sinusulyapan ako. "Rich and very successful d'ba? Nagtataka nga ako eh, why did he remained single when women are almost crawling at his feet?"

Waves of LifeWhere stories live. Discover now